top of page
Search

ni Lucille Galon @Special Article | September 8, 2025



Julia Barretto - IG

Photo: Julia Barretto - IG


Diretsahang sinabi ng aktres na si Julia Barretto na dapat ay matutong magtrabaho ang mga tinatawag na “nepo babies” na madalas na bina-bash online dahil sa pagpo-flaunt ng kanilang bonggang lifestyle.


Aminado si Julia na galing siya sa isang prominenteng showbiz family, pero giit niya, sariling sikap ang puhunan niya sa mga narating niya ngayon.


“Anak lang ako ni Marjorie Barretto. But I worked hard for what I have. Period. And I suggest you do the same,” pasaring ni Julia.


Bukod sa sunud-sunod na acting projects, busy din siya sa kanyang bagong negosyo—ang sariling beauty line na tinawag niyang Bee Bee. Ipinakilala niya rito ang 4 na tinted lip conditioners na inspired mismo ng kanyang mga kapatid, guided by the philosophy na ‘Less But Better’.


Aniya, “I wanted it to be easy, to be simple, and really want to give credit to my sisters. They really love lip balms. I became knowledgeable because of them. I learned of the shades and tints because of my sisters.”


Samantala, sa dami ng ganap niya sa buhay, tulog na lang daw ang tunay na luxury para kay Julia.


“Tulog talaga. Thankfully the past months I’ve been getting 7-8 hours of sleep. I really make it a point,” pagbabahagi niya.


Kaya sa mga nepo babies d’yan, work, work, work din at huwag umasa sa pera ng taumbayan! 


In fairness kay Julia Barretto, todo-kayod. Ay, wait lang, kumusta naman kaya sila ni Gerald Anderson? Sila pa rin kaya?

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 7, 2025



Esnyr - FB

Photo: Esnyr - FB


Nakakaaliw naman ang ibinahagi sa social media ng content creator at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo.

Nag-post si Esnyr ng larawan na nagpapakita ng cake para sa advanced birthday celebration ng co-housemate na si Klarisse De Guzman.


Noong Setyembre 6 ay nagdiwang ng ika-34 na kaarawan si Klarisse. Nagkaroon ng group chat kasama si Esnyr para pagplanuhan ang surprise party para kay Klarisse at naging successful naman ito.


‘Yun nga lang, pagdating sa cake ay mali ang spelling ng pangalan ni Esnyr. Kaya naman, ang naging caption sa post niya: “Sino si Ecnyr?!”


Comment ng isang netizen, “‘Yung ikaw na nga nag-ambag sa cake pero mali spelling.”

Dagdag na biro pa ni Esnyr sa post niya, “HBD (happy birthday), MOWM! Pa-refund na lang din ng surprise namin, add ka namin sa GC para sa breakdown ng gastos (party face emoji).”

Sey naman ng isang netizen sa comment section, “Surprise pero ikaw na may birthday din ang magbabayad later.”


Bongga ang tawa ng mga netizens sa post ni Esnyr.

Happy birthday, Klarisse de Guzman!



“OUR greatest love and biggest heartbreak,” ito ang naging pahayag ng aktres na si Kim Domingo nang pumanaw ang kanyang alagang aso na si Koleen.


Hindi maitago ni Kim ang matinding kalungkutan matapos pumanaw ang sampung taong gulang na pinakamamahal niyang aso na itinuring na niyang anak.


Nagbahagi si Kim sa kanyang Facebook (FB) page ng larawan ng kanyang fur baby habang tinititigan ito, kalakip ang emosyonal na mensahe.

Aniya, “Anak, salamat sa isang dekada. Kung puwede lang maulit, balik ka na lang sa three-month-old. Kulang ang sampung taon pero alam ko lahat ay darating d’yan.”

Ayon kay Kim, naramdaman na niya na tila nagpapaalam na si Koleen bago pa ito pumanaw.


Aniya, “‘Yung mga mata mo, tila ba nagsasabi sa ‘kin na, ‘Mommy, gusto ko na magpahinga. Sorry, hindi na ako makatayo, ni hindi ko na mawagwag buntot ko kahit excited akong makita ka.’”

Alam ni Kim na wala na rin siyang magagawa kaya tinanggap na lang niya ang nangyari sa pinakamamahal niyang alagang aso.


Aniya, “No more pain na, anak. Takbo ka d’yan, ha, at kain ka ng maraming tissue. Sobrang sakit anak pero ito ang realidad. Till we meet again. Run free. Mahal na mahal kita, Koleen (red heart emojis).”


Nakikiramay kami sa ‘yo, Kim, sa pagpanaw ng iyong fur baby na si Koleen. Minsan isang panahon, naranasan din ni yours truly ang mawalan ng alagang aso na itinuring ko na ring kapamilya. Ang pangalan ng aso namin ay si Tweetams.

Nakakalungkot naman. Kantahin na nga lang natin ang kanta ni Barbra Streisand na With One More Look at You.

Run free, Koleen! 

‘Yun lang, and I thank you.



IBA’T IBANG yugto ng pag-ibig ang ibinahagi ng nagbabalik na singer na si Kanishia Santos sa kanyang unang full-length album na IKYK.

“It talks about the ups, down, and the new chapter of being in love,” saad ng StarPop artist sa isang livestream.


Base sa katagang “If you know, you know” ang titulo ng album, at naglalaman ang bagong handog ni Kanishia ng walong awitin na Paraiso, IKYK, Aaminin Ko Na, Halata, Pilit, Like I Do, Daybreak, at Sige Lang.


Isinulat ito nina Trisha Denise, Dennis Campañer, Angelica Tagadtad, at Hazel Faith D. Santos habang nagsilbing composer at executive producer ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.


