top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 23, 2025



Photo: Alden at Kath - Bench FB - Bench Body of Work


“They owe it to their audience. Their public needs that ‘kilig’ that they were previously using/capitalizing to promote their movie,” ang mataray na reaksiyon ng mga tila na-disappoint kina Alden Richards at Kathryn Bernardo.


Ang isyu nga ay ‘yung tila hindi raw pagkikibuan ng dalawa sa Bench Body of Work fashion show na animo’y hindi sila magkakilala.


Kapansin-pansin sa mga lumalabas na video na may kung anong hidwaan ang dalawa na kahit simpleng pagngiti ay hindi nila magawa sa isa’t isa.


Habang nilalapitan sila ng mga kapwa nila artista na nandu’n at rumampa, mukhang mapapaisip ka talaga kung bakit nagdededmahan ang dalawa.


Considering na sila nga itong dalawa sa pinaka-finale na lumabas kasabay ang may-ari ng Bench na si Ben Chan na napapagitnaan lang nila.


Mas minabuti pang makipaghuntahan ni Kath kay Joshua Garcia nang napakatagal na oras kesa sulyapan man lang si Alden.


May pagkakataon din sa video na napapatingin si Alden kay Kath, pero nakatalikod nga ang aktres at tila walang pakialam.


Ang ilan sa mga big endorsers ng clothing line na kulang na lang yata ay pagdikitin sila na nakatabi nila ay sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Lovi Poe at ang SB19 na nasa likod lang nila.


Ang mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez ay nakatabi rin nila at nagawa pa ngang bumati at yumakap ni Goma kay Kath, habang si David Licauco naman ay nakipag-bro sign pa kay Alden.


Ano ito, bakit ganyan? Bakit ang tsismis noong nasa backstage raw sila ay okey naman daw at sweet sila? Ano nang gimik na naman ito? May niluluto ba uli na pang-bilyon ang hangad?” ang sunud-sunod na tanong ng netizen na hindi nga makapaniwala sa dedmahan ng dalawa.


Ang ending tuloy, naakusahan silang mga ‘user’ at porke’t tapos na raw ang movie project at kumita na nang bilyones ay basta na lang mang-iiwan sa ere sa mga nabola at naloko nilang mga nagtiwala sa love team nila.


Nakakaloka, pero may ine-expect nga tayong explanation dito, lalo’t sila ang higit na pinag-usapan sa naturang event na inilarawan naman ng marami na either nagmukhang gay bar o palengke ng mga nagbebenta ng katawan?

Hahahaha! Nakakabaliw!



NAKAKABALIW din itong si Jojo Mendrez, ang tinaguriang Revival King na under contract ng ABS-CBN Music.


Sa media launch ng kanyang latest and newest original song na Nandito Lang Ako (NLA), talaga namang pinagpiyestahan ng mga kapatid sa media ang pagiging ‘eksenador’ nitong si Jojo.


Matatag niyang sinagot ang mga tanong sa kanyang seksuwalidad dahil marami nga ang nagsasabing may something sila ni Mark Herras na ngayo’y niligwak na raw dahil may Rainier Castillo na siya?


“I refuse to answer that. Hindi na po ako magsasalita,” sagot nito sa nakakalokang tanong na niligwak niya si Mark over Rainier at may pa-segue na pinayuhan niya ang huli na huwag nang tanggapin ang offer na show sa province.


At ‘yun na nga, nilinaw niyang dahil maka-nanay at ate siya, napagkakamalan nga raw siyang bading bukod pa sa matinis at maliit niyang boses.


But then again, nabuwang ang lahat nang sa bandang huli ng media launch kung saan ipinaririnig na niya ang kanyang kantang NLA, aba’y buong-ningning at tapang na lumabas si Rainier Castillo (minus bouquet of flowers) at niyakap nito si Jojo.


Napaka-dramatic ng eksena, lalo’t naiiyak na si Jojo na gumanti rin ng mahigpit na yakap kay Rainier.


Nasaksihan na namin noong ‘80s ang mga ganitong eksena na pinag-uusapan pa rin pala kahit ngayong 2025 na. Hahahaha!


Kayo na po ang bahalang maghusga kung budol pa ‘yun o ano pa man. Basta for the sake of being fair and honest po, maganda ang boses at nakakakanta nang maayos si Jojo.


