top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 1, 2025



TALKIES - IBINULGAR NI RUDY BALDWIN_ MAY PBB HOUSEMATE NA MAMAMATAY_FB Rudy Baldwin

Photo: File / Vico Sotto



May pa-trick-or-treat sa Pasig City Hall ang astig pero cool na si Mayor Vico Sotto.

Sa social media post ng anak ni Bossing Vic Sotto, nagbahagi siya ng larawan niya kasama ang batang nakasuot ng costume ni Russell, ang batang boy scout sa pelikulang Up, habang si Mayor Vico naman ay nakasuot ng uniform ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP).


Sey ni Mayor Vico sa post niya, “Trick-or-treat sa City Hall kaya nagbihis akong PLP (Pamantasan Lungsod ng Pasig) student. Kaso may nanghingi ng deposit slip, akala pala, staff ako ng Landbank.”Maraming netizens ang pinusuan ang post ni Mayor Vico at nagpahayag pa ng kanilang saloobin.

Tanong ng netizen, “Wala kang pa-fonts today, Mayor?”


Sagot ni Mayor Vico, “Male-late na kasi ako (laughing emoji).”

Hirit naman ng isa pang netizen, “Anak nga s’ya ni Bossing Vic! Clean fun comedy.”

In fairness, Mayor Vico, hindi ka lang magaling na alkalde, magaling ka ring komedyante, sa true lang!



“I love you with all my heart, my son, my baby boy,” ito ang pahayag ng mahusay na aktres na si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram (IG) account kamakailan nang magdiwang ng ika-16 na kaarawan ang pinakamamahal at nag-iisang anak na lalaki na si Miguel Samuel Pangilinan.


Sey ng Megastar, “My Dearest Gugie, It is still unbelievable to Mama and Dad that you are now 16 (!!!). Weren’t you just three years old yesterday?


“Thank you for all the joy and love you have given us since the day God gave us you. Thank you for giving us zero major headaches, for your kind, generous, and loving heart, for always putting our family first since you were very little—and you have become only more devoted and loyal and loving!


“You truly are God’s gift to us. Dada and I and your sisters adore you for all that you are, add to that the fact that you have made our family so much more complete.

“I love you with all my heart, my son, my baby boy, ‘Eee papap!’ ‘Is loading!’ ‘I already!’ ‘Mama please scratch my back…’ and our all-else-baby boy.


“May you continue to be pleasing to God our Father, to continue learning about Jesus, and continue being our pride and joy in all the years to come. Thank you for being my son. Yours forever, your loving Mama.”


Super sweet talaga ang Megastar kahit kanino, lalo na sa lahat ng mga anak niya.

Samantala, sa IG post naman ng kapatid ni Miguel na si Frankie Pangilinan, nagpahatid din ito ng pagbati para sa kaarawan ng little brother niyang si Miguel.


Sey ni Frankie, “Bok, I don’t remember precisely the last time I had to flick my eyes downwards instead of up to get a good look at you, but I swear it was only yesterday that your back fit snugly against my hand, the whole writhing-then-not thing, and you could be carried. Just a moment ago you were asking for one more round of ‘tuwing lili’ and I’d get up to do it, even half asleep and small myself. I was only afraid of holding you once and that was the first time, and thank God I was fearless thereafter your hands are now bigger than

mine.


“Happy birthday, Googmeister. I hope 16 does make you keener on being sweet, again, and if not, it’s fine lol I’ll still buy you potato corner (just forgive the eye-rolls and know that the reluctance is kinda fake anyway).


“I hope this year, at least, you can flip through this photo set to turn back time and get annoyed at me a little and finally understand how ditsé’s lullaby goes, ‘Taglayin mo ang dalanging taimtim sa aking dibdib, na tuwing lilisan ang araw, awit ang maghahatid.’”

Ohhh, ang sweet sister naman ni Kakie!

Happy birthday, Miguel! Enjoy your special day!



NAGKAMIT ng 14 parangal ang ABS-CBN para sa mga namumukod-tangi nitong programa at personalidad sa ika-9 na RAWR Awards ng LionhearTV.


Ang A Very Good Girl (AVGG) ng ABS-CBN Films ay kinilalang Movie of the Year, habang ang bida nitong si box-office queen Kathryn Bernardo ay tinanggap ang Favorite Bida na parangal.


Ang mystery-drama na Dirty Linen (DL) ay itinanghal na Bet na Bet na Teleserye, habang ang iWant original mystery-thriller series na Fractured ay pinangalanang Digital Series of the Year.


