top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 25, 2025



Photo: Angeline Quinto - Instagram


Kahit joke ay tila marami ang nakumbinse ni Angeline Quinto na dapat naman pala talaga ay binigyan siya ng komisyon ni Mommy Divine Geronimo.


Sa naging pagbisita ng magaling na singer sa podcast ni Inang Maria Maricel Soriano, naikuwento nga ni Angge na siya pala ang rason kung bakit nakasali si Sarah Geronimo sa Star For a Night (SFAN).


“Schoolmates kami ni Sarah at nagkasama pa kami sa choir. One time, tinanong ako ni Mommy Divine kung paanong sumali sa Star For a Night dahil napanood nga raw n’ya ako ru’n. 


“Ako naman, give ng lahat ng info at ‘yun nga, pinasali si Sarah na eventually ay nakalaban ko pa. At ‘yun nga, tinalo pa ako sa grand finals,” baklang-baklang pagkakakuwento ni Angge.


“Dapat pala, humingi ako ng komisyon,” dagdag pa ni Angge habang nagkomento si Maricel na wala raw palang Sarah kung walang Angeline.


Nakakaaliw talagang magkuwento si Angge at kahit noong 2003 pa ang pinag-uusapang tsika ay nagmumukha itong bago dahil sa kabaklaan niya. Hahahaha!

Again, joke po ‘yung paghingi niya ng komisyon, ha!


Proud na suportado ng BF ang pagrampa…

SUNSHINE, NAG-FLYING KISS KAY ATONG ANG SA FASHION SHOW


NAKAKA-INSPIRE ang pagiging super trooper ni Sunshine Cruz. Aba, meron pala itong pinagdaraanan na karamdaman sa kasalukuyan and yet, sa katatapos na Bench fashion event, isa talaga siya sa mga pinag-usapan.


“Gorgeous, sexy, fresh, and every mother’s pride” ang ilan lang sa mga magagandang description kay Shine ng netizen.


Pero may rebelasyon ngang meron pala itong autoimmune disease na nilalabanan at tinatawag na Myasthenia Gravis.


Ayon sa Google, ang Myasthenia Gravis (MG) is a chronic autoimmune disorder in which antibodies destroy the communication between nerves and muscle, resulting in weakness of the skeletal muscles. 


Myasthenia Gravis affects the voluntary muscles of the body, especially those that control the eyes, mouth, throat and limbs.


Pero sa katatapos nga lang na fashion event, hindi talaga makikita sa pagrampa nito ang sinasabing kondisyon ni Shine. Mas inspired pa nga ito dahil siya lang ang bukod-tanging artist na nakasama ang dalagang anak sa rampahan.


And yes, sobra ring pinag-uusapan ang pagbato niya ng ‘flying kiss’ sa isang tao na nagpapasaya sa kanya sa ngayon na si Papa Atong Ang, na very proud namang pinanood siya. Sa harapan ng stage nakaupo ang kilalang negosyante na siyempre pa ay very supportive kay Shine.


Here’s praying for Shine sa kanyang pinagdaraanan at sa napakagandang halimbawa na ipinakita niya sa mga kababaihan at mga nanay. 

Big cheers, Shine!



BONGGA naman ang mga nangyayari sa career ni Gabbi Garcia sa ngayon.


Kahit na nga gulat na gulat ito sa biglaang pagpasok niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition bilang latest house guest, excited siya sa mga magaganap sa loob ng bahay.


Actually, nasabihan na naman daw si Gabbi na anytime ay puwede siyang sorpresahin ni Kuya na maipasok sa loob ng bahay, ‘yun nga lang, walang definite na time o araw kung kailan.


Until in-introduce na nga siya in a very surprising moment dahil siya pa itong isa sa mga nagbibigay ng ‘clues’ habang ipinapakita ang isang tao na naka-hood na siyempre, inakala ng lahat na siyang bagong house guest.


‘Yun pala, si Robi Domingo ‘yung naka-hood at bigla nitong in-introduce si Gabbi, sabay pakita ng video na siya pala ‘yung house guest. 


Nakakaloka ang mga drama ni Kuya. Hahaha!


Well, big break kay Gabbi ang pagiging host niya bukod sa pagiging aktres. May bago siyang series na mapapanood sa GMA-7, ang SLAY. ‘Yung upcoming movie nila ni Khalil Ramos na How To Cheat Death (HTCD) ay magsisimula na ring mag-stream sa Netflix simula April 2.


