top of page
Search

@Buti na lang may SSS | March 20, 2022


Dear SSS,


Magandang araw po. Ang mother-in-law ko ay isang SSS pensioner. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Canada. Nais sana niyang malaman kung paano siya makakapag-comply sa ACOP. Kailangan pa bang umuwi siya rito sa Pilipinas? Salamat po. —Sonia


SAGOT:


Mabuting araw sa iyo, Sonia!


Simula noong Oktubre 2021, muling ibinalik ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program o ang taunang pagre-report ng mga pensyonado sa SSS. Layunin nito na masiguro na ang tamang benepisyaryo pa rin ang tumatanggap ng pensyon sa SSS at para maprotektahan na rin ang pondo nito kung saan mayroong mga pagkakataon na nagbago na ang estado ng isang surviving spouse na kinakailangang malaman ng SSS, tulad halimbawa ng kanilang pag-aasawa at iba pang mga kadahilanan.


Ang mga sumusunod na uri ng pensyonado ang mga kinakailangang tumugon hanggang Marso 31, 2022 upang hindi maputol ang pagtanggap nila ng kanilang buwanang pensyon:


• retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa;

• total disability pensioners;

• survivor pensioners (death); at

• dependent (minor/incapacitated) pensioners sa ilalim ng guardianship.


Nais naman nating banggitin na ang mga retiradong pensyonado ng SSS na naninirahan dito sa Pilipinas ay exempted mula sa ACOP simula noong Oktubre 2017 kaya hindi na nila kailangang mag-report sa SSS para dito.


Samantala, Sonia, para sa mga pensyonado na naninirahan sa ibang bansa, tulad ng iyong mother-in-law, may tatlong pamamaraan upang isagawa ang ACOP.


Option 1: Sa pamamagitan ng video conference (Microsoft Teams). Mag-send siya ng appointment request sa ofw.relations@sss.gov.ph. Hintayin ang e-mail confirmation mula sa SSS na naglalaman ng transaction reference number (TRN) at ng link sa Microsoft Teams. Sa scheduled video conferencing, dapat mayroon siyang maipakitang isang (1) primary ID card o dalawang (2) secondary ID cards gaya ng Senior Citizens Card, Voter’s at Postal ID, atbp.


Option 2: Maaaring ipadala ang mga required na dokumento sa e-mail address ng pinakamalapit na SSS foreign office. Sa Canada, matatagpuan ang mga opisinang ito sa Philippine Overseas Labor Office sa Vancouver, Philippine Consulate General sa Calgary, at sa Philippine Consulate General naman sa Toronto.


Option 3: Maaari ding ipadala ang mga required na dokumento sa pamamagitan ng koreo sa SSS OFW-Contact Services Section, SSS Bldg., East Avenue, Diliman, Quezon City 1100.


Para sa Option 2 at 3, dapat ihanda ng mother-in-law mo, Sonia ang sumusunod na mga dokumento:


• duly-accomplished ACOP Form;

• isang primary o dalawang secondary ID cards;

• half-body photo ng pensyonado na may hawak na kasalukuyang dyaryo o kaya’y nasa background niya ang TV news crawler o ticker kung saan makikita nang malinaw ang news headline at kasalukuyang petsa.


Maaari mong i-download ang SSS ACOP form sa link na ito https://bit.ly/3mC8TkE.

Nais naming ipaalala na kung hindi makakapag-comply sa ACOP ang iyong mother-in-law hanggang Marso 31, 2022, maaaring maputol ang pagtanggap niya ng buwanang pensyon simula sa buwan ng Mayo 2022.


Pagsapit ng Abril 1, 2022, susundin na muli ang dating schedule ng ACOP para sa taong 2022 at sa mga susunod na taon. Paalala rin sa mga pensyonado na naninirahan sa ibang bansa, ang kanilang pag-comply sa ACOP ay kailangang gawin tuwing birth month nila o tatlong buwan bago sumapit ito.


Dagdag dito, ang kasalukuyang ACOP Compliance ay para sa taong 2021 lamang. Kinakailangang muling mag-report ang mga pensyonadong nabanggit para sa taong 2022 gamit ang bagong sistema para sa kanilang kaginhawahan at proteksyon at hindi na kailangan pang magtungo sa mga branches ng SSS.


