top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 3, 2025



Photo: Jake Cuenca at Andrea Brillantes - Circulated, BQ


Kung dati-rati ay gumaganap bilang magkapatid sina Andrea Brillantes at Jake Cuenca sa ilang series o program na nagkasama sila, aba sa paparating na mga karakter nila sa Batang Quiapo (BQ) ay iba na.


Sa teaser na ipinakita sa parang bagong kabanata ng action series ni Direk Coco Martin, may mga tukaan at bathtub scenes na sina Jake at Andrea.


Well, ganyan talaga ang mga eksena sa mga series. Anak mo ngayon, bukas asawa mo na. Inaalagaan mo ngayon, bukas kahalikan mo na.


Hindi lang naman ‘yan kina Jake at Andrea nangyari dahil kahit noon pa, maging sa movies ay nangyayari ‘yan, kahit sa mga kilalang artista.


Meron pa nga kaming naalala na sikat na sexy star noon na halos ibuyangyang na ang lahat sa kaeksena niyang mas may-edad sa kanya sa isang movie nila. 


Then eventually ay naging asawa ni sexy star sa totoong buhay ang anak ng naturang may-edad niyang kaeksena.


Nangyayari talaga, ‘noh, mapa-movies man o TV. Kaya po hindi sineseryoso ang mga napapanood natin, ha? Hindi dapat ginagaya sa totoong buhay. Hahaha!



PERO ang tanong nga ng mga netizens, seseryosohin ba natin si Coco Martin sa mga ineendorso niyang FPJ Partylist at si Supremo Lito Lapid? 


Knowing fully well kung paanong natulungan ng FPJ brand si Coco, pati na ng pagka-action star ng isang Lito Lapid, hindi natin talaga maiaalis sa kanya ang

mag-pay back.


Marami man ang disappointed sa takbo ng kuwento ng action series, the fact na lagi itong trending at nagmamarka ng milyones ang concurrent views nito sa socmed (social media), hindi siyempre hihinto ang produksiyon ni Coco dahil ‘yun ang sukatan nila ng success at good business.


Kaya sa mga nagtatanong kung seseryosohin ba natin si Coco Martin at ang mga gawain niya, ibinabalik po namin sa inyo ang tanong. 

O baka talagang ayaw na nating mag-esep-esep? Hahaha!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 2, 2025



Rhian at Sam Verzosa - Instagram.

Photo: Rhian at Sam Verzosa - Instagram


Para lang may konek sa title ng bagong lifestyle show ni Rhian Ramos sa GMA-7 titled Where In Manila na nagkaroon ng grand mediacon just recently sa Winford Hotel in Sta. Cruz, Manila, at tutal ay kasama rin niya sa Q&A portion ang love of her life na si Dear SV a.k.a. Sam Verzosa na tatakbong mayor of Manila this coming 2025 election, ay tinanong ni yours truly ang dalawa na kung sakaling magpapakasal na sila, sa Manila ba gagawin and WHERE IN MANILA? 


“Ahhh, SAM-where (somewhere) in Manila,” patawang sagot ni Rhian dahil katunog din ng salitang SOME... ang first name ni Dear SV host Sam Verzosa.


“Ako, masasagot kita… ‘Pag nangyari ‘yan, for sure sa Manila talaga gagawin. Maybe sa Quiapo Church kasi deboto ako ng ating Poong Nazareno.”


Wow, very religious pala si Dear SV, ‘noh? Devoted siya sa ating Poong Nazareno at siyempre, devoted rin siya of course kay Rhian na puwedeng ang maging theme song nila ay Hopelessly Devoted To You na isa nang old hit song.


Si Rhian, tumawa lang sa naging kasagutan ni Dear SV at pabirong nagsabing sana nga raw, matuloy ang kasal nilang dalawa when the right time comes along.

Oo nga naman, kung sila talaga ang magkapalad, sila talaga ang meant-to-be mereseng anywhere in Manila sila ikasal, boom ganern!


‘Niwey, “Boo” ang tawagan nila sa isa’t isa na ewan kung “boomerang” ba ang meaning o “Labu-boo”. Tanging sila lang ang nakakaalam, in pernes.


Wish pa ni Dear SV kay Rhian, sana raw sa Where In Manila lifestyle show ng dyowa ay ma-inspire nito ang marami nating kababayan na maipakita ang kagandahan ng lungsod ng Maynila.


Si Rhian naman ay super excited sa pagho-host ng kanyang bagong lifestyle show.

Aniya, “I am so excited to be hosting this show na Where In Manila ‘coz it’s not just going to be a learning experience for our audience at siyempre sa ‘kin din. Alam n’yo naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things and foods that I’ve never eaten before and seeing places that I’ve never been before.”


Mapapanood ang Where In Manila lifestyle show nitong si Rhian tuwing Sabado at 11:30 PM sa GMA-7 simula this coming March 8.


