top of page
Search

ni MC / Clyde Mariano @Sports | August 15, 2024



Sports News
Photo: Carlos Yulo - Presidential Communications Office

              

Masayang nagbigay ng kanyang mensahe sa sambayanang Filipino lalo na sa mga sumalubong, bumati at nagpugay sa mga Olympians kahapon sa heroes' welcome celebration si double gold medalist Carlos Yulo.


Aniya, "Salamat sa walang suporta sa aming mga Olympians, at kung hindi dahil sa inyong lahat ay hindi namin maaabot at mapagsisikapan pang makuha ang pinakaprestihiyosong medalya sa buong mundo!" 


Sumasabay din sa mainit na panahon sa parada ay ang init ng pagkaway at pagbati ng mga tao sa ating Olympians na lalong ikinatuwa ng mga atleta na panay ang wagayway ng bandila ng Pilipinas.


Nang maimbita ng dinner sa Malacanang pagkauwi mula sa Paris kamakalawa ng gabi, sinalubong sila ng First Family sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos. 


Pagdating sa palasyo ay inihanda sa kanila ang menu na salmon belly sinigang na may kamias at roast US angus rib-eye na may mechado sauce at sweet potato mashed at sautéed French beans. Ang kanilang dessert ay flourless chocolate decadence cake at pistachio macaron, mga inuming dalandan juice, coffee at tea.  


Pinagkalooban ni Marcos ng dobleng insentibo si Yulo ng P20-M habang tig-P2M ang bawat isang bronze medalist at tig-P1 million ang bawat Olympian.


Napuntahan at naibigay na rin kay Yulo ang kanyang P35-M na halaga ng condo unit na handog ng Megaworld sa BGC, Taguig City kahapon at naghihintay din ang bahay at lupa sa Tagaytay City na handog ng  Philippine Olympic Committee, maging ang P5-M mula sa Arena Plus at multi million pesos na product endorsements.


Tatanggapin din ni Yulo ang coveted PSA Athlete of the Year at Hall of Famer award para sa isang atletang nagpakitang husay at matinding performance sa world class competition tulad ng Olympic Games. 

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 15, 2024



Showbiz news
Photo: Carlos Yulo / Coach Hazel Calawod / Chloe San Jose

Kalat sa social media na pinagseselosan daw ni Chloe San Jose ang coach ng boyfriend na 2024 Paris Olympic double gold medalist na si Carlos Yulo na si Hazel Calawod.


Tsinek namin kung sino si Coach Hazel na kamakailan ay nakapanayam ni Gretchen Fullido sa TV Patrol at base sa kanyang Instagram (IG) account, nakalagay na Exercise | Sports | Travel | Mental Health Harvard-certified Human Factors Specialist, Data Scientist (MIT) at Sports Therapist ito.


Si Coach Hazel ang therapist ni Carlos at malaki ang ambag nito sa pagkapanalo ng ating atleta para maging maayos ang physical at mental conditioning nito. 


Ang ipinagtataka ng mga netizens ay kung bakit hindi man lang daw ipino-post ni Kaloy (palayaw ni Carlos) ang larawan ni Coach Hazel sa kanyang social media accounts, at hindi rin daw niya ito pinasasalamatan man lang.


Nabanggit pa na dapat daw, sa mga panayam ni Carlos ay kasama rin si Hazel sa mga itinatanong at magkasama sila bukod sa financier mentor nitong si Cynthia Carrion.


Sa bintang ng mga netizens na nagseselos si Chloe kay Coach Hazel ay kaselos-selos naman din talaga kung totoo, dahil bukod sa maganda na ang credentials ng huli ay maganda rin ito physically at higit sa lahat, single pa base sa mga posts niya na wala siyang special someone.


Bago pa umingay ang pangalan ni Coach Hazel sa Olympics ay nakagawa na siya ng TVC na ang napanood namin ay ang Chippy with friends, may print ad siya ng Sprite at nakagawa na rin siya ng indie film.


Naaliw kami sa mga komentong nabasa namin na mas bagay daw sina Carlos at Coach Hazel, kaya siguro lalong nagngingitngit si Chloe dahil halos lahat ay ayaw sa kanya.


Anyway, kaagad itong pinabulaanan ng kasintahan ni Kaloy, ‘wag daw silang gawan ng isyu ni Coach Hazel dahil magkaibigan sila.


Ipinost ni Chloe ang mga larawan nila ni Coach Hazel sa kanyang Facebook (FB) account na Chloe Anjeleigh San Jose.


Ang caption ay: “‘Wag kayong issue, kung ano-ano na lang talaga, 'noh. Me and Coach Lyn Hazel (loafie) are good, good friends.”

