top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 6, 2025



Photo: Kyle Echarri, Andrea Brillantes at Daniel Padilla - Instagram, Karla Estrada IG



Lumabas din sa tsismis na baka raw may kinalaman kay Andrea Brillantes ang naging aksiyon ni Kyle nang lapitan nito si Daniel.


Matatandaang nagkaroon ng isyu noon kina Daniel at Andrea at dahil mag-best friends sina Kyle at Andrea, baka nga may kung anong nalaman si Kyle.


“Baka nga nakainom na dahil party naman talaga ‘yun. Kumbaga, nagpalakas ng loob para harapin si Daniel na nananahimik,” sey pa ng aming kausap.


“So, totoo na nilapitan nga’t may kung ano’ng sinabi si Kyle kay Daniel?” pangungulit naming tanong sa aming kausap.


“We can only speculate, pero yes, marami ang nakakita na nilapitan ni Kyle si Daniel,” sagot ng aming source. 


At nangyari na nga ang mga napabalitang naganap.


Hmmm… nagsanga-sanga pa nga ang kuwento dahil batay naman sa mga photos na nagkalat sa socmed (social media), sinundo raw ni Papa Piolo Pascual sina Kyle at Juan Karlos nang makarating kay Papa P ang balita. 


Then, sabay-sabay na silang um-exit ng venue kasabay pa sina Donny Pangilinan, Belle Mariano atbp..


Wala pang anumang opisyal na pahayag ang ABS-CBN Ball 2025 organizers/executives hinggil sa pangyayari.


Basta ang malinaw, laging may nagaganap na kakaibang insidente sa mga ganyang okasyon — mapa-ABS-CBN o GMA-7 man ‘yan. Hay!


Kyle, sinulsulan laban kay Daniel…

JK, NASAPOK DAW NI RICHARD SA ABS-CBN BALL


Kung totoo man daw na ‘nasapok’ ni Richard Gutierrez si Juan Karlos, ‘deserve’ raw ‘yun ng huli.


Ayon kasi sa kuwentong nakarating sa amin, si JK umano ang tila nakita ni Chard na nag-instigate ng kung ano kay Kyle Echarri laban kay Daniel Padilla.


Sa nakaraang ABS-CBN Ball 2025 nga ito nangyari nu’ng habang nananahimik daw si Daniel ay bigla itong nilapitan ni Kyle.


At ayon sa mga observers including Chard na kasama ni Daniel, medyo iba raw ang facial expression ni Kyle habang may kung ano’ng ‘itinatanong, sinasabi o kinokompronta’ kay Daniel.


Ang siste, nakita raw ni Chard na ang kaibigan ni Kyle na si JK ay tila may iminumuwestrang sa pagkakabasa nga raw ni Chard ay naghahamon ng ‘gulo’.


Pero bago pa man mauwi sa mas ibang aksiyon ang ganap, may mga kinauukulan nang namagitan.


“Pero nagulat na lang kami nu’ng may magsabi sa aming nasapok nga ni Chard si Juan Karlos,” sey ng aming napagtanungan na nu’ng mga time na ‘yun ay paakyat na raw sa Sky Bar ng Solaire North.


Kung may iba pa mang detalye ang kuwentong ito, ‘yun ang masarap na malaman.


Pero ang paglilinaw ng aming source, walang kinalaman at all si Kathryn Bernardo sa usapin at mas lalo raw na hindi totoo ang tsismis na  

pinagselosan ni Daniel ang umano’y naging kilos ni Kyle kay Kath.


‘Yun na!


Theater owners, naglabas ng ebidensiya ng totoong kita… BALITANG NAKA-P100 M NA ANG MOVIE NG KIMPAU, BIGLA RAW BINURA NG STAR CINEMA


AY, gaano naman ka-true na bigla raw binura at pinalitan ng Star Cinema Ad and Promo Dept. ang ibinalita nilang naging gross ng movie nina Kim Chiu at Paulo Avelino?


Last week daw kasi ay may tsikang pumalo na sa P100 million ang gross ng My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) movie ng KimPau, pero nang may naglabasan daw na resibo (na hindi rin namin nakita, hahaha!) mula sa mga theater owners/distributors, eh, hindi naman daw pala umabot sa naturang figure.


“Kumita ang mga block screenings na umabot ng halos 300 here and abroad, pero ‘yung gross, hindi ganu’n,” sey sa socmed (social media) ng mga nagsasabing hindi ito naging top grosser.


Hmmm.... the fact na naipakita ng KimPau supporters through hundreds of block screenings ang kanilang suporta, winner na ‘yun.


Si Alden Richards nga, nag-sponsor pa ng block screening to support, eh, tayo pa ba ang hindi susuporta?


Palabas pa ang movie sa mga sinehan, kaya habol na!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 7, 2025



Photo: Jojo Mendrez at Mark Herras - FB The Real Jojo Mendrez


Pagkatapos mag-file ng blotter report sa Police Station 10 sa Kamuning, Quezon City, pormal nang nagsampa ng reklamo ang businessman/singer na si Jojo Mendrez laban sa aktor na si Mark Herras sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Biyernes, Abril 4.


Ito'y kaugnay nga ng unang ibinulgar ng tinaguriang Revival King na pinagbantaan siya ni Mark na susunugin ang kanyang bahay kapag nawala ito sa team niya.


