top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 25, 2023



ree

Ikinaalarma ni Sen. Grace Poe ang patuloy na paglaganap ng text scam at ang napaulat na paggamit ng subscriber identity modules (SIMs) sa mga operasyon ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).


Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 745, hiniling ni Poe sa kaukulang komite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa usapin upang malaman kung ganap na naipatutupad ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act mahigit sa isang taon mula nang ito'y maisabatas.


Ayon pa kay Poe, dapat magpaliwanag ang implementing agencies, telecommunication companies at law enforcement agencies kung paano nairehistro ang libu- libong SIM na ginamit sa ilegal na operasyon ng POGO.


Pinaalalahanan din ng senadora ang National Telecommunications Commission, Department of Information and Communications Technology at iba pang may kinalamang ahensya, na magsumite sa Kongreso ng ulat at update sa implementasyon ng naturang batas.



 
 

ni BRT @News | July 29, 2023



ree

Ngayong tapos na ang deadline ng SIM registration, sinabi ni Senator Grace Poe na nasa kamay na ng mga awtoridad ang bola para sa epektibong pagpapatupad ng SIM Registration Act.


Ayon sa Senadora, kung may mga cybercriminals na patuloy na gagamit ng SIM sa kanilang modus, nasa mga awtoridad ang diskarte kung paano tutukuyin, aarestuhin at kakasuhan ang mga ito.


Giit ng namumuno sa Senate Committee on Public Services, may mekanismo ang batas na maaaring pagbasehan ng mga awtoridad sa pagbabantay ng mga krimen na gagamitan ng SIM.


Dagdag pa ni Poe na may sapat na “safeguards” ang batas para sa proteksyon ng mga konsyumer, kasama na ang kanilang “right to privacy”.



 
 

ni BRT @News | July 26, 2023



ree

Matapos ang deadline kahapon, deactivated na ang mga hindi naparehistrong SIM, ngunit ang mga gumamit nito ay may limang araw para sa “reactivation”.


Ito ang sinabi ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy base sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng SIM Registration Act.


Nakasaad sa naturang batas na kapag nabigo na maiparehistro ang SIM sa itinakdang deadline, awtomatikong “deactivated” ito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page