top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 23, 2023



Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang suspensyon ng klase at trabaho sa Metro Manila.


Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pananalasa ng Bagyong Egay at maibsan ang epekto ng tigil-pasada kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, bukas Hulyo 24.


Ginawa ng Palasyo ang anunsyo matapos na lagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular No. 25 noong Hulyo 21, at inilabas kahapon.


“In view of the forecasted inclement weather brought about by Typhoon ‘Egay’ and the scheduled seventy-two (72)-hour transport strike in Metro Manila, work in government offices and classes in public schools at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 24 July 2023,” nakasaad sa memorandum circular.


Gayunman, nilinaw ni Bersamin na ang mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng mga pangunahin at serbisyong pangkalusugan, kahandaan/tugon sa mga sakuna at kalamidad, at/o ang pagganap ng iba pang mahahalagang serbisyo ay dapat magpatuloy sa kanilang operasyon.


Nilinaw din ng Executive Secretary na nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga head ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at klase sa mga pribadong paaralan.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 22, 2023




Biyaheng Malaysia sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Hulyo 25 o isang araw matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).


Sa pulong balitaan sa Palasyo, sinabi ni Foreign Affairs spokesman Teresita Daza na inimbitahan nina King Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim si Pangulong Marcos para sa isang state visit sa Hulyo 25 hanggang 27.


Ayon kay Daza, magkakaroon ng audience ang Pangulo sa ika-16 na King of Malaysia.


Ito ay susundan ng pakikipagpulong kay Prime Minister Ibrahim para talakayin ang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa.


Kabilang sa mga pag-uusapan ang tungkol sa agrikultura, turismo, food security, digital economy at people-to-people exchanges.


Magkakaroon din aniya ng bagong pag-uusapan ang dalawang lider, ito ay patungkol sa Halal industry at Islamic Banking.


Kasama ng Pangulo sa Malaysia ang kalihim ng Department of Foreign Affairs at ang economic team.


Inihayag ni Daza na kasama rin ng Pangulo ang ilang malalaking negosyante sa bansa para mapalakas pa ang bilateral trade at investment.


Hindi naman kasi aniya maikakaila na ang Malaysia ay nasa top 10 trading partner ng Pilipinas at top 22 na source of investment.


Dagdag pa ni Daza, hindi rin maiwasan na maaaring idiga ng Pangulo sa mga negosyante ang Maharlika Investment Fund na nilagdaan kamakailan lamang.


Makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community.


Ayon pa kay Daza, ilalatag ng Pangulo sa harap ng mga OFW ang mga programa na ginagawa ng Punong Ehekutibo para sa mga migrant workers.


Nasa 100,000 ang Pinoy na nasa Malaysia.


Hindi naman matukoy ni Daza kung tatalakayin nina Pangulong Marcos at Prime Minister Ibrahim ang usapin sa teritoryo ng Sabbah.


Sinabi pa ni Daza na napapanahon ang pagtungo ni Pangulong Marcos sa Malaysia dahil ipagdiriwang ang ika-60 anibersaryo ng pagtatag ng diplomatic ties ng dalawang bansa.


Ito na ang ika-14 na foreign trips ni Pangulong Marcos mula nang maupo sa puwesto.


Kabilang sa mga biyahe ng Pangulo ang dalawang beses na pagtungo sa Singapore, New York, Cambodia, Thailand, Belgium, Switzerland, Japan, Washington, London at dalawang beses na pagtungo sa Indonesia.


 
 
  • BULGAR
  • Jul 20, 2023

ni Jeff Tumbado | July 20, 2023




Suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa araw mismo ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Hulyo 24.


Ito ang direktiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte para bigyang-daan ang SONA ng Pangulo sa House of Representatives sa Batasan Hills, Quezon City.


Ibinase ni Belmonte ang deklarasyon sa Executive Order No. 23.


Una rito, magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng lockdown sa Batasan Complex kung saan gagawin ang SONA.


Pinapayuhan din ang mga motorista na apektado ng lockdown na maghanap ng alternatibong ruta.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page