top of page
Search

ni BRT @News | July 24, 2023




Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding ngayong araw, Hulyo 24.


Kasabay ito ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


“Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Hulyo 24, 2023,” ayon sa abiso ng MMDA.


“Planuhin ang inyong biyahe, sumunod sa batas-trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho,” saad pa.


Ngayong araw din ang nakatakdang transport strike ng Manibela para iprotesta ang modernization program sa pampublikong sasakyan.


 
 

ni Madel Moratillo @News | July 24, 2023




Bagsak na grado ang ibinigay ng grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasabay ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).


Sa isang street conference ng grupong Pamalakaya o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, binanggit nila ang kabiguan ng Marcos administration na tugunan ang problema ng mga nasa sektor ng pangingisda maging ang reclamation ng mga dagat. Katunayan anila, nasa 21 reclamation projects na ang naaprubahan at nabigyan ng environmental compliance certificate sa Manila Bay.


Nanawagan naman sila sa gobyerno ng 15 libong pisong subsidy para sa gasolina ng kanilang mga bangkang pangisda. Sasali rin umano sila sa gagawing kilos-protesta sa SONA ng Pangulo ngayong araw.


Samantala, ang mga vendor naman na nagtitinda sa Commonwealth market sa Quezon City, nanawagan sa Pangulo na pababain ang presyo ng bigas.


Gustuhin man umano nilang mapababa ang presyong ipinapasa sa mga customer, wala rin silang magawa dahil mahal ang kuha nila sa supplier.


Panawagan din ng mga vendor kay P-BBM na tutukan ang inflation. Marami na umano ang umaaray dahil sa sobrang taas ng mga bilihin.


 
 

ni BRT @News | July 23, 2023




Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila papaboran ang anumang grupo, tagasuporta man ng gobyerno o nagpoprotesta sa idaraos na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay PNP Spokesperson Jean Fajardo, nagbigay ang pamahalaang lungsod ng Quezon ng mga permit sa apat na grupo para sa SONA bukas at pinaalalahanan ang mga ito na sumunod sa mga guideline alinsunod sa ibinigay sa kanilang permits.

Ang mga progresibong grupo ay papayagan lamang na pumosisyon sa may Tandang Sora malapit sa Commonwealth habang ang mga grupong pro-government naman ay sa may harapan ng St. Peter Parish sa may Commonwealth.

Humigit kumulang 2 kilometro ang agwat ng magkabilang grupo para maiwasan ang tensyon na posibleng maging mitsa ng away.


Samantala, hindi rin pinapayagan ang pagsusunog ng effigy o imahe ng personalidad dahil mayroon aniyang batas na nagbabawal sa pagsusunog sa pampublikong lugar.


Bawal din ang pagsira ng effigy dahil maaari itong magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko kung saan paiiralin ng PNP ang maximum tolerance sa mga protester.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page