top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 16, 2025



Photo: Piolo at Kyle Echarri - Circulated


Marami pa rin ang hindi nakakaintindi sa friendship ni Papa Piolo Pascual kay Kyle Echarri at sa pamilya nito.


Lagi na lang binibigyan ng kulay o malisya ang anumang napo-post sa social media, lalo’t madalas ngang nagkakasama ang dalawa, with their other tropa - sa gym, sa farm, sa lakwatsa at maging sa inuman.  


At kahit matagal na ang mga photos o videos, hinahalungkat pa rin ng mga netizens para lang may palutangin na kung ano.  


Just recently ay bigla ngang nag-pop up ang video ng pag-uwi ng dis-oras ng gabi nina Papa P at Kyle na tila galing sa inuman o sa isang event sa isang probinsiya.  


Pinagpiyestahan uli ito at may nang-bash pa sa young actor na nagsuplado umano sa isang bystander na nag-request ng photo op.  


Although ipinaliwanag na ngang kasama nina Papa P at Kylie ang tatay ng young actor at ilan pang malalapit nilang relatives, may mga ‘Pilita Corrales’ pa ring nag-i-insist ng kung ano.  


“Ganyan naman sa socmed (social media). Ipagpipilitan nila kung ano ang nais nilang palabasin o lagyan ng malisya. Family friends kami. Nama-magnify lang masyado kasi mga kilalang personalities ang involved,” sagot sa amin ng isa sa mga close friends nina Kyle at Papa P na kasama sa tropa.  


“Bakit hindi na ba puwedeng maging good friends ang mag-tito o mag-ama kung ‘yung edad namin ang pag-uusapan?” hirit pa ng source namin.


Mukha ng aktres, tinakpan sa tarpaulin…

FRANCHISE NG BAKESHOP NA NAMBASTOS KAY KIM, IPINASASARA



USAP-USAPAN sa social media ang ginawang pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa tarpaulin ad ng isang franchise ng Julie’s Bakeshop.  

Endorser si Kim ng naturang kilalang bakeshop, kaya hindi pinalampas ng mga

supporters ng aktres ang magtanong sa pamunuan nito kung wala raw ba silang ginawa sa tila pambabastos sa aktres.


Nangyari nga po ‘yan sa Indangan, Davao City branch at may nagsasabi pang mismong mga empleyado diumano ang may kagagawan nu’n.  


Obviously, may kinalaman nga iyon sa pag-call out at pag-bash nila sa sikat na aktres-host sa bintang nila sa isang bahagi ng It’s Showtime (IS), na kinlaro namang walang reference sa pagkakahuli ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.  


May mga panawagan ngayon ang mga supporters ni Kim na i-pull-out na rin daw sa naturang lugar ang branch ng bakeshop dahil hindi ito nagpapakita ng magandang business practice.  


“Pambabastos ang ginawa nila sa kanilang endorser na nakakatulong din naman sa kanilang negosyo,” sey pa ng mga netizens na nagsasabing may dapat panagutan sa main branch ang naturang franchise.



NAKAKATUWA naman ang pag-iibigan nina Michele Gumabao at Coach Aldo Panlilio.

Last month ay nagkaroon na sila ng Catholic church wedding bilang pagsunod sa tradisyon at relihiyon ng parents ni Coach Aldo na mga saradong Katoliko.  


Usapan na raw pala iyon ng bagong kasal bilang pagrespeto at paggalang sa kanilang mga magulang.  


Then nitong nakaraang linggo lang ay ang side ni Michele naman ang pinagbigyan dahil isang Christian wedding ang naganap sa Baguio City.  

Pero ang nakakaloka ay ‘yung pagpapa-convert daw ni Coach Aldo bilang Christian dahil nga sa pagmamahal nito kay Michele.  

“Nagpaalam naman si Coach sa parents and family n’ya. A matter of faith and belief naman talaga ang religion na siyempre pa, ‘love’ ang main ingredient. Let’s just give them the best of everything. God-centered talaga ang pagmamahalan nila,” saad pa ng isa sa mga VIP guests ng dalawa mula sa mundo ng sports.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 15, 2025



Photo: Ruffa Gutierrez - IG


Sa kuwento ni Ruffa Gutierrez, muli palang nag-propose ng kasal ang ex-husband niyang si Yilmaz Bektas. Pero dahil halos 18 years pala silang hindi nagkikita maliban sa nagkakausap sila nang madalas, iniisip daw niyang ‘joke’ lang ito.


Simula raw kasi nang mabuksan uli ang kanilang communication nang dahil sa kanilang mga anak, nagsimula na rin daw na maging komportable sila sa isa’t isa.

Kaya siguro nakakapagbiro nga ng marriage proposal uli si Yilmaz na mukha namang ikinatutuwa ni Ruffa.


At halata rin namang updated si Ruffa sa kanyang ex na ibinalita pa niyang wala na nga raw pinakasalang iba, maliban sa kanya.


Matatandaang na-link din si Yilmaz sa isang Miss Universe winner, pero wala na rin tayong narinig since then.


Basta ayon kay Ruffa, nagbibigay na ng kanyang ‘share’ si Yilmaz, lalo’t sa USA nag-aaral ang kanilang mga anak na sina Venice at Lorin.


“Confident naman,” ang makahulugang tugon pa ni Ruffa sa tanong kung may dapat daw bang ma-threaten sa ibinalita niyang marriage proposal ng ex niya. 


