top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 9, 2025



Photo: Jak Roberto sa It's Showtime.


“Magpasalamat s’ya sa breakup nila, ‘noh? Nagkaroon s’ya ng regular na gig,” sigaw ng mga nagsasabing dapat pa ngang maging grateful si Jak Roberto sa hiwalayan nila ni Barbie Forteza.


Sa halos araw-araw kasing exposure sa isang portion sa It’s Showtime (IS), daig pa raw nito ang naka-hit ng jackpot.


“Ngayon lang s’ya nagkaroon ng ganyang exposure. Mas nakilala at na-appreciate ang kaguwapuhan at talent niya ng marami. Pero dapat, wala nang reference kay Barbie (Forteza). Ok na ‘yun,” hirit pa ng mga nagsasabing need nilang i-protect si Barbie, lalo’t madalas daw natutukso ang binata sa naturang segment.


After kasing sumambulat sa madla ang naging breakup nina Jak Roberto at Barbie Forteza after 7 years, dumami ang opportunities ng aktor, kasama na ang endorsement, negosyo at TV exposure.


‘Yun nga lang, wala raw tayong nababalitaan na ginagawa niya ngayon sa bakuran ng GMA-7.



KILALA ng lahat si Jake Ejercito bilang very vocal pagdating sa kanyang political views.

Sa nangyayaring usapin kay VP Sara Duterte, naging reaksiyon nito na mas masakit pa raw ang iwanan o makipag-break sa jowa kesa sa nangyaring impeachment case sa kanya ng Kongreso.


At dahil pinag-uusapan naman ang diumano’y pag-unfollow sa socmed ng isa’t isa nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann, naikonekta ng netizen ang statement ni VP Sara sa nangyari kina Philmar at Andi, sabay tag kay Jake.


At dahil sa kulit at dami ng tag kay Jake, mabilis itong sumagot at buong-ningning nitong sinabi na “Wala akong feelings”. 


Whether patungkol man ‘yun kina Andi at Philmar or whatever, maliwanag na ayaw makialam ng aktor sa isyu ng ex.


Pero ikinaloka ng marami ang sinabi nitong masyadong invested ang mga tsismosa gaya ng idol nila kung saan ginamit nito ang picture ni VP Sara. Hahahaha! 

Ang daming kalokohan talaga sa socmed (social media).



SA mga batang 2000s, matatandaan nila si Aleck Bovick bilang isang sexy actress na may kontrobersiyal na ‘Best Actress award’.


Sila noon nina Rosanna Roces, Ara Mina and company ang madalas na napagkukumpara dahil despite their sexy image, may husay sa pagganap ang mga ito.


Naging mainit na isyu rin noon ang pakikipagrelasyon niya (at nagkaroon sila ng anak) kay Carlo Maceda, isa ring sexy hunk actor.


Active pa rin si Aleck sa mga TV shows pero ngayon, aminado na siyang member ng LGBTQIA+ community. Na finally daw ay natanggap na niya ang sarili bilang babae ang gender pero iba na ang orientation at preference.


And yes, may partner na rin daw siyang babae or kagaya niya. 


Marami tuloy ang nanumbalik na mga “blind items” noong kasagsagan ng career niya hinggil sa mga tsikang noon pa man ay “practicing” na siya as an LGBTQ member.


Kagaya ni Rosanna Roces na LGBTQ practitioner na rin, “pure happiness and peace of mind” daw ang higit na mahalaga sa mga buhay nila ngayon.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 8, 2025



Gringo Honasan - FB

Photo File: Gringo Honasan - FB


Napakasaya ng 60th birthday celebration ni Ms. Baby Go na ginanap sa Valle Verde Country Club. 


Dumalo ang pamilya at mga kaibigan niya, ilang artista, mga direktor at mga kaibigan sa entertainment press. 


Masayang ibinalita ng film producer na muling magiging aktibo ang kanyang kumpanya sa pagpoprodyus ng mga de-kalidad na pelikula at mainstream projects.


Sa kabila ng mahirap na kalagayan ng industriyang Pilipino ay ibinahagi ni Ms. Baby Go na “full blast” ang kanyang pagpo-produce simula ngayong 2025. 


Sinabi niya na ang paulit-ulit na pagpoprodyus ng pelikula ay kanyang “passion”. Mostly mainstream movies ang nakatakda niyang gawin na pagbibidahan ng mga sikat na artista. 


Ngunit hindi puwedeng mawala ang mga pang-international film festival na planong ilaban muli abroad kung saan nakilala ang BG Productions. 


Naka-line-up ang mga pelikulang gagawin nina Joel Lamangan, Louie Ignacio, Lester Dimaranan (sa proyektong co-produced nila ni Atty. Ferdinand Topacio ng Borracho Films), Ralston Jover, Adolfo Alix, Jr. at Zig Dulay.


Super excited si Ma’m Baby sa mga nakalinyang pelikula na gagawin ng kanyang produksiyon. Siyempre, hindi mawawalan ng proyekto ang kanyang mga babies na sina Allen Dizon (na paborito ng kanyang kumpanya), Kate Brios, Rhea Usares at ilang mga baguhang talents na ipapakilala soon.


Sa mga susunod na araw ay isa-isang ibabahagi ng BG Productions ang mga proyekto na gagawin nila with final casting. Kaabang-abang dito ang mga proyektong gagawin sa Brazil, Bahrain at Australia. Sinu-sino kaya ang mga suwerteng mapapasama sa mga piling-piling proyekto? 


