top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 16, 2025



SPECIAL - NATHALIE HART, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW NOON KINA PACQUIAO AT CHAVIT_IG _imnathaliehart & _luischavitsingson

Photo: Aljur Abrenica / IG



Sunday ngayon, mga Ka-BULGAR, kaya kalmahan lang muna natin ang mga inaabangan n’yong latest chika.


Eto na nga, ‘di ba’t umamin na si AJ Raval na 3 na pala ang anak nila ni Aljur Abrenica?

Hayun, trending sa Facebook hindi lang si AJ kundi pati si Aljur.


But wait, kung si AJ ay talk of the town ang pag-aming 5 na ang anak (3 nga kay Aljur at may 2 pang nauna courtesy of her ex-BF), ang estranged husband naman ni Kylie Padilla ay favorite i-bully dahil sa kanyang mga ipino-post na cover songs sa kanyang Facebook page.


Ang nakakaloka, may FB post na ang pagkanta ni Aljur ang sinisisi kung bakit daw sunud-sunod ang bagyo ngayon sa ‘Pinas!


Wahhh!!! Uy, in fairness kay Aljur, marunong siyang kumanta at hindi naman kasumpa-sumpa.


Ang dami lang siguro talagang imbiyerna sa kanya lalo nang inamin niyang nag-cheat siya noon kay Kylie Padilla, kaya until now, pinepersonal siya at pati pagkanta niya ay nilalait.



Ibinoykot nang maging endorser si Toni… DIANNE, PROUD NA NO. 1 PA RIN ANG SHOPEE NANG MAGING ONLINE SELLER SIYA



Dianne Medina


YEAR 2023 pala nang mag-umpisang maging online seller sa Shopee at Tiktok ang aktres-entrepreneur at madiskarteng momshie na si Dianne Medina, ang misis ng aktor-dancer na si Rodjun Cruz.


Kuwento ni Dianne sa mediacon niya last Thursday sa Pandan Cafe, kung saan in-announce ang bagong achievement niya bilang Top Content Creator of the Year, nang magsimula siya bilang online seller sa Shopee ay hindi naman niya naramdaman ang sinasabing epekto ng pamboboykot noon sa online shopping app nang maging endorser si Toni Gonzaga.


In fact, until now nga raw, Shopee pa rin ang No. 1 online shopping app sa Pilipinas.


Sa ngayon, may 112K followers sa Shopee si Dianne at 1.7M followers naman sa Tiktok at proud niyang inamin na ang pinakamalaking naibenta niya sa loob ng isang araw bilang online seller ay P20M.


Pero paglilinaw niya, hindi sa kanya napunta ang perang ‘yun kundi sa mga brands na ibinebenta niya at siya ay nangongomisyon lang. Baka raw kasi habulin at pag-initan siya ng BIR.


Nilinaw din ni Dianne na hindi porke mas active siya sa online selling at nakikita ng mga tao na malakas siyang kumita, ibig sabihin ay mas malaki na ang naiaambag niya sa kanilang pamilya.


Ang hindi raw alam ng mga tao, may mga negosyo si Rodjun at pareho naman silang masipag kaya hindi kataka-taka kung ang dami na nilang investments na real properties ngayon.


Isa rin daw sa sikreto ng successful marriage nila ay hindi nila pinag-uusapan o tinitingnan kung sino ang mas malaking kumita sa kanila. Nagtutulungan daw silang mag-asawa para sa kinabukasan ng kanilang 2 anak.


Inamin din ni Dianne na after ng 18 yrs. na pagsasama nila ni Rodjun mula nang maging magkarelasyon sila, tapos na sila sa stage ng selosan.


Kung noong bata-bata pa raw sila ay isyu sa kanya ang mga nakakapareha o nakaka-kissing scene ni Rodjun, ngayon ay wala nang ganu’n at naiintindihan na nila na trabaho nila ‘yun bilang artista.


Samantala, may paliwanag din si Dianne kung bakit sa lahat ng naging girlfriend ng bayaw niyang si Rayver Cruz ay kay Julie Anne San Jose siya pinaka-close.

Aniya, younger days pa nila ni Julie Anne ay magkasama na sila sa simbahan, siya bilang lector at si Julie Anne bilang choir member, kaya bago pa ito naging girlfriend ni Rayver ay friends na sila.


Pero wala naman din daw siyang isyu sa mga ex-GFs ni Rayver tulad nina Cristine Reyes at Janine Gutierrez, at in fact, friends pa rin daw sila ni Cristine na nakasama niya sa Banana Split.




RK Kent


NA-MEET na namin nang personal ang viral rapper-composer ngayong si RK Kent sa launching ng kanyang danceable viral song na Shake It Baam last Thursday.

Alaga ng aming Kumareng Kathy Solis, dating ABS-CBN PR manager na kapatid ng aktor na si Marc Solis, si RK Kent.


