top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 28, 2025



Photo: Rhian Ramis at Sam Verzosa via Bulgar


Ang bagong lifestyle show ni Rhian Ramos na Where In Manila ang papalit sa pansamantalang magpapahingang public service show ni Manila mayoralty candidate Sam Verzosa sa GMA-7 na Dear SV.


Last episode na ng Dear SV ang eere sa Sabado, 11:30 PM sa GMA Network dahil magsisimula na nga ang kampanya at bawal nang mapanood sa TV si Sam.

Sa mediacon ng Where In Manila kahapon sa Winford Hotel, sinorpresa ni Sam ang GF sa pagdating niya para ipakilala ang bagong show na papalit nga sa Dear SV.


Hindi pa masabi ni Sam kung maibabalik pa ang show, depende raw ‘yun after election, pero kung papalarin siyang manalo, baka magamit niya ang Where in Manila ni Rhian para makatulong sa turismo ng lungsod.


Ang saya ng bagong show ni Rhian dahil iba’t ibang pagkain ang nadi-discover at tinitikman niya. Kahit nga may image na sosyal si Rhian, ‘di raw siya maarte at mas game pa nga siya kay SV (Sam Verzosa) na tikman ang kahit na anong exotic food na bago sa kanya dahil adventurous daw siya.



When asked kung ano sa tingin niya sa mga food na natikman na niya ang puwedeng maging trademark ng Maynila at maipakilala sa buong mundo, aniya, ‘yung SioMaynila na pinauso rin nila ni Sam nang mamigay sila ng mga foodcart sa mga taga-Manila para maging kabuhayan ng mga ito.


At nu’ng matanong naman namin si SV after ng mediacon kung ano sa mga ipinatikim sa kanya ni Rhian na food ang ‘di niya makakalimutan, natatawang sagot nito, “‘Yung cookie ni Rhian, siyempre,” na kung ilarawan niya ay napakasarap at sweet na sweet, hahaha!


‘Di ba nga, nag-viral ‘yung “Bas Bake cookie” ni Rhian dahil sa post niyang naka-bikini habang nagbe-bake.


Tinanong namin ang reaksiyon ni Sam sa viral photos ni Rhian at aniya, okay lang daw sa kanya at hindi issue ‘yung pagdi-display ni Rhian ng katawan nito sa socmed dahil nakilala naman na niyang ganu’n ang GF at hindi siya ang tipo ng boyfriend na babaguhin ang pagkatao ng partner base sa gusto niya.


Hindi rin naman daw nakikita ni SV na makakaapekto sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Maynila ang pagpapa-sexy ni Rhian sa socmed dahil artista naman daw ang GF at kilala na nga siyang ganu’n.


Well, ganu’n din naman ang katwiran ni Rhian, ganu’n na ang image niya kaya whether some bashers like it or not, sorry na lang sila, hahaha!


Anyway, sa March 8 na magsisimula ang Where in Manila, 11:30 PM sa GMA-7 kaya sabay-sabay tayong maglaway sa mga food na titikman ni Rhian na for sure, gugustuhin din nating makitikim, hehe!



MULA sa mundo ng vlogging, tumawid na rin sa paggawa ng pelikula ang sikat na ex-couple ng online world na sina Jai Asuncion at Agassi Ching a.k.a. JaiGa.

Bibida na for the first time sa isang pelikula na horror pa (take note!) si Jai Asuncion kasama ang ex-BF nga niyang si Agassi o Aga at ang magaling na TV and movie actor na si Alex Medina sa Postmortem na showing na in cinemas on March 19.


Kaibigan ng dalawang sikat na social media influencers ang director ng pelikula na si Direk Tom Nava (director din ng Showbiz Now Na! at Ogie Diaz Inspires) at natutuwa naman ang huli na may nagtiwala sa kanyang script para i-produce at gawing pelikula kaya after a long time, finally ay maipapalabas na nga ito sa mga sinehan.


Napanood namin ang trailer ng Postmortem sa ipinatawag na mediacon ng aming nanay-nanayan sa showbiz at ninang ko sa kasal na si Ninang Cristy Fermin na ginanap sa kanyang Mga Obra ni Nanay Gallery sa Casa Milan, QC last Tuesday.

Bongga, malakas ang jump scare ng movie kaya feeling namin ay papatok ito sa manonood lalo’t ang istorya ay tungkol sa paniniwala nating mga Pilipino na kapag nakita ang isang tao na walang ulo ay delikado siyang mamatay kaya dapat sampalin o tapikin ng nakakita.


Impressive rin ang nakita naming acting ni Jai Asuncion, na in fairness, may background naman daw sa theater acting nu’ng nag-aaral pa siya, kaya kahit launching movie niya ito, maipagmamalaki naman niya sa kanyang 2M followers sa Instagram, 2.7 M followers sa Facebook at 5.1M followers sa TikTok.