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 15, 2024



Showbiz news
Photo: Carlos Yulo / ABS-CBN / RTVM / Circulated

Sakay ng chartered Philippine Airlines plane, lumapag sa Villamor Airbase ang mga Pilipinong atletang lumahok sa Paris Olympics 2024 nu'ng Martes nang gabi, Agosto 13, 2024. 


Sinalubong ang mga atleta nang mainit at buong pagmamahal ng kani-kanilang pamilya, mga fans at supporters.


Lumabas sa social media ang mga larawan ng mga atletang magiliw na yakap-yakap at hinahalikan ng kanilang mga kamag-anak.


Pero kapansin-pansin na wala ang pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sumalubong sa kanya. 


Sabi ng ilang netizens, tila may kinalaman pa rin ito sa hidwaan ng mag-inang Angelica at Carlos.


May paliwanag naman ang lolo ni Carlos na si Rodrigo kung bakit walang sumalubong sa kanila sa Villamor Airbase nu'ng gabing dumating si Carlos at ang iba pang atletang Pinoy.


Sa panayam ng ABS-CBN News kay Rodrigo, wala itong sinabing intriga tungkol sa hindi nila pagsalubong ng pamilya niya sa pagbabalik ni Carlos sa Pilipinas.


“Dapat nga sana, masaya, kaso (pero) nadismaya ako. Hindi kami pinayagang pumunta ru’n. Ang susundo lang daw, si President, saka mga piling-piling media.


“Kaya imbes na masaya sana kaming lahat, nadismaya kami dahil naka-ready na kami sa pagsalubong, eh. Naka-ready na kami,” ayon pa sa 74 years old grandfather ni Carlos.

May nag-message raw sa kanila na nagsabing huwag na silang sumalubong.


Sabi ni Lolo Rodrigo, “Nag-text daw sa papa niya (Mark Andrew) na ‘wag na raw kaming sumama sa pagsalubong.”


Nang tanungin si Rodrigo kung sino ang nagsabi sa kanila na ‘wag nang salubungin si Carlos, sagot niya, “Hindi ko rin alam kung sino, eh, pero si Caloy 'ata, eh.”

Bakas ang pananabik ni Rodrigo at ng buong Yulo clan nang sabihin nitong gusto nilang makita at mayakap ang kanyang apo.


“Excited talaga dahil matagal na namin s’yang hindi nakita. ‘Yung mga kaibigan namin, gumawa na ng mga banner. Kung anu-ano pa yata ‘yung mga ginawa nila, saka nagprepara rin sila ng pagkain para sa ‘min.”


Kahapon ay nagkaroon ng grand homecoming para kay Yulo sa Manila, pero mukhang hindi pa rin nagkita si Carlos at ang kanyang pamilya.


Instead, kumalat nga ang picture kung saan may pa-banner ang mga fans ni Yulo na ang nakalagay ay "Caloy dito papa mo" dahil nasa crowd ang ama ni Carlos at isa sa mga nag-aabang para sumalubong sa kanya. 


Carlos Yulo

Nag-viral ang naturang larawan at tila lalo pa itong nakadagdag sa simpatya ng mga tao sa pamilya ni Carlos habang mas marami naman ang nagagalit sa kanya. 



Sobrang tigas daw ng ulo at maldita…

KALAT NA: GF NI CARLOS, IDINEMANDA ANG MADIR KAYA ITINAKWIL


Carlos Yulo at Chloe San Jose - IG

AYON sa News Line.PH, viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na sinabi kung ano ang tunay na pagkatao ni Chloe Anjhelie San Jose, ang girlfriend ng double gold Olympic medalist na si Carlos Yulo.


Ayon sa post ng netizen, hindi raw maganda ang relasyon ni Chloe sa sariling pamilya dahil sa katigasan ng ulo. 


Kilalang-kilala raw ng netizen si Chloe na maldita talaga dahil ang sarili niyang ina ay itinakwil siya.


Sey ng netizen, “Pati sarili niyang ina, itinakwil s’ya dahil sa katigasan ng ulo. Idinemanda pa niya ang sariling ina.


“Lahat halos ng kamag-anak niya ay itinakwil din siya dahil sa kawalan ng respeto. Kaya hindi nakapagtataka na hindi niya kayang galangin ang nanay ni Carlos Yulo.” 


Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng netizen na namba-bash kay Chloe, at 'di pa rin makumpirma kung ito ba’y “fake news” dahil sadyang naiinggit lang siya sa nobya ni Carlos Yulo o kung nagsasabi siya nang totoo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page