top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 31, 2025



Photo: Jhon Lloyd, Miles at Maja - Instagram


Dahil kapwa wala na sina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo bilang mga artists ni Maja Salvador sa kanilang talent agency, sino na nga raw ba ang naiwan?


Hindi ‘yan nasagot ng mga nakausap ni Maj dahil mas nagpokus nga sila sa latest happening sa aktres na kinabibiliban dahil as of today ay never pa ngang naipapakita sa madla ang hitsura ng anak nila ni Rambo Nuñez.


“Napapatunayan talaga nilang keri nilang magkaroon ng privacy,” sey pa ng mga kausap natin.


But going back to their talent agency or artist house na kanilang itinayo after ng pandemic, existing pa rin daw ito at open pa sa mga artists na nais magpa-handle sa kanila.


May mga tsismis na nakarating sa amin hinggil sa mga rason kung bakit nagbabu na sa kanila sina Lloydie at Miles, pero keep quiet na lang muna kami.


Good friends pa rin naman daw sina Maja, Lloydie at Miles, pero...?

Ay, basta. Hahaha!



MUKHANG maraming netizens ang naniniwala na may ‘something’ nga ang mag-inang Kathryn Bernardo at Mommy Min.


Para raw kasing nauulit ‘yung mga eksenang Sarah Geronimo-Mommy Divine sa showbiz, lalo’t may pahayag na nga itong si Kath na hayaan muna siyang mamuhay mag-isa, magdesisyon sa sariling love life at mas maging independent.


Isa nga raw ‘yun sa birthday wishes ng bagong superstar at box office queen ng showbiz dahil at 29 years old, never pa raw nitong naranasan ang mag-solo, away from her family.


Dahil dito, maraming netizens ang nagsasabing tila mayroon ngang isyu ang mag-ina. Ginawan pa ng item ang pag-unfollow ni Mommy Min sa socmed (social media) account ng napapabalitang boyfriend ni Kath na si Mayor Mark Alcala.


Pati nga ‘yung pagpabor umano nito kay Alden Richards para sa anak ay naging isyu na rin. 


Pero ang pinakanakakaloka ay ‘yung isyu na hindi umano nila nakasamang mag-celebrate ng birthday si Kath this year at tila may kinalaman daw dito ang napapabalitang bagong BF nito?

Luh!



MAG-WAN-PLUS-WAN tayo sa usaping Kathryn Bernardo, Mayor Mark Alcala, Ashley Ortega, atbp..


Ngayong nasa labas na uli ng Pinoy Big Brother (PBB) si Ashley, magbigay kaya ito ng mga detalye sa naging breakup nila ng nauugnay ngayong mayor kay Kathryn?


Payuhan daw kaya nito ang kapwa aktres sa kung ano diumano ang tunay na motibo ng naturang pulitiko na lagi na lang mga celebrity ang nais na maging GF?


Matatandaang tinawag na “Marites” sa loob ng PBB si Ashley, lalo't naka-tandem nito ang sinasabing “toxic” girl na si AC Bonifacio na sobra ring “Marites” sa loob. 


Kung nagkahilahan man daw sila ng mga nega vibes para sila ang iboto ng mga tao para mag-exit na sa PBB, aba’y kasalanan na raw nilang dalawa ang nangyari.


Pero siyempre, may mga tagapagtanggol din sila, lalo na si Ashley na tipong nadamay lang daw sa kanegahan ni AC.


Si AC naman ay ipinagtatanggol din na nagpapakatotoo lang mereseng sa kanyang paglabas ay ni hindi nagpakita ng anino man lang ang napapabalitang BF nitong si Harvey Bautista, na marahil ay napapaisip kung bakit nagawa ng GF na makipaglandian kay Michael Sager sa loob ng bahay? Inferness (in fairness), ipinagtanggol din siya ni Darren Espanto, huh!


Well, sa simpleng math na nakikita natin, tila nagiging mahina ang mga girl celebrities kapag usaping BF ang isyu. And yes, may sarili silang mga kuwento tungkol sa mga ito. Hahaha!


