top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 10, 2025



Photo: Troy Montero at Aubrey Miles - Circulated, FB, IG


Troy Montero and Aubrey Miles strikes again.

May tila pa-kontrobersiyal na namang ganap ang mag-asawa sa socmed na pinag-uusapan ngayon.


Na-bash na naman kasi ang mag-asawa na mukhang nasasanay na raw ipagmalaki, ibulgar at ipangalandakan ang pagiging mga “exhibitionist” nila. 


Years ago raw kasi ay nag-promote ang mga ito ng isang private resort kung saan in their full nakedness ay mala-Eba at Adan ang peg nila sa mga lumabas na photos sa naturang private resort (pero ginawang public ang promo).


This time, kahit mga naka-damit ay very sexual naman ang theme ng mga posing nila sa loob ng isang sasakyan dahil ‘yun nga ang ipino-promote nila para sa mga nais bumili ng car.


“Nasaan na ang pagiging disente d’yan? Granting na talaga namang maraming tao ang nag-e-experiment din ng mga sexual activities nila, pero napaka-cheap naman ng promo slant ng car company na ‘yan. Hindi ba may mga anak na ‘yang sina Troy at Aubrey? 


“Ang sagwa lang makita ng mga wala pang muwang sa mundo o kahit ng mga virgin pa ang sobra naman nilang pagiging experimental. 


“Gumawa na lang kaya sila ng adult content ng mga sexual fantasies and trips nila kung ang hilig-hilig nilang i-share sa public ang mga kali**gan nila,” ang mataray na reaksiyon ng mga nagsasabing binabago ng mag-asawa ang disenteng definition ng “moral at morality.”


May humirit pa, “‘Pag naman tinawag silang mga porn stars, nagre-react sila. Anything na lang para pagkakitaan o makalibre sila, ‘no? Talagang gusto nilang gawing normal ang mga dapat ay private activity ng couple sa room nila.”

Aguy, uy!



“I hope that her boundaries can be respected,” ang bahagi nga ng request ng PBA cager na si Caelan Tiongson sa tila naging negative na reaction ng mga BINI supporters sa napapabalitang friendship nila ni Aiah Arceta.


Pinutakti kasi ng bashing ang basketball player ng ilang ayaw mabalitaang may seryosong love life ang mga idol nila, in this case nga ay si BINI Aiah.


Although ipinaliwanag na ni Aiah na may mga common friends sila kaya sila nakikitang magkasama, wala raw talagang romantic something or what between them.


Well, hindi nga ini-encourage ng BINI management ang pagkakaroon ng romantic involvement ng mga members nila pero kung hindi naman maiiwasan ay gawin na lang dapat na discreet o hindi publicised.


May mga naniniwala kasing hindi lang naman si Aiah ang may ganyang sitwasyon sa grupo, lalo’t aware naman daw ang lahat na ‘career-threatening’ move nga ang pagkakaroon ng karelasyon ng kahit na sinong member ng BINI.


Diyan nga naman nagsisimulang magkaroon ng mga sari-saring isyu to the point na naaapektuhan na ang lahat.


Ayaw ng mga Bloomers ng ganyan. Hahaha!



AY, mabuti pang pasalamatan na lang natin si Ivana Alawi.

Napaka-generous kasi ng aleng ito na nag-share ng kanyang blessings at sumagot din ng mga isyu.


Sa katatapos lang na thanksgiving party niya para sa mga showbiz friends, game na game na nakipaghuntahan si Ivana sa latest niyang mga ganap.


Binigyan niya tayo ng balita sa kondisyon ng kanyang health na bumubuti na sa ngayon after niyang maoperahan.


At bilang isa nga siya sa most influential and followed celebrity sa socmed (social media), may mga diskarte siya sa pagtulong at pag-payback sa mga supporters/followers niya.


“‘Yung mga tinutulungan natin talaga ay mga in need. Personal po talaga ang approach, tapos may monitoring, may kumustahang update, mga ganu’n,” kuwento ni Ivana.


“Maarte at choosy ako,” sagot naman niya sa mga nagnanais kumuha sa kanya bilang partylist o political endorser.


“Iba ang laban sa politics. Kung hindi rin lang para sa bayan ang gagawin nila, hindi nila ako maaasahan na makasama nila. Hindi naman pera-pera lang ang isyu d’yan,” hirit pa nito.