So, huwag n’yong palagpasin ang panonood nitey, mga kababayan natin diyan sa Manila, okidoki?



NAKAKUHA ang action-drama series ng ABS-CBN na Incognito ng all-time high viewership record nang magtala ng 997,260 peak concurrent viewers sa episode nito noong Biyernes (Peb. 21) matapos abangan ang kahihinatnan ng mga rogue mission ng ‘Kontraks’. 


Dalawang beses na nakapagtala ng all-time high viewership record ang serye noong nakaraang linggo matapos unang makakuha ng 851,693 viewers noong Miyerkules (Peb. 19).


Nananatili rin ang Incognito bilang isa sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, habang pinakapinapanood na serye pa rin ito sa iWantTFC.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 2, 2025



Photo: Uninvited - Vilma Santos IG


Ang parehong Mentorque at Project 8 Projects Productions ang nagkasundong hindi na i-submit ang Uninvited movie para makasali sa 2nd Manila International Film Festival (MIFF) ngayong March 4-7 sa USA.


Ang mga producers nitong sina Bryan Diamante at Direk Dan Villegas-Antoinette Jadaone ang nag-decide na mag-beg-off sa invitation ng MIFF organizers, kaya’t maling-mali at walang katotohanan ang mga naglabasang balita na “pinull-out” ito.


Ayon sa aming mga nakausap from both the camps of Mentorque at Project 8 Projects, ang pagkakaroon nila ng mga previous commitments ang rason kung bakit hindi sila makakapunta o makapagpapadala man lang ng representatives nila para mag-asikaso o personal na makilahok sa festival.


Si Bryan ang nagsisilbing punong-abala sa halos lahat ng mga political sorties ng Santos-Recto candidates at iba pang mga kaalyado nila sa Batangas province. 


Sina Direk Dan at Antoinette naman ay abala rin sa mga nauna na nilang kausap-ka-deal here and abroad, lalo’t kagagaling lang nila sa 75th Berlinale Film Festival. Wala ring magre-represent sa Project 8 Project Productions kaya’t nag-decide ang parehong producers ng Uninvited movie na hindi na mag-submit sa festival.



MEANWHILE, despite her busy schedules, sinagot naman ni Star for All Seasons Vilma Santos ang aming tanong sa naturang isyu.


“Ang mga producers ko ang hindi na nag-submit (sa MIFF). I am only their actor at wala naman akong kontrol sa desisyon nila,” parte pa ng sagot ni Ate Vi.


Nalulungkot din daw siya lalo na para sa mga Vilmanians na naka-purchase na ng tickets last month pa bago pa man na-reset ang MIFF at ‘yung iba ring nag-leave na sa mga offices o work nila to support her movie.


Medyo nasentro lang din kasi kay Ate Vi at mga Vilmanians ang maling info tungkol sa supposedly ‘entry ng Uninvited’, kaya’t may lumabas na tila nagtatampo o disappointed ang mga ito.


“Soon mapapanood din nila (ang movie). Sa dami ng mga platforms ngayon, hindi na ‘yan imposible,” susog naman ng mga supporters ni Ate Vi rito sa ‘Pinas.


Kaya nalulungkot man ay ipinaaabot ni Ate Vi ang kanyang paghingi ng pasensiya sa mga supporters niya, pati na ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga organizers ng 2nd MIFF.


Isa kasi si Vilma Santos sa mga bibigyan ng Lifetime Achievement Award ng festival along with National Artist Ricky Lee, showbiz leader Tita Boots Anson-Rodrigo at ang yumaong Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde.



‘YAN ang nakakatuwa at nakaka-proud sa mga supporters ni Vilma Santos-Recto (Ate Vi).

Sa pamamagitan ng socmed (social media), nagkakaroon sila ng mga talakayan o info sharing, kaya’t updated sila kahit nasa abroad pa ang iba.


Talagang sa bawat project ng idolo nila, lagi silang may nakahandang oras, effort at pera to support.


‘Yung mga kulang o walang pondo, binibigyan ng mga mayroon. Hindi sila basta-basta nag-iingay o nakikipagbardagulan nang ganu’n lang para kay Ate Vi.


At ang pinakabongga sa mga kapwa Vilmates-Vilmanians, naipasa ng mga senior fans ang pag-idolo sa nag-iisang Vilma Santos sa kanilang mga anak, pamangkin, inaanak at apo na buong-puso namang tinatangkilik ng ngayo’y mga millennial at Gen Z.


‘Yan ang bonggang katotohanan na puwedeng isampal sa mga bashers diyan.


“Her exemplary body of work, her legacy and advocacies and her great respect and behavior indeed and truly spell the huge difference,” ‘ika nga ng mga scholars sa soon-to-be released ICON book ni Ate Vi.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page