◘◘◘


Mabuting balita! Bukas ang lahat ng sangay ng SSS sa National Capital Region mula 6:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes. Samantala, bukas din tuwing Sabado ang mga SSS branch sa Diliman, Cubao, San Francisco Del Monte, Batasan Hills, New Panaderos, Makati-JP Rizal, Pasig-Pioneer, Parañaque, Taguig, Las Piñas, Alabang-Muntinlupa, Binondo, and Manila mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.


◘◘◘


Nais naming ipaalam sa ating mga miyembro na pinalawig ang application period ng Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 5 hanggang May 14, 2022. Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro ang mga naipong multa o penalties sa hindi niya nabayarang utang sa SSS gaya ng salary loan, Calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency loan at restructured loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.


Bukod dito, pinalawig din ang application period para sa Housing Loan Restructuring and Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 4.


Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para dito hanggang Mayo 21, 2022. Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro o mga tagapagmana nito ang mga naipong multa o penalties sa hindi nabayarang housing loan. Maaari silang mag-file ng aplikasyon sa SSS Housing and Acquired Asset Management Department na nasa SSS Main Office sa Quezon City at sa Housing and Acquired Asset Management Section ng piling sangay ng SSS sa labas ng Metro Manila.



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

@Buti na lang may SSS | March 13, 2022



Dear SSS,

Magandang araw, SSS! Ako ay isang freelancer at kasalukuyang naghuhulog bilang self-employed member. Sa ngayon, ako ay nagdadalang-tao kaya nais kong malaman kung maaari na akong mag-file ng maternity benefit application sa pamamagitan ng online. Salamat po. —Angelie

SAGOT:


Mabuting araw sa 'yo, Angelie!


Simula noong Mayo 31, 2021, maaari nang mag-file ng maternity benefit application online ang mga kababaihang miyembro ng SSS na katulad mong self-employed, maging ang mga employed, voluntary, overseas Filipino worker (OFW) at non-working spouse (NWS). Dahil dito, hindi mo na kinakailangang magpunta sa alinmang sangay ng aming mga tanggapan upang makapag-file ng iyong claim.


Bahagi ito ng pinaigting na digitalization efforts ng SSS upang gawing online ang iba’t ibang transakyon ng mga miyembro, employer, pensyonado at claimant sa SSS sa ilalim ng brand campaign nitong ExpreSSS – mas pinadali, mas pinabilis at mas pinasimpleng mga transaksyon sa SSS. Isa nga rito ang pagpa-file ng maternity benefit application gamit ang iyong account sa My.SSS na nasa SSS website (www.sss.gov.ph).


Kaya Angelie, dapat tiyakin mo na ikaw ay nakarehistro na sa My.SSS. Kung hindi pa, maaari kang magtungo sa aming website (www.sss.gov.ph) o di kaya’y i-click mo ang link na ito, https://bit.ly/3tKSo8v, upang masimulan ang iyong pagrerehistro dito. Punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Nais naming ipaalala na ang dapat irehistro mong e-mail address ay aktibo at nagagamit mo pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para ma-activate at magamit mo na ang iyong account.


Mahalaga rin na i-enroll mo ang iyong bank account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) kung saan nais mong matanggap ang iyong benepisyo. Kailangan lamang na ang iyong account ay kabilang sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks.


Upang makapag-enroll sa DAEM, mag-login sa iyong My.SSS account. I-click ang “E-SERVICES” at pagkatapos ay i-click mo ang Disbursement Account Enrollment Module. Sundin mo ang lahat ng procedures at punan mo ang lahat ng kailangang impormasyon. Matapos ito, i-attach mo ang malinaw na kopya ng napili mong dokumento na nagpapatunay na lehitimong sa 'yo ang iyong account. Magpapadala ang SSS ng magkahiwalay na mensahe sa iyong e-mail address na natanggap na ang iyong account enrollment at ang status o resulta ng iyong enrollment. Kapag mayroon ka nang My.SSS account, mag-login ka gamit ang iyong user ID at password.


Samantala, kung ikaw ay nakapag-enroll na sa DAEM, i-click mo ang “Member”. Mag-login ka gamit ang iyong user ID at password. Sunod, i-click mo ang “I’m not a robot” at i-click ang “Submit”. Makikita ang mga tab ng “HOME", “MEMBER INFO", “INQUIRY”, “E-SERVICES" at “PAYMENT REFERENCE NUMBER (PRN)”. Para mag-file ng maternity benefit application, i-click ang “E-SERVICES” tab at sunod mong i-click ang maternity benefit application.


