top of page
Search

ni Thea Janica Teh | August 31, 2020



Hinuli ang isang 28-anyos na lalaki matapos itong makitang nagnakaw sa isang mini-mart sa Barangay Ligid-Tipas Taguig ng karne nitong Sabado.


ree


Ayon sa Southern Police District, dumating sa tindahan ang lalaki nang alas-7 ng gabi at

nagnakaw ng 2 frozen meat, isang kasim at isang marinated na barbeque na tig-kalahating kilo. Ito ay nagkakahalaga ng P270.


Matapos makita sa CCTV ng isa sa mga staff ng tindahan, hinabol pa umano ito hanggang sa labas ng tindahan. Agad naman itong nahuli ng 2 bantay-bayan ng barangay.


Napag-alamang walang trabaho ang suspek at taga-ibang barangay. Agad itong dinala sa Substation 5 sa Tipas bago inilipat sa headquarters ng Taguig City Police.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page