Kaya ang payo ng netizen kay Kathryn, “Dobleng ingat. Beware and be wary.”

Aguy!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 30, 2025



Photo Bong Revilla - FB


Kahit maraming fake news na lumabas laban kay re-electionist Senator Bong Revilla ay hindi naman dapat paniwalaan ng madlang pipol. Katulad na lang ng hindi raw mahal ni Sen. Bong ang mga Muslim.


Ang sagot lang ni Sen. Bong, “Fake news. Alam kasi nila na mahal ako ng mga Muslim.”


Kaya dapat na tigilan na ng mga taong naninira kay Sen. Bong ang mga maling balita dahil nga may kasabihan tayo na, “You cannot put a good man down.”


Samantala, pinatunayan ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) na panalo ito sa puso ng Pinoy matapos magwaging Best Mini Series sa 38th PMPC Star Awards for Television nitong Linggo, Marso 23, sa Dolphy Theater.


Tuwang-tuwa si action star-lawmaker Senator Ramon Bong Revilla, Jr., na gumaganap bilang si TOLOMEEEE! sa panibagong karangalang iginawad sa kanilang serye.


“Grabe! Sobrang nakakataba ng puso! Mula umpisa hanggang dulo, ibinuhos namin ang lahat para mabigyan kayo ng isang palabas na hindi lang puno ng aksiyon at tawanan, kundi aral at lalim din. 


"Nagpapasalamat kami sa PMPC sa pagkilalang ito, sa aming production team, at higit sa lahat, sa mga manonood na walang sawang sumuporta,” pahayag ng mambabatas.


Kahit tapos na ang Season 3 ng show, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nito. Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang timpla ng aksiyon, tawanan, at kurot sa puso.


Kasama ni Senador Bong sa tagumpay na ito sina Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, at iba pang mahuhusay na artista.


Usap-usapan ngayon kung magkakaroon ba ng Season 4 ang WMNPSMNM. Hindi pa ito kinukumpirma ni Senador Bong, pero marami na ang nag-aabang – babalik kaya si Tolome sa telebisyon?

Abangan!


Kailan lang ay nag-post sa social media si Ogie Alcasid na nakaranas siya ng pangungulila sa kanyang alagang aso. Pumanaw ang kanilang alagang aso na si Paul, na itinuturing na bahagi ng kanilang pamilya.


Sa isang emosyonal na post sa Instagram (IG), ibinahagi ni Ogie ang larawan ni Paul at ang kanyang masakit na mensahe.


Aniya, “Our hearts are broken. Go roam free in dog heaven, dear Paul. We love you.”

Matagal na panahon ding naging kasama ng pamilya si Paul.


“Hindi lang aso si Paul. Isa s’yang kaibigan, kasama, at bahagi ng bawat pag-uwi namin. Sa mga taong may alaga, alam n’yo ang sakit ng ganitong klaseng pagkawala. Mahal na mahal ka namin, Paul,” saad pa ni Ogie.


Dumagsa rin ang mga pakikiramay mula sa mga kilalang personalidad tulad nina Ryan Agoncillo, Janno Gibbs, Eugene Domingo, Sofronio Vasquez at ang kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren. 


Sey ni Michelle sa post ni Ogie ay “I am so so sorry Ogie, Paul was a beautiful boy,” at sinagot naman ni Ogie ng “Ty (Thank you), Shelley. He was.”


Ang mga kaibigan at fans ay nagpadala ng mga mensahe ng simpatya at pagmamahal sa isang komento sa post, tanda ng suportang natanggap nina Ogie at Regine sa oras ng kanilang pagdadalamhati.


“Ogie, kami din po ay nakikiramay sa pagpanaw ng inyong alagang aso. Totoo ang kasabihan, ‘Dog is a man's best friend.’”

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 28, 2025



Photo Mark Herras - IG


Bihirang mag-video post si Superstar Nora Aunor sa socmed (social media), pero just recently ay may video post ito regarding the controversial singer Jojo Mendrez. 