Kaya kung tutuusin, naka-spread ang talent, ganda at husay ni Gabbi Garcia sa TV at iba pang platforms and that’s a success!

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 25, 2025



Photo: Paulo at Kim - IG


Nag-aalala ang mga loyal fans ni Kim Chiu dahil nakikita nila ang mga senyales na nahulog na ang loob ng Chinita Princess kay Paulo Avelino. 


Hindi na lang para sa kanilang career ang pagiging malapit ni Kim kay Paulo. Masaya siya kapag magkasama sila ng aktor. Nakikita ng marami na may spark at kinikilig si Kim kapag tinutuksu-tukso sila ni Paulo.


At tsika ng ilang malapit kay Kim, siya na ang nag-a-adjust ngayon kay Paulo. Kapag may pupuntahan sila at nagbabaon ng pagkain si Kim, may nakabukod na food para sa aktor dahil hindi ito kumakain ng meat. 


May pagka-misteryoso rin si Paulo dahil lagi itong tahimik. Si Kim lang ang daldal nang daldal kapag sila ay magkasama. Kaya, maraming babae ang naiintriga sa ugaling ito ni Paulo Avelino. 


Ganunpaman, kahit walang ka-tandem ay kayang-kaya naman ni Kim. Patuloy na nagle-level-up ang kanyang pagiging aktres. 


Sa ginanap na 38th Star Awards for TV, si Kim Chiu ang nanalong Best Drama Actress dahil sa mahusay niyang pagganap sa kanyang role sa seryeng Linlang.



Nabigyan ni Barbie Forteza ang kanyang mga magulang ng pangarap nilang bahay mula sa kanyang kinita sa showbiz.


Noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista ay naipangako ni Barbie sa kanyang sarili na bibigyan niya ng maginhawang buhay ang kanyang mga magulang.


Hindi ininda ni Barbie ang pagod at puyat sa taping at shooting para sa future ng mga mahal niya sa buhay. Kung anuman ang tagumpay na kanyang nakamit ngayon ay ang kanyang pamilya ang nagsisilbing inspirasyon niya.


Sa edad ni Barbie Forteza na 27, hindi niya naisipang bumukod sa kanyang mga magulang at kapatid. Nakasanayan na nila ang magkakasama sa mga mahahalagang okasyon sa kanyang buhay. May feeling of security si Barbie kapag kasama niya ang kanyang pamilya. 


Well, kalilipat pa lang nina Barbie sa ipinatayo nilang bahay noong nakaraang Pasko. Ito bale ang regalo niya sa kanyang mga magulang at walang-wala sa plano niya ang bumukod kahit na sabihin pa na nasa tamang edad na siya upang mamuhay nang solo.


Samantala, dahil sa isa siyang mabait at mapagmahal na anak, patuloy na binibiyayaan ng suwerte si Barbie Forteza. 


Sa paghihiwalay nila ni Jak Roberto ay sunud-sunod naman ang blessings sa kanyang career. Maraming offers na endorsements at may 3 pelikula siyang gagawin. May bago rin siyang seryeng gagawin sa GMA-7. 


At kahit walang love life, todo naman ang pag-angat ng kanyang career.



KINILALA ng PMPC 38th Star Awards for TV ang galing ni Dingdong Dantes (DD) sa pagho-host nang manalo siya bilang Best Game Show Host via Family Feud (FF). Kakaibang style o diskarte sa pagho-host ang ipinamalas ni DD sa FF. Maraming viewers ang natutuwa kay Dingdong dahil napaka-cool at relaxed niyang mag-host ng game show. Kaya, nag-e-enjoy din ang mga contestants sa FF


Wagi rin si DD bilang Best Educational Show Host via Amazing Earth (AE). 


Maraming bagay na nais i-share ni Dingdong sa mga kabataan na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Maging ang magagandang tourist spots ay naipapakita rin sa AE


Bonus na parangal ng Star Awards kay Dingdong ang Special Award niya bilang Male Shining Star of the Night. 


Nagkaedad man si Dingdong Dantes, lutang pa rin ang taglay niyang charisma.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 24, 2025



Photo: Lovi Poe - Instagram


Speaking of Lovi Poe, ito na mismo ang makikita sa mga videos on said fashion event na lumapit at bumati kay Marian Rivera. Marespeto naman itong in-acknowledge ni Marian.


Matatandaang medyo matagal na ring panahon since nagkaroon sila ng ‘rift’ na kailan nga lang din naayos.