Hindi siya ‘yung tipong singer na basta na lang nagko-cover ng mga emosyonal songs at nakakabirit din. Madrama lang talaga siguro ang gustong packaging o marketing sa kanya ng mga nagpapatakbo ng kanyang singing career na epektibo naman.


Maganda ang song na NLA at sakto rin ang mensahe nito sa dream ni Jojo para sa kanyang mga mahal sa buhay.


Congratulations sa epektibo pa ring pakulo ng kaluka-lukahan. Hahaha!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 23, 2025



Melai sa PGT - FB

Photo: Melai sa PGT - FB


Tuwang-tuwa hindi lang ang press at mga online viewers sa mga punchline at banat ni Melai Cantiveros sa ginanap na mediacon kamakailan ng Pilipinas Got Talent Season 7, kundi maging ang mga judges ng talent show na sina Kathryn Bernardo at Eugene Domingo.


Host si Melai ng PGT 7 kasama si Robi Domingo, at talaga namang napapa-LOL (laugh out loud) sa kanya maging sina Kathryn at Uge dahil sa pagiging witty at humorous ng misis ni Jason Francisco.


Kaya nga naisip namin, kung meron sigurong maituturing na babaeng Vice Ganda sa galing magpatawa at pak na pak ang mga hirit na punchline, si Melai na ‘yun!


Kaya naman ang saya-saya talaga ng mediacon ng PGT 7 na nagkaroon pa ng Press Edition at sinalihan ng aming showbiz editor dito sa BULGAR na si Ateng Janice Navida, na in fairness, meron palang good singing voice na sabi nga ng mga judges na sina Mr. Freddie M. Garcia at Eugene Domingo ay… “May ningning ang boses mo!”


Sana pala, Ateng Janiz, ‘yung Bituing Walang Ningning ni Sharon Cuneta ang kinanta mo para lalo kang nagningning, pak!


Tsk, sayang at hindi nakasali si yours truly kasi namaga ang isang tuhod sa kapapraktis ng Billy Jeans dance moves. Pak, ganern! 


‘Di bale, there’s always a next time naman, eh. Devah naman, mga Marites, mga tribu ni Mosang at mga vloggers? 

‘Yun na!



WALASTIK, artista na rin ang premyado at busiest movie director na walang iba kundi si Direk Joel Lamangan.


Yes, Sir! Kasama siya sa Jackstone 5 movie ng Royal Star Media Productions Philippines, Inc. kung saan makakasama niya sa cast sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio at Jim Pebangco. 


At lahat sila ay beki, as in baklitas ang role rito, na ewan lang kung sino sa kanila ang tunay na bading in real life. Pahulaan n’yo na lang kay Madam Damin, pak, ganern!


Ang nasabing pelikula is a heartwarming rip-roaring comedy about friendship and the complicated ties that bind overseas Filipino workers to their families, ayon sa kanilang publicist na si longtime friendship Dennis C. Evangelista.


Sige, hintayin natin ang showing nitey at tingnan natin kung matatabunan ni Direk Joel Lamangan sa aktingan ang kanyang mga artista like Gardo, Eric Quizon, atbp..




LUBOS na tinatangkilik ng mga viewers ang parehas na pinag-uusapan at trending na ABS-CBN Studios produced action-drama serye na Incognito at pelikulang Sosyal Climbers (SC), kaya hawak nila ang magkaparehas na top spot sa listahan ng Netflix Philippines.


Simula nang ipalabas ang Incognito noong Enero 17, labis na tinutukan ng manonood ang kuwento ng Kontraks na sina Jose (Richard Gutierrez), Greg (Ian Veneracion), Miguel (Baron Geisler), Gab (Maris Racal), Tomas (Anthony Jennings), Max (Kaila Estrada), at Andres (Daniel Padilla), kaya naman nangunguna sila sa listahan ng most watched series. 


Naabot din nito ang all-time high viewership nito na may 997,260 peak concurrent viewers noong Pebrero 21.


Kasabay ng tagumpay ng Incognito ay ang pag-angat din sa number one spot ng Top 10 Movies ng Netflix PH ng kauna-unahang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN Studios at Netflix Original sa film na SC. Pinagbibidahan ito nina Maris at Anthony kasama sina Carmi Martin, Ricky Davao, Shanaia Gomez, Cheska Iñigo at Marissa Sanchez.


Sa pamamayagpag ng Incognito at SC, labis na pinuri ng mga netizens sina Maris Racal at Anthony Jennings na parehong tampok sa dalawang palabas dahil sa galing nila sa pag-portray ng kanilang roles at sa kanilang undeniable na chemistry. 