Hmmm... well, ang last na na-link kay Ruffa ay si Pareng Herbert Bautista. Confident nga kung ganu’n!


Si Ruffa ngayon ang latest endorser ng LUXE brands na skin glowtion, lip cream at luxe slim ng Luxe Beauty and Wellness group ni Madam Anna Magkawas.


Kaya naman pala super gorgeous at very confident ang aura ng ganda ni Ruffa Gutierrez!



MAY mga nagtatanong naman kung magiging coach pa raw ba si Lani Misalucha ng The Clash (TC) ngayong nasa Tawag ng Tanghalan na ito bilang isa sa mga hurado?

A resounding ‘yes’ ang nakuha naming sagot mula sa isang source from Kapuso Network.


“Wala namang problema at conflict dahil may collab na ang dalawang networks pagdating sa talent o artist sharing. Iba naman ang labanan sa magkaibang singing search at may ibang criteria na sinusunod. We don’t see any problem on that,” sagot ng aming kausap.


Matagal na palang inaawitan na maging hurado si Lani sa Tawag ng Tanghalan (TNT) pero dahil nga sa may conflict pa noon ang mga kontrata nila sa bawat network, hindi ‘yun naging posible.


Malaking bagay at addition sa TNT si Lani given her expertise. 


Aniya, “At saka mas makakatulong ‘yun sa mga international stints ni Lani dahil mas napapanood ‘yun ng marami abroad,” segue naman ng isang mahadera. 

Hahaha!



TO the rescue ang mga fans ni Kim Chiu sa ginawang pag-call out dito ng mga Duterte supporters dahil sa simpleng word na ‘deserve’.


Naipaliwanag na’t naipakita pa ang proof na bahagi ng spiel sa It’s Showtime (IS) ang naturang salita na kapwa nga binanggit nina Kim at Vhong Navarro, pero higit nga ang

nakuhang ‘bashing’ ni Kim dahil doon.


Pagpapatunay talagang handa ring makipagbardagulan ang mga Kim o KimPau fans kapag alam nilang inilalagay sa mali ang idolo nila.


Abalang-abala sina Kim at Paulo ngayon sa promo ng movie nila na ngayong March 26 na nga ipapalabas, ang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).

Marami na kaming nababalitaan na mga grupong may sponsor ng mga block screenings here and abroad.


Hindi man daw nila mapantayan ang nagawang box office success ng highest grossing local film of all time na Hello, Love, Again (HLA), titiyakin daw nilang magiging box office champion din ang movie.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 15, 2025



Daniel at Kathryn - Mega, IG

Photo: Daniel at Kathryn - Mega, IG


Si Panyerong Ogie Diaz daw ang unang nagbuking na may bago nang syota si Kathryn Bernardo, ayon na rin sa ilang Marites at tribu ni Mosang.

Sinex (sino) daw ang bagong BF ni Kathryn? Ito’y ang Lucena City mayor na si Mark Alcala.


Pero ayon naman daw kay Panyerong Ogie, hindi rin siya 100% sure kung si Kathryn ay may newly found love na nga.


Si Alden Richards naman daw ay wa’ pakels ‘coz abala itey sa maraming ganap in his showbiz career and business. Abala rin ang aktor sa pagbubukas ng kanyang ikalawang branch ng fast food chain sa Sta. Rosa, Laguna. Naka-focus daw kasi now si Alden sa pagpapayaman. 


Wow, galing-galing naman. If ever, napakasuwerte ng kanyang mapapangasawa at mga magiging anak, boom ganern!


Well, kung si Alden ay wa’ pakels sa bagong karelasyon ni Kathryn Bernardo, if ever na true nga ang tsika, now ang tanong, how about Daniel Padilla? Bakit nga ba tikom pa rin ang bibig ni DJ, ha? 

‘Yun na!



Pati kilikili, ipinaaamoy sa BF in public… 

ASHLEY, WALA NANG ITINATAGO KAY MAVY





TURNED-OFF ang mga viewers ng bagong edition ng Pinoy Big Brother (PBB) kay Ashley Ortega na isa sa  mga napiling housemates ni Kuya.


Kasi nga, may eksenang ipinaaamoy ni Ashley ang kanyang kilikili kay Mavy Legaspi na ang naging saksi nila ay si Kapuso artist Josh Ford.


Tipo kasing hindi magandang tingnan ang ipinagawa ni Ashley kay Mavy kahit na sabihin pang magdyowa sila, ‘noh?


Tanong tuloy ng ilang press pipol, ano raw ba ang gustong palabasin nitong si Ashley... na wala na siyang itinatago sa kanyang boyfriend na si Mavy? 


Harutan lang daw ng dalawa ‘yun, sey ng mga faneys in defense sa kanilang mga lodi.

Wow, ha? Ibang klase rin naman ang kanilang harutan, sey mo, Carmina Villarroel na ermat (mother) ni Mavy? 


At ano rin kaya ang naging reaction ng mommy dearest nitong si Ashley? 


Ay, sabagay, 3 yrs. na nga pala silang walang talkies, as in ‘di nag-uusap, kaya malay ba natin kung nanonood ng PBB Celebrity Collab Edition ang mudra ni Ashley.  


Si Kyline Alcantara na lang kaya ang tanungin natin kung ginawa rin ba niya ‘yan noong sila pa ni Mavy ang magdyowa?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page