top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 27, 2025





Bonggang emosyonal ang naging eksena sa panibagong episode ng Toni Talks (TT), hosted ng kumare nating si Toni Gonzaga-Soriano, matapos mag-open up si Mikee Morada tungkol sa ikatlong beses na pagkawala ng kanilang baby ni Alex Gonzaga.


Isang kuwento ng pagmamahal, pananampalataya, at pagtanggap ang binahagi ng celebrity couple, na kahit sa gitna ng napakahirap na pagsubok ay nananatiling matatag.


Sa episode, deretsahang tinanong ni Toni si Mikee kung ang ikatlong miscarriage na nangyari noong Disyembre 2024 ang pinakamabigat na pinagdaanan nila bilang mag-asawa.


“Now, itong third one na nangyari nu’ng December, ito ba ‘yung pinakamasakit?” tanong ni Toni.


Agad namang bumalik si Mikee sa naging journey nila ni Alex, na nag-umpisa bilang isang sorpresang regalo.


“Kami ni Catherine, nu’ng nalaman naming pregnant s’ya, kasi feeling namin nabuo ‘to nu’ng birthday ni Mommy Pinty sa Singapore. Hindi namin talaga akalain, wala talaga kaming plano,” ani Mikee.


Matapos ang masayang balita, agad silang nagpunta sa OB-GYN para masigurong okay ang kanilang baby. Sa umpisa ay smooth sailing ang lahat hanggang sa dumating ang balitang ‘blighted ovum’ ulit.


“Nu’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okey naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga s’ya. The second week, okay pa ‘yung ultrasound, hanggang du’n sa pangatlong linggo eh sabi samin nu’ng doctor, ‘Nako, wala na namang laman. Blighted ovum ulit,’” dagdag pa ni Mikee.


Pero ang mag-asawa, keribels pa rin at pinili pa ring mag-seek ng 2nd opinion. At ito na nga ang plot twist na hindi nila inakala.


“Sakto, nag-text ‘yung OB, parang kinukulit s’ya, ‘Daan ka naman. Visit ka.’ Siguro, blessing ni Lord, naisip namin na, ‘Sige, pa-second opinion tayo dun.’ The week after, nagpunta kami. Pagdating namin du’n sa ultrasound na ‘yun, ‘yun na ‘yung pang-apat. May bata sa loob, may baby,” masayang kuwento ni Mikee.


Ang unang tibok ng puso ng kanilang baby ang naging highlight ng kanilang journey bilang soon-to-be parents.


“Naiyak ako nu’ng narinig ko ‘yung heartbeat. First time kong nakarinig ng heartbeat,” kuwento ni Mikee habang ipinakita ang larawan (from his cellphone) ng kanilang baby kay Toni.


Pero ang kasiyahan ay muling sinubok nang malaman nilang mababa ang tibok ng puso ng kanilang anak.


“Nalaman namin na mababa ‘yung heartbeat, nasa 65 lang. So that same day, pumunta kami sa hospital, triny namin habulin, baka ma-save pa ‘yung baby. Ginawa namin lahat,” emosyonal na sabi ni Mikee.


Hanggang noong Disyembre 28, dumating ang balita na muling nagpabagsak sa kanilang mundo.


“Nung dumating ‘yung December 28, nakita na namin ‘yung embryo, ‘yung baby pero wala na s’yang heartbeat,” malungkot na pahayag ni Mikee.


Pag-uwi sa bahay, doon nag-breakdown si Alex. Pero sa kabila ng lahat, patuloy siyang niyakap ni Mikee—isang simpleng paraan ng pagpaparamdam ng suporta at pagmamahal.


“Sabi sa ‘kin ni Alex, ‘’Pag umiiyak ako, basta yakapin mo lang ako, and I will be okay,’” sabi ni Mikee.


Sa panayam, kitang-kita rin ang paghanga ni Toni kay Mikee bilang asawa ni Alex.

“Kung paano magsalita, paano magmahal sa pamilya, at kung paano magmahal sa bayan, ‘yun ang nakita ni Alex sa ‘yo, pareho kasi kayo ni Daddy Bonoy in so many ways,” ani Toni.


Bumaha ng suporta mula sa mga netizens matapos nilang mapanood ang episode. Sa kabila ng mga pagsubok, ang kuwento ng mag-asawa ay nanatiling simbolo ng pag-asa para sa lahat ng dumadaan sa parehong sitwasyon.


Dasal ng isang netizen, “Crying while watching this episode… Lord, lsana po this 2025 ipagkaloob N’yo po sa kanila ‘yung pinag-pray nila na baby.” Ang kuwento nina Alex Gonzaga at Mikee Morada ay paalala na sa kabila ng sakit, may liwanag na naghihintay.


Ang kanilang pananampalataya at pagmamahal ay inspirasyon na ang lahat ng bagay ay may tamang panahon. Hanggang ngayon, nananatili silang prayerful at hopeful na

darating din ang araw na mabibiyayaan sila ng anak.


