top of page
Search

ni Gina Pleñago | July 21, 2023




Sinagot ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Taguig ang hirit ni Mayor Abby Binay na hindi matutumbasan ng una ang mga benepisyong ibinibigay ng Makati sa 10 barangay na nalipat na sa kanilang hurisdiksyon.


Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, dapat nang tanggapin ng Makati LGU ang naging pinal na desisyon ng Korte Suprema para maiwasan ang pagkagambala ng

publiko.


Naninindigan ang Taguig LGU na handa sila sa responsibilidad na nakaatang sa kanila sa 10 barangay tulad ng kanilang pag-aalaga sa kanilang 28 barangay.


Pumalag din umano si Cayetano sa naging pahayag ni Binay na tila minaliit ang Taguig sa kakayahang maibigay ang social benefits sa 10 barangay at ipinagmalaki pa na kaya rin aniya ng Makati na ibigay ang scholarship program ng Taguig.


Tinawag pang uncharitable at unfounded ang pahayag na ito ni Binay na irrelevant umano sa pinal na desisyon ng SC.


Sa huli ipinaalala ni Cayetano na ang tanging layunin ng bawat isa ay para sa ikabubuti ng mamamayan at kanilang residente na dapat na tamang gawin ay sundin ang utos ng Korte Suprema.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 19, 2023




Sa harap ng diskusyon sa Taguig-Makati territorial dispute na pinal nang nadesisyunan ng Korte Suprema, lumiham sa lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga residente ng Pembo, Makati para madaliin ang kanilang pag-takeover at mailipat na sila bilang mga residente ng lungsod.


Sa dalawang pahinang liham na naka-address sa mga opisyal ng lungsod mula sa grupo na Mandirigma ng Pembo, sinabi nito na mismong sila na mga residente ang gumagawa ng paraan para i-counter ang mga fake news patungkol sa posibleng negatibong idudulot ng final and executory decision ng SC.


Layon din ng liham na alamin kung ano ang mga maaari nilang asahan sa lungsod sa oras na maisakatuparan ang takeover, anila, mainam na ilahad ito upang mawakasan na ang agam- agam sa paglilipat ng mga residente.


Inamin din ng mga residente sa kanilang liham na mayroong nangyayaring mga black propaganda para siraan ang Taguig at mismong mga barangay officials na appointees at nasa hold over position umano ang nagsasagawa nito.


Hangad umano nila na mailipat na sa Taguig para makaiwas na sa pamumulitika.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 17, 2023




Isang petition letter ang kumakalat ngayon sa Enlisted Men Barrio (Embo) Barangay sa Makati City kung saan hinihimok ang mga residente na lumagda sa isang petisyon na nanghihikayat na iakyat ang usapin ng Makati-Taguig territorial dispute sa Kongreso.


Nakapaloob sa isang pahinang petition letter na may kapangyarihan umano ang Kongreso na magtakda ng referendum o people’s initiative sa ilalim ng 1987 Constitution, layunin ng petisyon na mangalap ng sapat na pirma para pakinggan ang petisyon ng mga mambabatas. Walang nakalagay na pangalan kung sino ang namuno sa ipinakakalat na petisyon maliban lamang sa “Mamamayan ng Makati”.


Nakasaad pa rito na ang paghingi ng pagsaklolo sa Kongreso ng mga residente ay magiging “last recourse” matapos na magpalabas ng pinal na desisyon ang Korte Suprema na nagtatakda na ang 10 Embo barangays kabilang ang Bonifacio Global City ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City.


Gayunman, ang lumabas na signature drive ay kabaligtaran umano sa tunay na sentimyento at sa natanggap ng mga ilang opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na liham mula sa mga residente ng Makati na humihiling na bilisan ng lungsod ang gagawing transition.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page