Ito ang mga nasabi ni Jojo Mendrez pagkatapos magsampa ng reklamo, “Ako ‘yung victim, eh. Ako talaga ang nasira totally. Hindi ko maipaliwanag sa lahat kung ano ang totoong sitwasyon. 


“Mahirap kasi ‘yung nag-a-accuse tayo na hindi alam ng tao ang katotohanan. Sa korte lalabas ang katotohanan.”


Ito naman ang pahayag ng abogado niyang si Atty. Chiqui Advincula, “Hindi pa ako comfortable as of this time. Ipinagpapasa-Diyos na namin sa prosecutor’s office ang imbestigasyon at sana ay magsagawa sila ng nararapat na proseso sa kaso.”  


Simula noon, ayon kay Jojo, nahirapan na siyang matulog dahil sa banta ni Mark Herras at hindi na siya makadalo sa mga events at konsiyertong imbitado siya. Pati ang mga negatibong komento sa social media ay dagdag na pasanin para sa kanya.  


“Ang dami kong pinagdaanan, ang hirap ng pinagdaanan ko, bugbog-sarado ako sa social media, ang daming mga salita na hindi ma-accept sa sarili ko. Kasi hindi naman ako sanay sa ganito. Ordinaryong tao lang ako. Sana through this court, lumabas ang justice at malaman ng tao ang katotohanan,” hinaing niya.


Samantala, sa social media post, pinabulaanan ni Mark Herras ang mga akusasyon laban sa kanya ni Jojo Mendrez.



DUMATING sa Manila ang Kapamilya actress-host na si Anne Curtis at ang kanyang pamilya mula sa It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) upang dumalo sa ABS-CBN Ball 2025 noong Biyernes at babalik din sila agad sa kanilang shooting location sa Sabado.  


Ayon kay Anne, mahalaga sa kanya na hindi makaligtaan ang ball ngayong taon.  

“Aside from the glitz and glam there’s a bigger purpose behind this ball right? So I really want to be part of it. There's so much meaning and of course there's so much more behind it than just being beautiful and glamorous,” pahayag ni Anne Curtis, na suot ang isang Nicole + Felicia creation.  


“I want to be part of it to support the Kapamilya and ABS-CBN Foundation,” dagdag pa ni Anne.  


Noong nakaraang taon, ini-announce na si Anne Curtis, kasama sina Joshua Garcia at Carlo Aquino, ang magiging bida sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na IOTNBO.


Sa serye, gaganap si Anne bilang si Emilia ‘Mia’ Hernandez, habang si Joshua naman ay gaganap bilang Patrick ‘Patpat’ Gonzales. Si Aquino naman ay magiging si Matthew ‘Matmat’ Gonzales, kapatid ni Patpat.  


Ang seryeng ito ang pagbabalik-teleserye ni Anne. Huling napanood si Anne sa Dyesebel noong 2014. Noong 2016, nagkaroon din siya ng appearance sa FPJ’s Ang Probinsyano (BQ).


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 6, 2025



Photo: Atong Ang at Sunshine - Circulated


Sa isang Facebook (FB) account ay nabasa namin na magkasamang dumating ang magdyowang Sunshine Cruz at Atong Ang sa isang sabungan at inihatid sila ng helicopter.  


Pagbaba nga ng chopper, sinalubong sila ng kanilang mga supporters sabay inalalayan papaloob ng sabungan.  


Pero mas maraming netizens ang pumalag kasi tipong ang yabang daw ng arrival nina Sunshine at Atong, gayung ang daming naghihirap na Pinoy na apektado ng nagdaang COVID-19 pandemic.  


Gayunpaman, meron din namang mga dumepensa sa magdyowa kasi siguro raw ay hindi naman intention ng dalawa ang mang-inggit ng kapwa nila dahil iyon na ang kanilang lifestyle.  


Oo nga naman. To each their own, ‘ika nga. 

Boom! ‘Yun na!  



ANG Kapamilya love team-partners na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay magkasamang pumunta sa ABS-CBN Ball 2025 nu’ng Friday sa Solaire Resort North.


Natanong sila kung ano ang pakiramdam sa pagpunta sa naturang event.


“Masaya siyempre. It’s a different feeling na nandito kami celebrating with our Kapamilya sa industry and siyempre with Pau,” sabi ni Kim Chiu na host din ng It’s Showtime (IS).


“Same sa tagline ng ABS-CBN - In the Service of the Filipino people. So we do our service by entertaining people and bringing smiles into people's homes. So maraming-maraming salamat po, mga Kapamilya,” ang nasabi naman ni Paulo Avelino.


Sina Paulo at Kim ang mga bida sa pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) na palabas pa rin sa mga sinehan.


“First we want to say thank you sa mga nanood not only here in the Philippines but also across the world. Nakikita namin sa mga social media namin. So we are happy and thankful for that overwhelming support. Sa mga hindi pa nakakapanood, panoorin n’yo. Nasa sinehan pa po s’ya,” saad ni Kim.


“Now on our second week,”  dagdag pa ni Paulo.


The 2025 ABS-CBN Ball, dubbed as Brighter Together (BT), celebrates the artists, employees, and industry partners who continue to shape ABS-CBN’s journey as a global storytelling company. 


It also champions greater cause as a portion of the proceeds will help support ABS-CBN Foundation’s advocacies.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page