Aminado lang si Jai na may pressure at kaba sa kanya ang pagbibida sa movie dahil ngayon nga mate-test kung ‘yung milyun-milyon ba niyang followers sa social media ay susuportahan siya sa kanyang first acting on film.


Pero ‘yung mga fans ng kanilang JaiGa love team ni Aga, don’t miss to watch Postmortem kasi baka dito n’yo ma-feel kung may pag-asa pa talagang magkaroon ng part 3 ang love story nina Jai at Aga lalo’t hindi biro ‘yung 5 yrs. nilang relasyon, ha?


At nagpakatotoo naman si Jai na hindi agad-agad mawawala ang love niya kay Aga pero nasa moving on stage na raw siya ngayon at hindi pa handang maghanap ng bagong kapalit ng ex-GF. Ganu’n din naman si Aga, sa career daw ang focus sa ngayon kaya ‘di pa rin naiisip na maghanap ng bagong GF.


Pero heto, JaiGa fans, inamin nilang may panghihinayang sa kanilang breakup, so, posible pa nga kaya ang third chance? 


Hmmm… puwedeng title ng next movie na gagawin nila. What do you think, Direk Tom Nava?


Anyway, kasama rin sa cast ng Postmortem sina Francis Mata, Jennica Garcia at mga vloggers na sina Sachzna Laparan at Albert Nicolas. 


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 27, 2025



Photo:Gabby at Sharon - IG


Sa pag-launch kay Papa Gabby Concepcion bilang wellness champion at health advocate ng Mwell, naitanong namin dito kung na-inspire ba sa kanyang palagay si Mega Sharon Cuneta dahil sa iniregalo niyang “singsing”?


Ang naturang ‘singsing’ kasi ay isa lamang sa mga produkto ng Mwell na nakakatulong sa sleeping habit ng isang tao, kasama na rito ang pagsukat ng ilang health metrics gaya ng heart rate, heart rate variability, resting heart rate, at average oxygen saturation.


“Malamang na na-inspire, though hindi ko pa siya nakikita uli in person. Abangan pa ninyo ‘yung ipa-partner kong Mwell power watch, para kumpleto ang mga benefits para sa monitoring ng blood pressure at heart rate. Alam ninyo naman at 38, dapat pare-pareho tayong malulusog, magaganda at sexy,” sey pa ni Gabby.


Kasama ni Gabby sa naturang launch ang kanyang mga solid supporters simula pa noong araw na kilig na kilig sa mga hirit nito at tsika sa renewed friendship nila ni Mega Sharon.


Pero dahil may commitment nga siya para sa isang teleserye hanggang November this year, baka hindi na muna raw maulit ‘yung Dear Heart concert nila abroad.


Bahagi na nga si Papa Gabby ngayon ng Mwell campaign na: “Healthy is the new handsome,” bilang inire-represent naman niya talaga nang bongga ang slogan na ito.



Still showing ang pelikulang The Caretakers (TC) na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana mula sa Regal Entertainment.


Ibang horror ang dala ng movie dahil bukod sa kuwento nito tungkol sa kayang gawin ng isang ina para sa kanyang mga anak, inire-represent din nito ang pagmamahal ng inang kalikasan sa mga tao.


Kilalang mahuhusay na aktres sina Iza at Dimples, pero nagawa ng mga bagets na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erika Clemente at Erin Rose Espiritu na makipagsabayan (may mga eksena pang tinalbugan sila) sa galing nila.


Hindi man nakabibingi ang mga sigawan at tilian, sure namang may kung anong sasabog sa mga dibdib ninyo sa mga eksenang nakakasindak at nakapanghihilakbot.

Iba ang awra nu’ng ginamit na lumang bahay sa movie. May sarili siyang mga eksena na kapag paulit-ulit ninyong ilalagay sa isip ninyo ay parang ayaw na ninyong matulog. Hahaha!


Si Shugo Praico ang direktor ng The Caretakers at co-produced din ito ni Direk Lino Cayetano ng Rein Entertainment.



ANG ganda-ganda ni Jillian Ward sa naging selebrasyon niya ng kanyang 20th birthday and at the same time ay 15th year niya sa showbiz.


Grabe talaga ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ‘yung mga interviews at pakikipaglaro namin sa bagets noong si Jillian na sobrang kulit.


Literal na sa showbiz na lumaki si Jillian at sa dami ng mga pinagbidahan niyang shows sa TV ay matatawag nga siyang big star.


“Gusto ko lang pong mag-share ng saya, mag-show ng appreciation sa lahat ng mga taong sumuporta sa ‘kin. Life is short para malungkot tayo,” bahagi pa ng birthday message ni Jillian kung saan din siya kumanta at sumayaw.