Push lang mga, day! Ang pangarap, kailanman hindi nawawala, kundi pinapatatag.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 27, 2025



Photo: Maris Racal sa Incognito - IG


Marami na ang nag-aabang sa week 2 ng Incognito dahil sa karakter ni Maris Racal.


Hindi pa man ay pinag-uusapan na ang naging trailer ng action series kung saan confidently ay nakikipagbarilan itong si Maris na naka-bikini lang at ubod nang seksi.


Parang wala ngang nangyaring pangit na kaganapan sa kanila ni Anthony Jennings, na kenkoy na kenkoy pa rin ang awrahan sa series.


In fact, sa pagpo-promote nga ni Maris ng pang-international movie niyang

Sunshine na kalahok sa Berlinale Intl. Film Festival (BIFF), mukhang tinutulungan pa siya ni Anthony.


Ang hamon nga ng aming insider from Incognito, “Kung talagang nakatutok o natutukan ninyo ang mga ganapan nila, pansinin ninyo ang very inspiring scenes nila from Palawan to Italy.” 


Aguy!



May isa na namang haligi ng industriya na ipinagluluksa ngayon, si Tita Gloria Romero, lehitimong movie queen at isa sa mga pinakadakilang tao sa industriyang ito.

Wala yatang artista, noon man o bago lang, ang hindi nagbibigay ng respeto at paggalang kay Tita Glo na sa edad na 91, ay halos tumagal din ng pitong dekada sa showbiz.


Sa set ng Palibhasa Lalake (PL) namin personal na nakilala si Tita Glo noong late ‘80s kapag may mga sinasamahan kaming guest sa programa. Aliw na aliw kami sa karakter niyang si Tita Minerva, ang lasenggang nanay nina Amy Perez at Cynthia Patag sa sitcom at kabardagulan nina Richard Gomez, Joey Marquez, ang yumaong si Miguel Rodriguez, hanggang sa Gwapings at kay John Estrada.


Una namin siyang nakatrabaho sa My Other Woman (MOW) movie na bida sina Alice Dixon at Christopher de Leon sa direksiyon ni Direk Maryo J. delos Reyes noong 1990 (buong class namin noon ni Direk Maryo from UP Masscomm ay ginawa niyang PAs, extras, at parte ng production for our school requirement). Wala lang, star struck lang kami sa ganda ni Tita Glo noon na lagi kaming nakanganga kapag umeeksena na siya. Hahaha!


Then naulit uli sa Magnifico noong early 2000s (P.A. ako uli ni Direk Maryo J.), kung kailan mas nakita namin ang pagiging tunay na reyna ni Tita Glo. Very regal kumilos, pero lumalabas din ang pagka-kikay kapag masaya ang usapan, dedicated, hindi nale-late at higit sa lahat, napakahusay na artista. 


Hindi namin makakalimutan ‘yung naging tsikahan namin noon nina Direk Maryo tungkol sa husay niya sa mga movies na Condemned at Kung Mahawi Man Ang Ulap (KMMAU), na sabi nga namin ay dapat siyang nanalo ng mga awards.


At dahil big fan kami ni Vilma Santos, karamihan sa mga movies na nagkasama sila ay rehistrado rin sa amin gaya sa Makahiya at Talahib, Gaano Kadalas Ang Minsan (GKAM), Saan Nagtatago Ang Pag-ibig (SNAP) (‘yung eksenang para siyang nabunutan ng tinik at humahalakhak, classic na classic ‘yun), hanggang sa Kapag Langit Ang

Humatol (KLAH) (OMG! Sobrang husay niya roon sa confrontation nila ni Ate Vi).

Noong isa kami sa regular na publicists ng Regal Films, sobrang bongga sa amin ‘yung ilang beses naming naging kuwentuhan nina Mother Lily Monteverde sa set ng Bahay Kubo (BK) with Maricel Soriano, Eugene Domingo, Marian Rivera et al. Grabeng nakaka-star struck ang kanyang pagiging glamorosa sa gitna ng mga tsismisan at tawanan. Siya pa ang nagsaway sa amin noong makatarayan namin si Uge sa isang isyung hindi na namin matandaan. Hahaha!


Regular naming binabati si Tita Glo sa mga programa namin as early as 2008 sa DZMM noon, hanggang sa mag-end ang show namin ni partner Gretchen Fullido noong 2019, at nagka-pandemic. 


Kahit nasa GMA-7 na siya noon, basta magkita-kita kami sa mga mediacon o bumibisita kami sa mga taping ng TV shows niya o sa movie set, hindi puwedeng hindi kami magkuwentuhan at magkumustahan.


Ang ilan pa sa most memorable movies ni Tita Glo ay ang Tanging Yaman (TY), Rainbow’s Sunset (RS), Bilangin ang Bituin sa Langit (BABSL), Kasal, Hindi Nahahati Ang Langit (HNAL), Mother Dear (MD), Miguelito at ‘yung mga de-kalidad na nagawa niya noong ‘60s, ‘70s at ‘80s.


For sure, mayroong mga film scholars, nasa academe o media arts people na magsusulong na gawin ding National Artist ang isang Gloria Romero.