Wagi rin si Kim Chiu bilang Actress of the Year para sa kanyang kahanga-hangang pagganap bilang Juliana Lualhati sa Linlang. Samantala, pinangalanan si McCoy de Leon bilang Favorite Kontrabida para sa kanyang husay bilang David Dimaguiba sa primetime series na FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Naiuwi naman ni Unkabogable Vice Ganda ang Favorite TV Host para sa Everybody, Sing! (ES!) at ang LGBTQIA+ Influencer of the Year na mga parangal.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 26, 2025



TALKIES - IBINULGAR NI RUDY BALDWIN_ MAY PBB HOUSEMATE NA MAMAMATAY_FB Rudy Baldwin

Photo: FB Rudy Baldwin



Ang kontrobersiyal na manghuhula na si Rudy Baldwin ay nagbahagi muli ng bagong showbiz vision sa kanyang Facebook (FB) page.


Si Baldwin ay nakilala online sa kanyang mga social media posts na naglalahad ng mga vision o panghuhula sa mga diumano ay pangyayaring magaganap sa hinaharap.


Kuwento ni Rudy sa post niya, “October 23, 2025 #ShowbizVision.

“Ulitin ko po sa lahat na kung ano man ang ipinakita ng Diyos sa akin ay hanggang doon lamang ang aking masasabi. Dahil Siya pa rin ang may alam sa lahat. Hindi rin po ako propeta, ako ay tao lamang. Kung ano man ang mensaheng ipinadala sa akin, hanggang doon lamang ang aking masasabi.


“Hindi man Siya bumaba sa lupa upang tayo ay balaan, gumamit Siya ng mga taong tulad ko upang maiparating ang mga babala para sa atin.


“May apat itong taga-showbiz na nakita ko na magpapaalam na sa mundo ng showbiz at ang dalawa rito ay mga legend na sa industriya. Itong dalawa ay aktibo pa at lumalabas pa rin sa telebisyon.


“Ang isang taga-showbiz ay matagal na rin sa paggawa ng pelikula ngunit bata pa ito. Kilala ito at sikat na sikat pa rin, at may karelasyong pulitiko na may negosyo. Aksidente ang ikakasawi nito.


“May kilalang artista na nasawi ang kanyang ina dahil na rin sa karamdaman at stress. Lahat tayo ay iisa ang patutunguhan, sikat ka man o hindi.


“Maging maingat ang isa pang artista, ito ay isang ‘Big Brother housemate’. Maging maingat lamang ang lahat. Nasa inyo kung ito ay paniwalaan ninyo — ang mahalaga ay maging maingat at huwag kalimutang manalangin palagi.”


Well, sino kaya ang mga ito?



“Walang taong perpekto, lahat ay nagkakamali,” ito ang sinabi ng isang netizen sa post ng guwapong aktor na si Dingdong Dantes.


Kamakailan lang ay humingi ng paumanhin ang loving husband ni the beautiful Marian Rivera sa kanyang social media post dahil nagkamali raw sila sa pagbati sa ating mga kababayang Tausug. Mali ang salitang ginamit.


Saad ni Dingdong, “Noong Monday sa Family Feud, nagkamali po kami sa ginamit na pangungusap sa pagbati sa ating mga kababayang Tausug. Humihingi po kami ng taos-pusong paumanhin. Sa susunod, sisiguraduhin po namin na mas pagbubutihin pa namin ang aming pagsasaliksik. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta — babawi po kami. Magsukul (thank you) (heart & praying emoji) - Family Feud Philippines.”


Sa comment section ng post ni Dingdong Dantes ay maraming netizens ang pinusuan ang kanyang sinabi.



ANG girlfriend ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at content creator na si Chloe San Jose ay sumang-ayon sa pahayag ng kapwa-content creator na si Bea Borres ukol sa pagtatanggol nito sa issue na diumano ay galing sa kung sinu-sinong Poncio Pilato ang mga ari-arian ng magaling na aktres na si Jillian Ward.


Saad ni Chloe, “Society just hates it when a woman succeeds on her own, period, Sis Bea! And they hate to see you with a successful man as well (shoutout to mahal, LOL- laugh out loud). Say what y’all want to say tho.” 


Samantala, sa isang bahagi ng post ni Bea Borres ay nasabi nito na bilang isang taong dumaan sa parehong mga akusasyon noon, hindi niya kailanman mauunawaan kung bakit napakahirap paniwalaan na ang isang babae ay kayang gawin ito nang walang lalaking umaalalay sa kanya.


Well, sa paningin ni yours truly, habang suot ang shades at kumakanta ng “I wear my sunglasses at night…” bata pa lang si Jillian ay bonggang-bongga na sa pagtatrabaho. Talagang kaliwa’t kanan ang mga shows niya at hanggang ngayon ay may show pa rin sa GMA-7 kaya hindi nakapagtataka na marami na siyang naipundar, at hindi galing sa kung kanino lang.


‘Di ba naman, Madam Damin? 


‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | October 22, 2025



LET’S SEE - KATHRYN, KASAMA RAW NAGGO-GROCERY ANG BF NA SI MAYOR MARK_FB Kathryn Bernardo Official & Mayor Mark

Photo: FB Kathryn Bernardo Official & Mayor Mark


May kani-kanyang opinion ang mga netizens hinggil sa pinag-uusapang mga rebelasyon ni Mommy Inday Barretto laban kay Raymart Santiago.


Sa napakaraming detalye na ibinigay ng 89 years old na ina ng mga Barretto sisters sa showbiz, hahangaan mo rin talaga ang talas ng pag-iisip nito at tikas nitong magsalita.

At her age nga naman, bibihira na sa isang nasa ganu’ng estado ‘yung makakaalala ng mga detalye kahit deka-dekada na ‘yung lumipas. 


Dagdag pa riyan ang conviction nito lalo’t tuluy-tuloy ang daloy ng kanyang kuwento, walang buckle-buckle sa pagsasalita at para ka ngang nakikinig sa hearing sa Senado. Hahaha!


But seriously speaking, ang labanan nga ng magkabilang panig ay ‘yung mga naging imahe nila sa showbiz.


Si Raymart ay very consistent sa imahe niyang hindi basta-basta pumapatol sa intriga o iskandalo though ‘yung naging engkuwentro nila noon sa airport ni Sir Mon Tulfo ang masasabing pinakamatindi na marahil na iskandalo niya.


Ang kanyang katahimikan at pag-refer ng isyu sa kanyang mga abogado ang nagpapatibay ng kanyang ‘silent’ na imahe sa showbiz.


Sa kabilang banda, kabaligtaran ang imahe ng mga Barretto. Isa ang pamilyang ito sa masasabing nagbibigay-sigla sa showbiz kapag iskandalo at intriga ang pinag-uusapan.

But here are the challenges para malaman kung sino sa dalawang panig ang nagsasabi nang totoo.


Una, need patunayan ni Raymart ang naging akusasyon sa kanya ni Mommy Inday na wala kahit anong property under his name kahit pa may conjugal rights siya bilang asawa pa rin ni Claudine (hindi pa sila annulled).


Mismong si Mama Ogie Diaz ay nag-share na mayroon nga siyang source na isang ‘broker’ na umano’y naiipit sa bentahan ng isang property under Claudine’s name. Ayaw daw pirmahan ni Raymart ang bentahan kaya’t posibleng idemanda (o may demanda na?) ng buyer si Claudine. 


Sa pagsegunda ni Mommy Inday, para sa mga anak nina Clau at Raymart ang perang napagbentahan.


Ikalawa, need ding patunayan ni Mommy Inday ang mga medical certificate ng doktor ni Claudine na nagkaroon ng mental anxiety and problem sanhi ng marital issues nito kay Raymart.


At ikatlo, kailangang may solid evidence si Mommy Inday sa mga usaping alleged ‘battering, physical abuse, torture, pag-inject ng kung ano’ng droga,’ na nauuwi umano sa paghingi ng saklolo ni Claudine sa kanya at sa yumao niyang asawa.


And yes, mas higit siyang magiging kapani-paniwala kung mayroong mga lalabas na saksi sa kuwento niyang umaabot sa lansangan o kalye ang mga insidente nina Raymart at Claudine, bukod sa nasaksihan umano ‘yun ng apo niyang si Santino.


Huwag na nating isangkot pa si Jodi Santamaria na na-mention din sa usapin na diumano’y nagpayo kay Raymart na huwag pirmahan ang contract to sell at pagbibigay ni Mommy Inday ng unsolicited advice na mag-ingat ito sa karelasyong aktor.


Parang nanonood nga kami ng Korean series sa mga naging rebelasyon ng isang 89 years old na tunay namang matapang, palaban at mukhang maraming bala na naihanda.



SAMANTALA, mukha namang hindi talaga patitinag si Kathryn Bernardo sa mga panawagan sa kanya na mag-voice-out ng kanyang saloobin sa mga isyu ng lipunan.

Kahit ano pa ngang pangangantiyaw ang gawin ng anti-Kathryn, dedma lang ang dalaga na wala rin kaming balita sa mga ganap niya sa showbiz.


Basta as of this writing, marami pa rin ang nagsasabing masaya ito sa kanyang buhay-pagso-solo sa condo unit niya somewhere in Makati and BGC (Bonifacio Global City) sa Taguig.


Na diumano pa nga ay madalas daw siyang binibisita roon ng nali-link ditong mayor ng Lucena City na si Mark Alcala at ilang mga close friends from in and out of showbiz.

Ang tsismis pa, si Mark daw ang nakakasama nitong mag-grocery sa isang bonggang grocery sa BGC. 


Nakapagtataka lang na wala man lang lumalabas na photo o video nila kung ito nga ay totoo? 


Sa tindi ng radar ng mga netizens, imposibleng nakakalusot ang mga ganito sa kanila, ‘di ba?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page