Angelie, kailangan mong i-upload ang mga supporting documents hinggil sa iyong maternity benefit application tulad ng Maternity Notification Form na may tatak na natanggap ito ng SSS, pinunuang Maternity Reimbursement Form, UMID o 2 valid IDs.

Susuriin naman ng SSS ang mga dokumento na iyong isusumite. Samantala, maaari pa ring humingi ang SSS ng mga karagdagang dokumento, kung kinakailangan para dito.

Magpapadala naman ang SSS ng magkahiwalay na mensahe sa iyong e-mail address na natanggap na ang iyong aplikasyon at kung ito ay aprubado o kaya’y denied.


◘◘◘


Nais naming ipaalam sa ating mga miyembro na pinalawig ang application period ng Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 5 hanggang May 14, 2022. Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro ang mga naipong multa o penalties sa hindi niya nabayarang utang sa SSS gaya ng Salary loan, Calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency loan at restructured loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.


Bukod dito, pinalawig din ang application period para sa Housing Loan Restructuring and Penalty Condonation Program o ang Pandemic Relief and Restructuring Program 4. Tatanggap ang SSS ng aplikasyon para dito hanggang Mayo 21, 2022.


Sa ilalim nito, hindi na kailangang bayaran ng miyembro o mga tagapagmana nito ang mga naipong multa o penalties sa hindi nabayarang housing loan.


Maaari silang mag-file ng aplikasyon sa SSS Housing and Acquired Asset Management Department na nasa SSS Main Office sa Quezon City at sa Housing and Acquired Asset Management Section ng piling sangay ng SSS sa labas ng Metro Manila.



Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

 
 

ni Lolet Abania | March 12, 2022


ree

Ipinahayag ng bagong itinalagang Social Security System (SSS) president at chief executive officer na si Michael Regino na ang mga retired o retirement pensioners na naninirahan sa bansa ay mananatiling exempted mula sa pagkuha ng Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP), ito ay para patuloy na makatanggap ng kanilang buwanang pensyon.


Sa isang statement, sinabi ni Regino na ang mga naturang pensyunado na naninirahan sa Pilipinas ay hindi na required simula pa noong Oktubre 30, 2017 na mag-report sa anumang SSS branch, kapag buwan na ng kanilang kapanganakan para mag-comply ng ACOP.


“We recognize the challenges brought about by the pandemic and we have suspended ACOP compliance starting February 2020 until September 30, 2021 to protect the safety and health of our pensioners,” sabi ni Regino nitong Biyernes.


“We devised a way that will no longer require our pensioners to do the annual reporting to SSS. We implemented various verification procedures to confirm if a retirement pensioner is still alive and entitled to receive his/her monthly pension,” pahayag pa ni Regino.


Ayon sa SSS chief, sa pagkuha ng pension fund, nire-require sa mga pensioners na mag-report taun-taon sa SSS, para matiyak na sa karapat-dapat na recipients lamang patuloy na tatanggap ng mga benepisyo.


“We have established ACOP in 2012 to ensure that we are giving the benefits only to those who are entitled under the Social Security Law. ACOP protects the SSS fund from various kinds of fraudulent claims wherein some beneficiaries still receive SSS pensions while the member is already deceased, especially for surviving spouses,” paliwanag ng opisyal.


Nilinaw naman ni Regino, na mayroon lamang apat na klase ng pensioners, kabilang dito ang survivor (death), total disability, dependent’s pensioners at retirement pensioners na naninirahan abroad na kailangang kumuha ng ACOP.


Aniya, mayroon na lang sila hanggang Marso 31, 2022 para magsagawa ng kanilang yearly reporting online at iba pang non-face-to-face methods.


“Non-compliance with the yearly reporting will lead to temporary suspension of their monthly pensions starting May 2022,” sabi ni Regino.


“They also have the option to send their compliance through mail or courier service addressed to the branch head of the nearest SSS branch if they reside in the Philippines. If residing overseas, they can send it to the SSS OFW-Contact Services Section located in the SSS Main Office in Quezon City, or the nearest foreign representative office,” anang opisyal.


Sinabi ni Regino na maaari rin nilang gawin ang kanilang ACOP sa pamamagitan ng video conferencing via Microsoft Teams para sa mga pensioners na naninirahan abroad. Habang puwede ring mag-request ng appointment sa ofw.relations@sss.gov.ph.


“On the other hand, total disability pensioners residing in the Philippines can comply with ACOP through a home visit by sending a written request via e-mail or mail addressed to the Medical Services Section of the nearest SSS branch,” sabi pa ni Regino.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page