 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 22, 2025



Photo: Mariz Umali at Ramon Tulfo - IG, FB


"Bastos talaga ang bibig niyan. Pare-pareho silang magkakapatid na puro tapang at angas ang ipinagmamalaki," komento naman ng netizen sa tila maaanghang na salita na ibinato ni Mon Tulfo laban kay GMA-7 news reporter Mariz Umali.


Kaugnay pa nga rin ito ng isyung pagtawag umano ng matanda ni Mariz kay Atty. Salvador Medialdea habang nakahiga ito sa isang stretcher bago dalhin sa isang ospital sa The Hague, Netherlands.


Ipinaliwanag na ni Mariz na na-misheard lang siya dahil may kinalaman sa pagbukas at pagpikit ng "mata" ng abogado ang kanyang sinabi at hindi kailanman ang salitang "matanda."


Grabe ang reaksiyon ng mga netizens sa pagtatanggol sa pagkababae at pagkatao ni Mariz na tinukoy pa ng pinaka-panganay among the Tulfo brothers na tatanda at mangungulubot din daw.


"Naku, kung kami kay Mariz, idedemanda namin ang magaspang na bibig ng tao na ‘yan. Ni hindi inaalam ang totoong kuwento bago mambastos ng kapwa, babae pa naman," hirit pa ng netizen.



Wala pa kaming nakuhang sagot sa hinihingi naming reaksiyon ni Sen. Lito Lapid sa isyung "ni-reject" o may "veto" order si PBBM sa panukalang batas na gawing culinary capital ng bansa ang Pampanga.


Naaalala namin sa nakalipas na pakikipag-usap namin sa mag-amang Sen. Lito at Mark Lapid na tuwang-tuwa sila sa pagbabalita na sa ikatlo at final reading sa Senado last December ay inaprubahan na ang Senate Bill 2797.


‘Yun nga ang batas na naglalagay sa Pampanga bilang culinary capital of the Phils. at dahil nasa Tourism Department na lang din si Mark, may kautusan na ritong isama sa lahat ng regional and national promotion programs ang naturang Senate bill.


Abalang-abala sina Sen. Lapid at mga kaalyado sa paglilibot sa buong bansa upang mangampanya at sa maraming pagkakataon nga ay naikukuwento nito ang mga panukalang batas na kanyang naiakda o nagawa.


Lagi pa ring kasama sa Top 12 sa iba't ibang surveys para sa mga senatoriables si Sen Lapid.


Si Coco Martin at mga kasama nila sa Batang Quiapo ay nangakong magpu-full blast ng support kay Supremo pagdating ng grand rally very soon!



BONGGA naman ang naging denim and diamond-themed party ng GMA-7 kaugnay ng kanilang 75th anniversary at pasasalamat sa kanilang mga advertisers.


Ginanap ito last Wednesday (March 19) sa Makati Shangri-la Hotel kung saan present ang mga big bosses and top celebrities ng Kapuso Network.


Mula kay GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon and President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr., present din ang mga top executives gaya nina Executive Vice-President and CFO Felipe S. Yalong, Chief Marketing Officer Lizelle Maralag, Senior Vice-President Atty. Annette Gozon Valdes, Senior Vice-President for Integrated News and Head of Synergy and Regional TV Oliver Victor Amoroso, Senior Vice-President, Corporate Strategic Planning and Business Development and Concurrent Chief Risk Officer and Head of Program Support Regie Bautista.


Rampa naman kung rampa sa kanilang naggagandahan at seksing mga denim outfits at diamonds ang mga Kapuso stars gaya nina Jessica Soho, Dingdong Dantes, Jillian Ward, Michael V., Ai Ai delas Alas, Rhian Ramos, Max Collins, Camille Prats, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia-Khalil Ramos, Ysabel Ortega-Miguel Tanfelix, Bianca Umali-Ruru Madrid, Jennylyn Mercado-Dennis Trillo, Barbie Forteza at Alden Richards, ang P-pop group na Cloud at marami pang iba.


Hinahanap sa okasyon si Marian Rivera dahil solo raw na rumampa si Papa Dingdong.

Marami rin ang naghanap kay David Licauco na ang balita namin ay mayroong kasabay na commitment though humabol daw ito at diumano'y sumundo rin kay Barbie Forteza pauwi?


Wala namang untoward incident na naganap unlike sa mga previous parties na may iskandalo o intrigang nagaganap.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page