Sa napapanood nating My Ilonggo Girl (MIG) sa GMA-7 TV, walang dudang nakabuo na naman ng bagong tambalan ang Kapuso Network sa MicJill. Ang guwapo at may tantalizing eyes na si Michael Sager nga ang kalahati ng tagumpay

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Feb. 26, 2025




“Fake news!” ang paglalarawan ni Mommy Min Bernardo o mas kilala bilang nanay ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa kumakalat na issue ngayong nagkabalikan na ang anak at si Daniel Padilla.


Kasabay ng pagkaalarma, nagpaalala ang ina ni Kathryn tungkol sa mga “fake news” na iniuugnay sa anak.  


Sabi ni Mommy Min, walang basehan o pekeng impormasyon ang diumano'y nagkabalikan si Kathryn at ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.  


Matatandaang noong February 23, 2025 nang i-post ng controversial internet personality na si Xian Gaza sa kanyang Facebook (FB) page na magkaibigan na lang daw sina Kathryn at Alden Richards, ang noo’y masugid at napapabalitang manliligaw ng aktres habang ginagawa nila ang Hello, Love, Again.  


Noong araw ding iyon ay agad naglabas ng pahayag si Mommy Min na wala itong basehan.  


Nang hingan ng mensahe si Mommy Min para sa mga fans ni Kathryn, ito ang malamang sagot niya, “I know them very well. ‘Wag kayong masyado maniniwala sa mga fake news.”  


Tila ayaw pumayag ni Min na kani-kanya na ng landas ang anak at si Alden.  

Samantala, komento ng mga netizens, mas dapat paniwalaan si Mommy Min kesa sa mga unverified information na ipinapakalat ng iba na wala naman daw basehan.  


Huling namataan sa publiko sina Daniel at Kathryn na magkasama onstage sa ABS-CBN Christmas Special at Asia Artist Awards noong December 2023.  


At dahil dito, marami sa mga fans nina Kathryn at Alden ang nagpahayag ng pag-asang nagkakamabutihan na nga ang dalawa dahil after HLA success, hindi na nakitang magkasama ang KathDen.  


Marami ring nakakapansin na hindi pa nasisilayan sina Kathryn at Alden na magkasama nitong pagpasok ng 2025.  


Sa Showbiz Now Na! noong Enero 2025, natalakay sa vlog ni Cristy Fermin na diumano’y “nagdededmahan” na lang sina Alden at Kathryn.  


Kapansin-pansin na hindi na raw malapit ang dalawa kumpara noong kasagsagang ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikula nilang HLA na bawat lugar na kanilang puntahan dahil sa promo ng movie ay sweet na sweet sila.  


Sabay may disclaimer si Tita Cristy na hindi raw niya alam kung baka naman may personal na pag-uusap ang dalawa na ipahinga muna ang kanilang labtim?  


Sa vlog naman ni Ogie Diaz noong February 8, sinabi nito na huminto na umano si Alden sa panliligaw kay Kathryn. Sinundan pa nito na nagkabalikan na ang mag-ex?  

Hindi nagbigay ng ibang detalye si Ogie Diaz sa paghinto ni Alden sa panunuyo sa aktres.  



NAG-POST si Mavy Legaspi ng kanyang mensahe sa mga taong walang tiwala sa kanyang hosting skills. Pero gagawin daw niya ang lahat ng kanyang makakaya.  


Si Mavy ang dagdag na co-host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) kung saan binansagan siyang “Kapuso Royal Tropa ni Kuya.”


Tiwala naman si Mavy na magagampanan niya ang bagong journey ng kanyang hosting career. Sey niya: “Thank you for all the love & support, guys. It’s honestly so overwhelming.  


“I’ll do my very best. I’ll take any constructive criticism moving forward and utilize it to become a better host.  


“All the extra noise is just unnecessary, I suggest you keep it to yourself ‘cause it doesn’t work on me.  

“All love. Love, your newest PBB Host, Maverick.”


Sa kanyang IG Stories noong February 21, 2025, sunud-sunod na ibinahagi ni Mavy kung gaano siya nagagalak na mapasama sa sikat na reality show. Dahil sa pagmamalaki na kasama siya sa isang dekada nang show, agad niyang ipinost ang larawan niyang kuha sa pictorial para sa programa.  


Sa kanyang caption, sabi ni Mavy, hindi niya bibiguin ang pamunuan ng PBB na nagtiwala sa kanya.  


Aniya, “Thank you, Lord! I can’t wait to meet the housemates. Can’t wait to learn from the amazing PBB hosts. I won't let any of you down. Ready to host.”

Kasunod nito ang larawan nila ni Alexa Ilacad na magiging “partner in crime” niya sa show.  


Sabi ng Kapuso TV host-actor, “Forgot to mention my partner in crime as a PBB host!  

“Alexa Ilacad we finally get to work together!! Let's do this!”

Bongga!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page