Tubong-Davao pala si RK Kent na nagsimula sa pagko-compose ng mga kanta noon pang 2008. Over 200 songs na raw ang naisulat niya pero aminado siyang mangilan-ngilan pa lang ang talagang nag-viral tulad ng Rampapampam na sinasayaw ng mga kilalang celebrities tulad nina Kim Chiu, Dasuri Choi, Regine Tolentino, Aiko Melendez, at mga trending Tiktokerist. 


Mabenta rin ang naturang song sa mga parties at salu-salo.


Aminado si RK Kent, na naging DJ din sa Win Radio sa Davao, na mas una siyang sumikat sa Filipino reggae singer na si Elias J. TV, pero wala raw comparison sa kanilang dalawa dahil may kani-kanya silang genre ng music at proud siya na naire-represent nila ang Mindanao dahil nakikilala na rin sila ngayon sa buong bansa.


Live na kinanta ni RK Kent sa media launch niya ang Shake It Baam at kahit ‘di ka dancer at hindi mahilig sumayaw, madadala ka sa beat ng song at kusang mapapasayaw. Para nga itong local version ng sumikat na Gangnam Style noon ni Psy na may kakaibang panghalina kaya talagang hindi puwedeng hindi ka mapasayaw.


Well, sa mga curious at hindi maka-relate sa mga sinasabi namin, watch n’yo ang music video ng Shake It Baam sa YouTube Channel ni RK Kent at puwede n’yo rin siyang i-follow sa kanyang TikTok at Facebook page, sa Spotify at maging sa Apple Music.

At sa mga gusto namang i-book si RK Kent bilang performer sa kanilang upcoming Christmas parties or sa mga gustong magpagawa ng kanta, you may contact him thru his social media account.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 15, 2025



SPECIAL - NATHALIE HART, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW NOON KINA PACQUIAO AT CHAVIT_IG _imnathaliehart & _luischavitsingson

Photo: Kiray / IG



“Hindi pa po ready. Hindi po ako ready sa gastos naming dalawa,” natatawang sagot ni Kiray Celis nang tanungin namin sa ginanap na product launch ng kanyang Kiray's Brands na Hot Babe Green at Skin Vibe last Thursday kung gaano na siya kahanda sa married life nila ng fiancé na si Stephan Estopia.


Sa December, 2025 na ang kasal nina Kiray at Stephan kaya naman nai-stress na raw ang komedyana-turned CEO ng kanyang health and beauty products.

Simple and intimate church wedding daw ang gusto nila kaya piling-pili lang ang mga bisita. 


Pero sa laking mga artista-personalities ng mga ninong at ninang sa kasal nina Kiray at Stephan, we doubt na kaya nilang gawing intimate ito.


Anyway, kung si Kiray ang CEO ng Kiray's brand, si Stephan naman daw ang COO at ito ang namamahala sa manpower at logistics side na hindi na raw magagawa ni Kiray, although may sarili rin naman daw businesses ang kanyang fiancé at tumutulong lang talaga sa kanya.


Wala raw suweldo sa kanya si Stephan at pabirong sabi ni Kiray, “Ibibigay ko na nga sa kanya ang sarili ko (susuweldo pa)?” sabay malakas na tawa at saka humirit ng “Wow! Akala mo 5’9” (ang height)!”


Tinanong din namin si Kiray kung may prenup agreement sila ni Stephan lalo't may sarili na siyang company ngayon.


Sagot niya, “Opo, wala. Kasi baka ako pa po magloko. Sobrang bait po (ng boyfriend ko). Sa mga nakakakilala sa amin, ako ‘yung laging masama. Totoo naman, totoo naman. ‘Pag nag-aaway kami, mga kaibigan namin, nasa kanya. Kahit mga kapatid ko, ‘di ko kakampi. Ganu'n siya kabait. ‘Di ko siya ipinagtatanggol.”


Inamin din sa amin ni Kiray ang businesses ni Stephan na paupahan at computer shops. Kaya unfair daw sa fiancé niya ang panghuhusga ng mga netizens na nakaasa lang ito sa kanya at siya lang ang gumagastos para sa kasal nila.


Anyway, sobrang sipag ni Kiray kaya no wonder na mabenta na rin hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang bansa ang Kiray Brands kung saan sa Hot Babe Greens healthy drink, may tatlong variants – Chamomile, Lemongrass Pandan at Pistachio Matcha.


Para naman sa Skin Vibe, in-introduce ang Pwettura Bleaching Scrub and Cream na pampaputi ng mga dark spots.





Babu kay Belle, action star na…

DONNY, ALA-DANIEL PADILLA



Donny Pangilinan - IG


WALANG nagpakabog kina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa newest Dreamscape series nilang Roja mapa-acting o action scenes man.


Grabe ang ibinuhos na effort nina Donny and Kyle sa kanilang mga eksena na kitang-kita sa first episode ng Roja at hindi sila nagpakabog sa mga senior stars na kasama nila like Raymond Bagatsing, Lorna Tolentino and Janice de Belen.