Hindi rin matatawaran ang kanyang naging kontribusyon sa industriya simula pa noong 1950s hanggang nitong 2020s.


Nakikiramay po kami sa nag-iisang anak ni Tita Glo na si Maritess Gutierrez at sa apo niyang si Christopher, na lagi niyang ipinagmamalaki sa mga kuwentuhan. Sa lahat ng mga naulilang kaibigan, kaanak at katrabaho, our deepest sympathies and condolences po.


May you rest in peace, Tita Glo at maraming salamat sa mga magagandang alaala.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 26, 2025



Alden Richards - IG

Photo File: Alden Richards - IG



Hindi lang pala si Daniel Padilla ang pinalitan ni Alden Richards sa ka-love team na si Kathryn Bernardo kundi pati pala si Luis Manzano ay pinalitan din nito bilang product endorser ng isang detergent bar.  


Ngayon kasing 2025 election ay tatakbong vice-governor ng Batangas itong si Lucky at ang kanyang runningmate ay walang iba kundi ang kanyang mommy dearest na si Vilma Santos-Recto na dati na ring naging vice-governor ng Batangas hanggang sa maging congresswoman ng lalawigan din ng Batangas.  


Dahil sa susunod na buwan na magsisimula ang kampanya, mahigpit na ipinagbabawal ang media exposure sa mga kumakandidato tulad ng TV, pelikula at commercials.  


Hindi ligtas dito si Luis who had to give up his endorsement of a popular detergent bar.  


Samantala, kay Alden Richards napunta ang endorsement, bagay na kinu-question ng marami.  


Kailan pa raw gumamit ang Kapuso actor ng laundry detergent soap?  

Hindi kasi ma-imagine ng mga netizens na sa estado ngayon ni Alden ay nakukuha pa raw ba niyang labhan ang kanyang mga damit?  


May paliwanag si Alden to justify his endorsement.  


Aniya, noon ay nakasanayan niyang maglaba ng kanyang mga damit, pati paglilinis ng bahay, para everything is in order.  


Wow, ang suwerte naman ng girlash na mapapangasawa nitong si Alden if ever ‘coz pati paglilinis ng balaysung ay keri rin nitong gawin.  


Well, as the saying goes... some guys have all the luck. Boom, ‘yun na!  

‘Yun lang and I thank you.  



NAKAKABILIB at nakakapagpaligaya ng kalooban ang ilang artista noon at ngayon na nakasama namin sa ilang showbiz events, preskon na nakatsikahan, nakasalamuha na tipong walang tamang limot, in fairness.  


Isa na rito si Robin Padilla na noong 14 years old pa lamang ay nakasama na namin sa bahay ng kanyang discoverer na si Direk Dikong Deo Fajardo (SLN). Tuwing makikita niya si yours truly ay panay ang yakap at halik niya, tapos may pakimkim pa. At nito nga lang kamakailan ay nag-birthday ang kanyang mentor cum discoverer at nagpadala siya kay yours truly ng handa kahit pansit man lang. 


Tapos sa video ay nagpasalamat siya sa former Tower Productions at kay Director Temyong Marquez sa pagbibigay sa kanya ng breakthrough via acting na ipinadala sa mga anak ni Direk Temyong na nakabase na sa Amerika.  


Sumunod si Sen. Bong Revilla, Jr. na walang sawang tumutulong sa mga media na in need of financial help pati na rin sa mga kababayan niya sa Cavite.  


Sa artistang babae naman, isa na si Nora Aunor, lalo na nu’ng hindi pa ito nagkakasakit at marami pang movie at TV projects na ginawa noon. Ang dami niyang natulungan lalo na sa grupo ng ilang media people.  


At siyempre, hindi mawawala sa listahan ni yours truly si Fiery Soul Torch Diva Malu Barry na in 44 years ay walang patid ang aming communication thru thick and thin.  


At siyempre, isinama na rin ni yours truly si Gladys Reyes ‘coz shocked boogie ako nang biglang mag-FB messenger at nangungumbida sa event niya next week, gayong ang tagal na naming walang communication, pero gayunpaman ay naalala niya kaming imbitahin, sa true lang.  


Eh, ‘yung iba, ngangey! Parang hindi ka na kilala, pak, ganern!  


But oks lang ‘coz may saying na... stars come and go naman. Hindi lang napapalitan kundi nadaragdagan pa, boom, ganern!  

Senti lang po and emote. Hahaha!  


Kaya ‘yung mga artistang walang tamang limot na tatakbo ngayong 2025 elections, please, don’t forget sa balota n’yo sina Robin Padilla at Bong Revilla, Jr., ha?  



Huwag magpapahuli sa isang world-class Sunday viewing kasama ang Incognito stars na sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada at Daniel Padilla, at Kapamilya love teams na sina Alexa Ilacad at KD Estrada, Kai Montinola at Jarren Garcia, at Fyang Smith at JM Ibarra na may nakakabilib na pagtatanghal sa ASAP ngayong Linggo (Enero 19) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page