Dream na ni Ivana ang magkaroon ng sariling pamilya. Pero ‘yun nga, ang madalas nga raw na nangyayari kapag gusto niyang kilalanin ang isang lalaki na dumidiskarte sa kanya, eh, mas sa kanya pa natotoka ang pagbabayad sa mga dinner dates nila! Paano ka nga naman makakatagpo ng lalaking mamahalin mo kung ang feeling mo ay sa iyo na iaasa ang buhay nila? Hahaha!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 7, 2025



Photo: Ina Raymundo - IG


Sa inilabas na photos ng isang kilalang clothing brand para sa kanilang Body of Work na featured ang iba't ibang celebrities, nakakaloka si Ina Raymundo.


At her age, marami nga siyang mga pinataob na female stars sa ganda at seksi pa rin ng kanyang katawan. Talagang halos kaedaran pa rin niya ang mga bagets star na magaganda, seksi at fresh looking.


Ilan sa mga female stars na nakakuha ng atensiyon ng maraming netizens ay sina Michelle Dee, Ara Arida, Dia Mate, Krishna Gravidez, Sunshine Cruz, Kaila Estrada, Ashley Ortega, Kira Balinger, Francine Diaz, Janine Gutierrez at Kathryn Bernardo.


Sa mga kalalakihan naman, nandiyan sina David Licauco, Jameson Blake, Derrick Monasterio, Kirk Bondad, Andres Muhlach, Alden Richards at ang SB19.


Hinahanap namin ang male counterpart ni Ina gaya ng mga kasabayan niya noon sa showbiz, pero mukhang wala talagang papantay sa kaseksihan at kasariwaan pa ring tingnan ni Ina. 

Hahaha!

Bagong pakulo ni Vice…

IS, NAGKA-QUIZ SEGMENT DAHIL SA KRISIS SA EDUKASYON SA ‘PINAS


PINAG-AARALAN na ngayon ng pamunuan ng It’s Showtime (IS) kung gagawing regular segment ang Quiz V (QV).


Positibo at maganda ang reception sa naturang pakulo ni Meme Vice Ganda na bunga nga ng pagkakadismaya ng host sa tila nakakaalarmang sitwasyon ng edukasyon sa bansa.


Mga simpleng trivia questions lang naman ang itinatanong ni Vice sa kanilang live audience gaya ng mga acronyms ng government agencies at ilang mga basic na definition sa Grammar, Math at Science.


Siyempre, mayroon naman daw ‘legit’ na resource people ang show para masigurong maiiwasan ang pagkakamali kung sakali man.


Dahil dito ay marami na namang mga lider at pulitiko na tila sumasakay ngayon sa ginawang ito ni Vice Ganda.


But knowing Meme to be quite smart at madaling makaamoy ng mga oportunista, alam na siyempre niya ang gagawin.


Sana nga ay mai-level-up ni Vice ang mga ganitong panoorin sa TV.

Congrats and good luck!



SPEAKING of SB19, isa sila sa mga iniidolo at nais maka-collab ng pinakabagong P-pop group na GAT (Gawang Atin ‘To) under Viva Artists Agency, Viva Music Group at Ivory Music.


Nakilala sa viral hot cover nila ng kanta ni James Reid na Huwag Ka Nang Humirit (sabi nga ng marami ay mas nakilala pa ang kanta nang dahil sa kanila at hindi dahil kay James), binubuo ang grupo ng GAT nina Ethan David, Charles Law, Michael Keith, Derick Ong at Hans Paronda. 


Nasa age group na 16-22 ang mga kyut na bagets kaya naman babies pa halos silang maituturing and yet, ‘yung klase ng galawan, sayawan at kantahan nila ay keri nang itapat at ilaban sa iba pang P-pop boy band ng bansa.


Pinag-usapan din ang rendition nila ng Marikit at naging big hit din ito among Gen Z, pero ang talagang naglagay sa kanila sa mapa kumbaga ng P-pop ay ang super viral at hit na cover nila ng Daleng Dale na umarangkada hindi lang sa socmed kundi higit sa mga music platforms here and abroad.


Welcome to the industry babies, GAT, Gawang Atin ‘To indeed.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 6, 2025



Photo: Liza Soberano - IG


Gaya ni Pia Wurtzbach na nakatanggap ng matinding bashing dahil sa latest activity nito featuring Bazaar magazine, matindi rin ang inabot ni Liza Soberano.