“Excited akong makasama ka, Jojo, sa music video sa latest single mo under Star Music na Nandito Lang Ako,” naka-smile niyang sabi with matching happy face sa alok ni Jojo Mendrez para siguro matigil na ang mga intrigang tsismis tungkol kina Jojo at Mark Herras.


At siguradong susuportahan naman ito ng mga Noranians all over the world, devah naman, mga Marites at mga tribu ni Mosang?


“Close chapter,” na agad ang bungad ng mga managers ni Jojo na sina David at Vince ng Aqueous Entertainment, dahil ayaw na raw nilang magkaroon ng kaugnayan kay Mark Herras at ito ang kanilang ipinaliwanag sa Q&A portion during the emergency mediacon just recently na ipinatawag ni katotong Morly Alinio.


Sa dami ng naging kontrobersiya ni Mark Herras, may panibago na naman siyang isyu regarding sa pera na diumano ay inutang niya kay Jojo Mendrez.


Ayon kay David, malaking halaga diumano ang nakuha ni Mark kay Jojo bilang utang na more or less ay nasa P1 milyon mula sa pakiusap ng aktor dahil sa pangangailangan nito.


Posible raw na kausapin nila ang isang abogado para sa utang ni Mark.

Isa pa sa mga disappointments ni Jojo ay nang umalis si Mark at hindi na bumalik para mag-present ng award sa Star Awards for TV nitong weekend, gayung bayad ito in advance.


Buti na lang, sinalo ito ni Rainier Castillo na siyang humalili kay Mark.

Isa sa mga nagbigay ng rason para dumistansiya si Jojo ay ang isang pagbabanta umano ni Mark, ayon pa kay David. 


Posibleng ang pagiging magkaibigan nina Jojo at Rainier ang dahilan ng selos kung ito nga ang totoong naramdaman ni Mark kay Rainier. Nalaman daw kasi ni Mark na binigyan ng cellphone ng singer ang kapwa StarStruck star.


Sa tanong kay Jojo kung hahabulin ba niya si Mark sa mga nakuha nito sa kanya, kailangang mag-usap muna raw sila ng aktor bago siya magdesisyon.


Si Jojo ang tinaguriang “King of Revival” na siyang umawit ng Somewhere in My Past na unang pinasikat ng yumaong ‘70s teen star na si Julie Vega.


Ito ang unang collab nina Jojo at Mark kung saan merong honorarium fee na natanggap ang huli.


At ngayon ay original song naman na komposisyon ni Jonathan Manalo na pinamagatang Nandito Lang Ako (NLA) ang kanyang latest single.

Harinawa ay magpapreskon din si Mark Herras para linawin ang mga kontrobersiyal na isyu sa kanya. Pak, ganern!


Napakinggan din ni yours truly ang kantang NLA ni Jojo Mendrez at tipong hindi nagpahuli sa kanta ni Ogie Alcasid titled Nandito Ako, pero sabi ni Jojo, ang sa kanya ay may additional word na ‘LANG’. ‘Yun na!  


At for sure ay magwawagi rin ito sa mga music awards sooner than soon, wanna bet, ha, Log?


Samantala, napabilib kami sa mga managers ni Jojo na sina David at Vince na talagang suportado nila ang singer sa lahat ng laban nito.



PANGUNGUNAHAN ni Gerald Anderson ang bagong crime thriller mystery drama ng ABS-CBN Studios na pinamagatang Sins of the Father.


Makakasama niya rito sina Jessy Mendiola, JC De Vera, Shaina Magdayao, Joko Diaz, RK Bagatsing, Seth Fedelin, Francine Diaz, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, LA Santos at Tirso Cruz III.


Naganap noong Martes (Marso 25) ang story conference ng bagong teleserye na sasailalim sa direksiyon nina FM Reyes, na nasa likod ng Ang Sa Iyo Ay Akin at Linlang, at Bjoy Balagtas, na isa naman sa mga direktor ng Nag-Aapoy Na Damdamin.


Ang JRB Creative Production ang magpo-produce ng programa sa ilalim ng business unit head nito na si Julie Anne R. Benitez at creative manager na si Dindo Perez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page