Although hindi na sila naging best buddies o co-workers since then, very civil naman ang dalawa sa mga kagayang okasyon.


“Kaming mga mahihilig sa showbiz at nakakapanood ng ganyang bagay ay natutuwa at nasisiyahan din. See, kahit na alam naming nagkabati na sila, still very encouraging pa rin silang makita na nagbabatian. Hindi kagaya ng mga feeling na reyna at hari kuno ng box-office na ewan sa mga dramang nakakasuka,” pag-obserba pa ng netizen.


Sobrang sweet noon, dedmahan na ngayon… 

KATHRYN AT ALDEN, TINAWAG NA MANLOLOKO AT USER


Agad na may nagpadala sa amin ng photos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nag-uusap sa backstage ng Body of Work Fashion Show ng Bench.


Diumano, hindi totoo ang kumakalat na tsika na may isyung magkagalit o may tampuhan ang dalawa dahil sa dedmahan nila on stage sa naturang event.


Pero mas malakas ang boses ng mga sumisigaw na “manloloko at user” ang dalawa dahil sobrang obvious daw talaga ang ginawang hindi nila pagpapansinan sa stage, lalo’t sabay silang rumampa sa ending kasama ang big boss ng Bench.


“Tapos ie-explain kaya nila na kahit isang tao lang ang nakapagitan sa kanila ay ipinakita nila sa madla na parang hindi sila magkakilala? Ganu’n ba ang may mga eme na naging very close pati mga families and common friends nila? Grabe naman sa pagka-showbiz ‘yan. The height of hypocrisy,” sigaw pa ng madlang audience.


Kahit kami na makailang beses ding pinanood ang mga naglabasang videos on said finale ay nagtataka, lalo’t ‘yung mga ibang artists na kasama nila sa stage ay parang mga big brothers and sisters na nagyayakapan, nagbebeso, tinatapik ang mga balikat sa good job na nagawa, nagkakamayan, kumakaway, etc., pero sina Kath at Alden ay ewan. Hmmpp!!!


Mula kina Ben Chan, Richard Gomez-Lucy Torres, Dingdong Dantes-Marian Rivera, ang SB19, David Licauco, Lovi Poe, Joshua Garcia, Jake Cuenca, Atasha Muhlach, Andres Muhlach at iba pang halos abot-kamay ang mga distansiya sa isa’t isa na makukulit sa pagbabatian, sina Kath and Alden again na isang tao lang ang nakapagitan, eh, parang mga walang nakikita? 


No good amount of explaining could justify their actions.



MARAMI rin ang naloka sa naging post ni Shaira Diaz hinggil sa pagpapakita ng puwet ng kanyang partner na si Edgar Allan “EA” Guzman.


Ayon pa sa post ni Shaira, hindi raw siya makapaniwalang ibubuyangyang ng soon-to-be mister ang puwet sa madlang pipol. 


“My goodness, ‘yung puwet ng asawa ko, alam na ng lahat hitsura... susginoo, hindi ko talaga alam… I’m shookt,” sey ni Shaira.


Pero hindi pinalampas ng malilikot ang isip na netizen ang itanong kay Shaira kung totoo raw ba ang tambok ng harapan ni EA dahil sa korte at hugis daw ay halatang-halata namang may padding ito na tissue o ‘yung ginagamit ngayon ng mga lalaki na “p-pad?”


Hindi ito pinatulan ng aktres, lalo’t tila may nang-okray sa kanya na sa tagal na nilang nagsasama as couple, she should know kung paanong sagutin ang mga kagayang tanong.


“‘Yan kasi, gigimik na lang din, hindi pa original,” kantiyaw pa ng netizen.



ANG ilan sa mga grabeng tinilian sa naturang fashion show na nagmistula nga raw ‘tindahan ng mga karne’ ay sina Jameson Blake na napakakinis sa pagpapakita ng isang side ng kanyang puwet, Jake Cuenca na noon pa ma’y mapangahas na, ang mga kontesero ng isang male pageant, si Priscilla Meirelles na wowooow pa rin gaya nina Ina Raymundo at Sunshine Cruz at iba pang mga newbies na hindi namin matandaan ang mga names. Hahahaha!


Pero kung sobrang lakas ng sigawan, hiyawan at palakpakan ang pag-uusapan, walang kakabog o makakapantay man lang sa pagrampa ng SB19. Actually, sila ‘yung masasabing saving grace ng event pagdating sa pagiging wholesome at class.


‘Yun lang!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page