Sa naging pagdalo kasi ni Liza sa after party ng Oscars courtesy of Elton John, hindi lang ang “starlet” tag ang ginawang issue sa dating kilalang aktres sa bansa, kundi maging ang kanyang aura.


Binatikos kasi ang kasuotan nito sa nasabing event na parang one of those lang daw, kaya’t maging ang tila masel-masel nitong katawan ay nilait pa nang husto.


Ang nasabing event ay bahagi lang ng exposure program ni Liza sa kanyang nais na ma-penetrate na Hollywood circle.


Siyempre, full support ang mga nakakakilala sa kanya at mga nagmamahal, pero para sa noon pa ma’y bashers na niya, walang bearing o impact sa kanila ang mga ganyang exposure.


Kaya nga “starlet” ang label nila sa dating kinikilala at pinag-aagawang aktres sa bansa.

Nakaka-sad pero naniniwala pa rin kami na very soon ay makaka-hit din ng jackpot na exposure si Liza.


Hmmm… sige lang ang panlalait dahil soon, who you rin kayo sa amin. Hahahaha!


Pinarangalan ng BIR… VICE, DINGDONG, DENNIS, JENNYLYN,KIM, DANIEL AT KATHRYN, PASOK SA MGA TOP CELEBRITY TAXPAYERS


HINDI raw pamumulitika ang pagbibigay-recognition ng Quezon City government sa mga top celebrity BIR taxpayers.


Ayon pa sa post ng QC BIR, matagal na raw ginagawa ng agency nila ang bigyan ng recognition ang mga celebrity influencers at taxpayers na marunong sumunod o gumanap sa tungkulin nila bilang mamamayan.


Ang ilan nga sa mga pinarangalan na masisinop at tapat magbigay ng share ng income nila sa gobyerno ay sina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Kim Chiu, Darren Espanto, Albert Martinez, Daniel Padilla, Julia Barretto, Allen Dizon at Jason Dy.


Hindi naman nakarating sa nasabing seremonya ang iba pang top celebrity taxpayers gaya nina Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, Piolo Pascual at Kathryn Bernardo.


Sa mga humopia na magkikita sa nasabing event sina Kathryn at DJ (Daniel Padilla), nabigo sila dahil ini-represent ni Karla Estrada ang anak sa event.



ISA nang ganap na leading man si McCoy de Leon kung ang pagbabasehan natin ay ang impact ng latest movie niyang In Thy Name (ITN).


Committed at dedicated ang atake ng role ni McCoy bilang si Fr. Rhoel Gallardo, ang paring martir na binihag ng mga Abu Sayyaf terrorists noong taong 2000 at brutal na pinaslang, sampu ng iba pang hostages.


Maganda kasi ang execution ng mga direktor ng movie na sina Ceasar Soriano at Rommel Galapia Ruiz na halata namang nag-research sa materyal nilang matatawag ding kontrobersiyal.


Technically, kapuri-puri ang movie dahil legit na masukal na kabundukan ang karamihan sa mga eksena. Madadala ka talaga sa authenticity ng produksiyon, kaya’t mapi-feel mo ‘yung sagupaan ng mga terorista at militar.


Sobrang nakakalungkot nga lang na masaksihan sa widescreen ang mapait na katotohanang sa crossfire ng magkabilang grupo, hindi mo na malalaman kung kaninong mga bala ang pumapatay sa mga sibilyan.


Mula kay McCoy na mukhang kinarir talaga ang papel bilang very faithful na si Fr. Gallardo, kapuri-puri rin ang pagiging ‘demonyo’ nina JC de Vera at Mon Confiado bilang mga Abu Sayyaf leaders na ipinakitang may matindi ring ‘faith’ sa Muslim religion nila.


Naku, panoorin ninyo po ang movie dahil ito yata ang unang pelikula this year na nagustuhan naming irekomenda nang wagas sa madlang pipol.


R-16 nga lang ang rating ng MTRCB dito dahil sa tema at mga kahindik-hindik na eksenang patayan, pugutan ng ulo, kamay at daliri, etc. etc.


Ang ilan pa sa mahuhusay na artistang kasama ay sina Alex Medina, Yves Flores, Jerome Ponce, Ping Medina, Soliman Cruz, Aya Fernandez at may mga cameo roles din sina John Estrada, Richard Quan at marami pang iba.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page