Ang Paraiso, Halata, at Sige Lang ang nagsisilbing key tracks ng album. Tungkol ang Paraiso sa pag-ibig na mala-paraiso ang dalang saya habang namumuong pagtingin naman ang kuwentong hatid ng Halata. 


Samantala, paniniwala sa bagong simula ang mensaheng nakapaloob sa Sige Lang.

Si Kanishia ay kapatid ng Sins of the Father (SOTF) star na si L.A. Santos. Pinasok niya ang music scene nang ilunsad niya ang debut single na A Little Taste of Danger noong 2020. 


Kasunod nito, inilabas niya ang first extended play (EP) na Born to Cry at ipinerform ito sa 2022 Awit Awards.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Septeber 5, 2025



Lani Misalucha sa The Clash - Instagram

Photo: Lani Misalucha sa The Clash - Instagram


Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng singer na mas kilala bilang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang kanyang 40th anniversary in the music industry sa pamamagitan ng major concert na Still Lani (SL).


Matatandaan na noong 2020 ay may matinding pagsubok na pinagdaanan si Lani at ang kanyang asawa nang sabay silang ma-diagnose na may bacterial meningitis kung saan naapektuhan ang pandinig ni Lani sa isang tenga.


Ang SL concert ay ang una niyang malaking show matapos tamaan ng sakit.

Well, pinuri ng King of Talk na si Boy Abunda ang icon singer na si Lani nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan.


Kinumusta ni Boy si Lani sa naging experience nito sa kanyang SL concert.

Tanong ni Boy, “Kung meron kang isang bagay na hindi malilimutan sa gabing ‘yun, ano ‘yun?”


Ani Lani, “Seeing the audience, ‘yung mga taong nagpunta para manood. Seeing all of them beaming, having a great time, ‘yun na ang pinaka-fulfillment na makikita mo, na masaya sila. Na pag-uwi nila, masaya pa rin sila. They would carry with them ‘yung experience na nasiyahan sila, nag-enjoy sila, umiyak sila, tumawa sila at sumayaw.”


Naitanong din ni Boy kung may pangamba ba si Lani bago nagsimula ang concert.

Kuwento ni Lani, “May malaking pangamba. Alam mo, hindi ko akalain na ito na. Parang it was August 21, August 20 pa lang nagsi-sink in na, ‘Oh, my God, bukas na ‘yung concert.’ Sa sobrang nerbiyos ko, hindi ako nakatulog. Alam mo ‘yung feeling na gusto mong umatras? Kasi hindi ko alam kung kakayanin ko.”


Kuwento naman ni Boy, “Sometime ago, years ago to be exact, we had a conversation. Sabi mo sa akin, we were talking about the anxieties, the health challenge. Sabi mo, ‘Bakit pa ako kakanta?’ Did you get the answers?”


Sagot ni Lani na tipong napaisip nang husto, “Somehow, yes. ‘Pag binigyan ka ng isang instrumento, ‘pag hindi mo ipinagpatuloy na gamitin, para lang s’yang mababalewala. Mangangalawang s’ya.”


Tanong ni Boy, “Lani, in your 40 years of journey, inakala mo ba even just a fleeting moment na sisikat ka nang ganito?”


Sey ni Lani, “Hindi ko talaga na-imagine na mararating ko ito. Hindi ko akalain na magiging ganito. Because you know, hindi ako mapaghangad. I just thought that I was just going to be a homemaker.”


Sa nasabing show ay nilinaw din ni Lani na hindi sila nagkaroon ng away ng singer na si Regine Velasquez, kahit noon pa na madalas silang pagkumparahin dahil pareho silang reyna sa biritan. 


Paglilinaw ni Lani, hindi siya nagpapaapekto sa mga ganitong isyu.

“Sa totoo lang, kunwari, may mga write-ups noon, I just ignore it,” ani Lani.

Para kay yours truly, competition is a good thing. It forces us to do our best. Pak, ganern!



Kahit saang lugar ay hindi nakakalimutan ng aktor na si Edgar Allan “EA” Guzman ang magpasalamat sa Panginoon dahil sa magandang biyayang nakamit nila ng asawang si Shaira Diaz.


Nag-share si EA sa kanyang Facebook (FB) page ng larawan na nagpapakita ng magandang view at may caption na: “View from our balcony (in love emoji). Grabe ang ganda (raised hands emoji).


“Share ko lang, guys, habang nakatambay ako rito, ang nasabi ko lang, LORD, maraming salamat sa lahat. Sa magandang career, sa masaya at healthy na pamilya, sa maayos na buhay at sa mapagmahal kong asawa. 


“Ikaw ang may gawa ng lahat ng ‘to. Hindi ko lahat magagawa kundi dahil sa biyaya at talento na ibinigay mo sa akin. I will be forever grateful to you (praying emoji).


“Kung hindi n’yo naitatanong, nagsumikap ako nang maigi para maabot (ang) mga pangarap ko sa buhay. Nagsimula rin ako sa wala. Pero nagtiyaga ako para gumanda at maging maayos ang trabaho, especially ang career ko. Maraming pagsubok pero kinaya ko. Hindi ako sumuko, mas lalo kong ginalingan.


“Kaya ikaw na nagbabasa nito, kaya mo rin! Magtiwala ka lang sa Kanya, in time, magugulat ka na lang na nasa iyo na lahat ng pinangarap at ipinagdasal mo.” 


Very well said, EA. Mga bagets, aral-aral din ‘pag may time at huwag kalimutang magdasal para umasenso. 


Boom na boom ka d’yan, EA. I’m happy for you!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page