Sa pagtatapos ay naibahagi rin ni Ma’am Baby Go ang kanyang partylist na Bagong Pilipinas. Para sa kanya, kung papalarin, matutupad ang kanyang pangarap na palawakin ang pagsisilbi sa bayan.


Anyway, sa nasabing okasyon ay present din ang Borracho Films producer na si Atty. Ferdie Topacio at natanong ito ni yours truly kung ano na ang nangyari sa gagawin nilang The Gringo Honasan Story na pagbibidahan ni Robin Padilla?


“Hindi na matutuloy kasi nalakihan sa gastos si Gringo. Pero gagawa pa rin ako ng pelikula para kay Robin P1adilla at naghihintay lang ako ng tamang panahon,” pag-amin ni Atty. Ferdie Topacio na tipong tumaba at napaka-friendly pa rin sa lahat, in pernes.



Full support ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP sa pagbibigay muli ng prangkisa sa ABS-CBN.


Ito ang kinumpirma ng abogado ng KBP na si Atty. Rudolph E. Jularbal sa isinagawang briefing ng House Legislative Franchises Committee hinggil sa franchise ng ABS-CBN nitong nagdaang February 4.


“First of all, KBP supports the grant of franchise to ABS-CBN. I would like to start by saying that ABS-CBN was a very active member of the KBP,” pahayag ni Atty. Jularbal.


Pinuri rin niya ang ABS-CBN sa kakayahan nitong mag-produce ng magagandang palabas na kayang makipagsabayan sa kompetisyon noong sila ay umeere pa sa free TV.


Well, sana nga ay mabigyan na ng prangkisa ang ABS-CBN para naman muling sumaya ang television industry natin at muling makabalik ang mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho buhat nang mawalan nga ng prangkisa ang Kapamilya Network.


Boom, ganern!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 7, 2025



Photo: Julia Barretto at Alden Richards - IG


Hindi pa man nakukumpirma na magsasama nga sina Alden Richards at Julia Barretto for a project ay marami na agad ang nagbibigay ng negatibong reaksiyon.


Kesyo parang masyadong ‘downgrade’ diumano ang project para sa isang Alden na kagagaling lang sa isang very successful movie project with Kathryn Bernardo.


“Mahusay na aktres si Julia, pero never s’yang naging hitmaker o kahit sa TV man lang ay toprater. May kulang talaga sa kanya despite her gorgeous looks and good acting skills,” hirit ng mga agad na humuhusga.


Take note na usap-usapan pa lang ito, ha? Nothing concrete, nothing definite yet. 

Kumbaga ay one of those possibilities and what ifs pa lang para sa susunod na project for Alden. 


Huwag naman po sana tayong ‘daot’. Hehehe!


Sen. Bong, kahit pasok sa partido ni PBBM… 

LANI AT 2 ANAK NA CONG., ‘DI PUMIRMA SA IMPEACHMENT KAY VP SARA


PINAG-UUSAPAN ng ilang sektor ang hindi pagpirma ng mag-iinang Revilla sa Kongreso para sa impeachment ni VP Sara Duterte.

Sina Congw. Lani Mercado at mga anak na sina Representatives Jolo at Bryan Revilla ang ilan sa mga hindi pumirma sa naturang impeachment.

Siyempre pa, hindi masaya ang mga detractors nila at may kung anu-anong itinawag sa pamilyang Revilla.

Pero para sa mga nakakaalam ng political leaning nila, mauunawaan ang kanilang ginawa.

“Impeachment is among the political exercises that require political will and support. Ganu’n talaga,” sey ng mga nakatutok sa isyu na naniniwalang pagdating sa Senado ay tiyak na tiyak na ‘kakampi’ rin ni VP Duterte si Sen. Bong Revilla, Jr..

“Look, bitbit ni PBBM si Sen. Bong Revilla sa mga senatoriables n’ya. Pero maugong ang balitang sa Kongreso ay isa sa mga nanguna sa impeachment ni VP Sara si Cong. Sandro Marcos. That’s how the game goes,” dagdag pa ng iba.

Hindi pa inilalagay sa agenda ng Senado ang ipinasang impeachment case, lalo’t next week ay magsisimula na ang kampanyahan. 


‘Di kinaya ang mga banat ng netizens…

CRISTINE, GINAMIT ANG PIKTYUR NILA NI BARBIE HSU SA B-DAY POST, NA-BASH, BIGLANG BURA


KAHIT naging palaban si Cristine Reyes matapos siyang batikusin sa kanyang birthday post, agad din naman niya itong binura.


Sobrang bashing kasi ang inabot ni Cristine matapos niyang gamitin ang photo nila ng yumaong si Barbie Hsu sabay bati sa sarili sa kanyang 35th birthday.


Rumesbak man ang aktres, pero sa sobrang buhos ng negative reactions, ito na rin ang kusang nagbura ng post niya at tumigil na sa pagsagot pa.


Hindi naman ito ang unang beses na na-bash ang isang artista nang dahil sa birthday blues. Nauna na riyan si Alex Gonzaga na halos naging national issue pa ang ‘birthday cake’ issue sa isang waiter. 


At kung usapin naman sa ‘patay’ kaugnay ng greeting ang isyu, sobrang bashing din ang inabot noon ni Jessy Mendiola dahil sa post niyang naka-bikini at may caption siyang “RIP (rest in peace), Rico Puno.”


Hay, ganoon kabusisi ang mga netizens para patulan at pansinin talaga ang mga ganyang bagay.


Sa parte naman ng mga celebrities na gumagawa ng ganyan, bakit nga kaya hindi sila nagiging maingat, ‘noh?




 
 
RECOMMENDED
bottom of page