top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 23, 2025



Photo: Martin Nievera at Fyang - FB, IG


Marami ang natuwa at nakisimpatya kay Martin Nievera dahil kahit halatang napipikon na ito ay pasimple nitong “natarayan” si Fyang, ang grand winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11.


Isa kasi sa mga hosts ng isang podcast ang naturang grand winner kasama pa ang dalawang kapwa galing sa Bahay ni Kuya nang maging guests nila ang concert royalties na sina Martin Nievera at Pops Fernandez with Ogie Alcasid.


Obviously, para ito sa promotion ng kanilang mga shows this February, at dahil target din nila ang Gen Z audience, nag-guest nga sila sa naturang podcast.


Ang siste, idinaan sa kung anik-anik na pagpapatawa nu’ng Fyang ang pag-intro kina Pops at Martin, at halatang-halata na hindi nga niya kilala si Pops bilang tinaguriang Concert Queen.


Nakakaloka pa nga ‘yung tinuran ni Martin na, “Where did you get this girl?” remark kahit naka-off mic ito, dahil feeling nga niya ay hindi nag-research man lang sa info nila ang naturang host.


Pakuwela pa nga si Ogie sa pagbibigay ng magandang adjectives kina Pops at Martin, pero itong Fyang na host ay tila idinaan lang sa pagpapakakikay ang pakikipag-usap na may “level-level” pa itong sinabi.


Well, ‘yan na nga ba ang sinasabi namin sa mga gusto lang makahawak ng mikropono. At least man lang sana ay nabigyan ng tamang info ang mga hosts tungkol sa guests nila.


Wala ring ginawa ang dalawang male co-hosts ni grand winner para saluhin man lang ito sa kahihiyang pinagsasabi sa mga bisita nila. ‘Kaloka!


Binastos sa Sinulog Festival parade… 

ANDREA, BINIGYAN NG MOTEL CARD NG MALE FAN





Kuwela rin at pinupuri ng netizen ang naging reaksiyon ni Andrea Brillantes sa pinag-uusapang “motel card” na iniabot sa kanya ng isang male fan habang nasa parada ito sa Sinulog Festival sa Cebu City.


Matapos kasing maiabot sa aktres na agad din namang binasa ni Andrea ay mabilis din nitong naihagis pabalik sa nagbigay ang naturang motel card na tumatawa.


“Very game, sport lang,” sey ng netizen sa reaksiyon ni Blythe na tila sinakyan na lang marahil ang male fan na tinawag na “impertinente” o bastos ng mga nakakita ng video.

“Isn’t that a form of sexual harassment, too?” tanong naman ng ilang netizens na nagsabi pang binastos nga ang aktres sa ganoong paraan.


“Tama lang na ibinato n’ya pabalik ‘yung card. Dapat nga, minura pa n’ya, eh,” hirit naman ng mga babaeng nakaramdam ng kabastusan ng lalaking nag-abot ng motel card.


After ipagpalit ng mister sa kapwa Pinay sa US…

AI AI, PINAG-IISIPAN NANG BAWIIN ANG GREEN CARD NI GERALD 





Tila pinag-iisipan na umano ni Ai Ai delas Alas ang pagbawi ng green card ng nakahiwalay nitong asawa na si Gerald Sibayan. 


Ito ang nasagap naming tsika mula sa ilang tao na malapit sa aktres-host.

Nag-iipon lang umano ng mas konkreto pang mga evidence si Ai Ai para gumaan naman daw ang loob nito, if ever ngang gagawin niya ang naturang hakbang laban sa dating asawa na tila nag-e-enjoy ng buhay sa Amerika.


Matatandaan kasing last year ay ipinahayag ni Ai Ai na never niyang babawiin ang green card ni Gerald dahil umano may maganda naman silang pinagsamahan.


Pero ngayong 2025 ay tila may mga nagpapatunay na nagkaroon nga ng third party ang naging hiwalayan nila at isang “Pinay” sa USA rin ang umano'y karelasyon ni Gerald.


Mismong si Ai Ai ay may pa-blind item na post sa kanyang socmed accounts and though never niyang pinangalanan ang dating asawa, lahat ay naniniwalang ito nga ang binabanggit ng komedyana na may “Pinay mistress”.


Lahat nga ng mga comments ng mga netizens ay nag-uudyok kay Ai Ai na bawiin na nito ang green card para raw matikman din nito ang ganti sa panlolokong ginawa kay Ai Ai.


Go!



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 21, 2025



Photo: Daniel at Kathryn - Instagram


Bagong-bihis, iba ang imahe at action star na action star ang awrahan ngayon ni Daniel Padilla.


Napanood na namin ang ilang episodes ng Incognito sa Netflix though nagsimula pa lang ito sa ABS-CBN platform last night (January 20).


Sa umpisa pa lang ay ipinakita na ang isang matikas at bagong-bihis na Daniel, na bagay naman palang action star. In fact, sa first episode pa lang ay sabak na sabak na agad ito sa action scenes kumpara kay Richard Gutierrez na equally billed kay DJ.


Mukhang magastos ang action series (though halata namang naka-green effect o CGI ang ibang eksena) dahil may iba’t ibang locations ito plus stars na bigatin din naman like Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal at Anthony Jennings.


Kenkoy na umaaksiyon itong si Anthony at kung hindi mo talaga iisipin ang pinasok nitong iskandalo, hahangaan mo ang husay nito. We still have to witness Maris dahil sa first three episodes na napanood namin, waley pa siya.


Looking forward kami kina Agot Isidro, Elijah Canlas, Jane de Leon at iba pang cast members na kasama sa series.


May special participation si Belle Mariano na talagang pinaglakad sa gubat nang walang sapin sa paa at ikinulong sa kuwadra kasama ang ilang mga hayop.


Hopefully, ito na nga ang maging jumping board ni Daniel sa action series at sa kanyang solo career.


Magaling na aktor si DJ at artista naman talaga ang kanyang awra. Sayang naman kung ikukulong lang natin siya sa love team-love team.


And please naman, huwag nang lagyan ng anggulo ang promo ng Incognito (if ever na may ganu’ng promo, ‘noh!) na umaaligid umano ito sa subdivision ng dating GF at tandem na si Kathryn Bernardo.


Hindi nakaka-action star ang peg. Hahaha!



DEDMA pa rin at wala pa raw reaksiyon si Momshie Karla Estrada sa naging post ni Jellie Aw, ang fiancee ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Jam Ignacio.


Nag-viral kasi ang post ni Jellie kung saan pinangalanan nga nito si Karla sa isang nakakaintrigang post kaugnay umano ng pagdamay sa trabaho ng una.


Pero mas higit ngang pinag-usapan ang pagtawag dito ni Jellie ng ‘mommy’ na isa palang DJ sa isang club.


Ang latest na nasagap namin ay mayroon umanong reply-post si Karla pero mabilis din daw itong tinanggal, kaya’t halos wala raw nakaalam.


May mga nagsasabi namang baka nga hindi pa raw nakaka-move forward si Karla, lalo’t nasaktan nga ito ng kanyang ex dahil sa tagal ng naging relasyon nila ay ni hindi man lang ito nag-propose unlike dito kay Jellie.


May mga unconfirmed reports ding nagsasabi na gumagamit umano ng koneksiyon itong si Karla sa mga friends nito sa business sector, kaya’t kering-keri nitong makialam sa trabaho ng current fiancee ng ex-BF?


Nakakaloka, pero mukhang hindi naman ganu’n ang pagkakakilala natin kay Karla Estrada, ‘noh! Si Karla pa!!!!


Dahil sa lumabas na desisyon ng korte sa isyu ni Maggie Wilson laban sa kanyang asawa at custody ng anak, lumutang din ang name ni Marc Nelson.


Nag-testify pala kasi ang dating co-host ni Maggie laban sa kanya kaya naman pinutakti ng bashing ang dating aktor-host na kesyo mapanira ito ng pamilya.


Ang ending, bigla tuloy naglabasan ang mga lumang isyu ni Marc na noong ‘90s ay isa talaga sa mga pinaka-promising na hosts at hunk model-actors.


Isa na nga rito ang kanyang gender identity, ang pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki (hindi pa ganu’n kabulgar noong mga time niya), ang mga escapades nito abroad at iba pang bagay na iniwasan niya sa showbiz.


At sa pagkatig ng korte pabor kay Maggie, tila kinatigan din ang dating beauty queen at aktres ng mga netizens laban naman kay Marc.


Ang latest na balita ay nasa isang Asian country ang model-host at bisi-bisihan umano ito sa negosyo.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 20, 2025



Carla Abellana at Brad Pitt - Instagram

Photo File: Carla Abellana at Brad Pitt - Instagram


Taong 2022 nang maghiwalay bilang husband and wife sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.


Ang ganda ng awra ni Carla habang ini-interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at tipong naka-move on na siya sa hiwalayan blues nila ni Tom.


Ngayong taon ay nakahanda na raw na muling umibig si Carla.


“I believe it’s very possible. Anything is possible but magsu-surrender ako kay God. Mas magtitiwala ako kay God this year. So, let’s see what He has in store for me. Ayaw ko naman pong i-block ‘yun or iwasan. Kailangan mas maging open po ako and ready for anything. Mayroong mga nanligaw, pero ngayon, suitors, manliligaw, wala po,” pagtatapat ng Kapuso actress.


Noong Disyembre ay nakapagbakasyon si Carla Abellana sa Abu Dhabi. Nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na makita nang personal ang Hollywood actor na si Brad Pitt. 


“Oh, my gosh! Actually, siya po talaga ang kasama ko doon, aaminin ko na, ha-ha-ha! And Javier Bardem. We went to Dubai first then nag-Abu Dhabi kami, vacation lang po. They were shooting for their film. Hindi ko po ine-expect ‘yun, maski ako, nagulat. Of course, hindi naman po up-close namin nakita, experience pa rin na you’re breathing the same air. Brad Pitt is Brad Pitt, napaka-handsome, kikiligin ka po. Kahit naman sino, kikiligin dahil Brad Pitt, ang lapit po, ‘di ba? May vibe lang siya na he’s a star. He’s a Hollywood star,” nakangiting kuwento ni Carla sa FTWBA.


Well, ano nga kaya at maging sila ni Brad Pitt in real life? Not impossible ‘coz pareho namang may puso at damdamin para umibig kahit pa magkaiba ang kanilang lahi, devah naman, mga Marites? Boom! ‘Yun na!


‘Niwey, hangad namin na muling makatagpo itong si Carla Abellana ng lalaking tunay siyang mamahalin and vice-versa sooner than soon. 


Afterall, super-ganda pa rin naman ng isang Carla Abellana, in pernes, at ‘di malayong maraming magkagusto sa kanya. Pak, ganernnn!



Huwag magpapahuli sa isang world-class Sunday viewing kasama ang Incognito stars na sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada at Daniel Padilla, at Kapamilya love teams na sina Alexa Ilacad at KD Estrada, Kai Montinola at Jarren Garcia, at Fyang Smith at JM Ibarra na may nakakabilib na pagtatanghal sa ASAP ngayong Linggo (Enero 19) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page