Tama rin na pinaghiwalay muna ng ABS-CBN sina Donny at Belle Mariano dahil nag-level-up na ang pagka-aktor ng anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan dito sa Roja.


Graduate na si Donny sa pa-cute roles at naging seryoso na siyang aktor na sumunod sa yapak ni Daniel Padilla.


Unang mapapanood ang Roja sa Netflix simula sa Nobyembre 21 (Biyernes) at sa iWant simula Nobyembre 22 (Sabado), at magiging available rin ito sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 sa Nobyembre 24 (Lunes) ng 8:45 PM. 


Parehong magaling sa martial arts at sa pakikipagbakbakan ang mga karakter nina Donny at Kyle kung saan isang head chef si Liam (Donny), at si Olsen (Kyle) naman ay isang palaban na miyembro ng security team ng resort.


Iikot ang kuwento ng Roja sa dating mag-best friend na ngayon ay magkaribal na sina Liam at Olsen. Kasama rin nila sa serye si Maymay Entrata bilang si Luna, ang best friend ni Liam na kabilang din sa culinary staff. 


Malalim ang magiging lamat sa relasyon ng dalawa dahil mapupuno ng hinagpis ang puso ni Liam nang malaman niyang may kabit (Yassi Pressman) ang tatay niya (Raymond Bagatsing) at matagal na pala itong kinukunsinti ni Olsen.

Magkakaayos pa kaya sina Liam at Olsen? Sinu-sino ang makakaligtas sa karumal-dumal na hostage-taking?


Kabilang din sa cast ng Roja sina Sandy Andolong, Robert Seña, Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Bernard Palanca, Marc Abaya, Gello Marquez, Harvey Bautista, Lou Yanong, Kobie Brown, Benedict Cua, Iñigo Jose, Maika Rivera, AC Bonifacio, Emilio Daez, Xilhouete, Kai Montinola, Rubi Rubi, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Levi Ignacio, Floyd Tena, Rans Rifol, Igi Boy Flores, at Raven Molina.


Mula ito sa direksiyon nina Lawrence Fajardo, Rico Navarro, Andoy Ranay, at Raymund Ocampo.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 14, 2025



SPECIAL - NATHALIE HART, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW NOON KINA PACQUIAO AT CHAVIT_IG _imnathaliehart & _luischavitsingson

Photo: IG _imnathaliehart / _luischavitsingson



Nagkaanak sa Indian national at nagpakasal sa pangalawang Afam partner na isang Australian, pero parehong nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng sexy actress na si Nathalie Hart.


Ganunpaman, hindi pa rin naman daw nato-trauma sa pag-ibig ang sexy single mom, at ‘yan ang inamin niya sa amin nang ma-interview namin after ng special screening-mediacon ng bago niyang reality show, ang Afam Wives Club (AWC) na mapapanood tuwing Martes, 8 PM, eksklusibo sa iWant.


Aminado si Nathalie na may takot at pag-aalala siya nu’ng una na maging bahagi ng Afam Wives Club dahil kailangan niyang i-share rito ang kanyang true-to-life personal experiences sa mga naging partner na foreigners.


Pero dahil sa magaling na convincing power ng mga bumubuo sa AWC na sina Direk JP Habac (direktor), Antoinette Jadaone (producer) at Rodina Singh (showrunner), napapayag na rin daw siya at in-assure naman siya ng mga ito na hindi ikapapahamak ng kanyang unica hija ang mga magiging revelation niya sa show.


Sa ngayon ay wala pa raw uling idine-date si Nathalie pero open siya kung may darating. Okay lang din daw ang Pinoy para maiba naman pero ayaw niya ng taga-showbiz. 


Nagbiro ito na okay ang pulitiko at ayaw niya ng mas bata sa kanya dahil ang gusto naman daw niya ngayong may anak na siya ay ‘yung financially stable at hindi ‘yung siya pa ang aasahan ng guy.


Ipinaalala namin sa kanya na minsan siyang na-link kina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ex-Ilocos Sur Gov. Chavit Singson. 


Ang bilis ng pagtanggi ni Nathalie sabay paliwanag na nagpa-selfie lang naman siya kina Pacquiao at Manong Chavit, tapos nu’ng kumalat ang picture, naging issue nang nagkaroon sila ng relasyon.


Sabi pa ni Nathalie, kaibigan niya sina Ronald at Chelsea Singson na mga anak ni Manong Chavit kaya malabo talagang maging magkarelasyon sila.

Oh, eh, di at least, finally ay tinuldukan na niya ang isyung ‘yan.


Anyway, ang Afam Wives Club ay tungkol sa apat na babae na may apat na kuwento, pero iikot sa iisang katotohanan – walang kinikilalang lahi ang pag-ibig. 


Inihahandog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality series na AFAM Wives Club tampok ang mga totoong kuwento ng mga Filipina sa cross-cultural relationships at kung paano nila natagpuan ang pag-ibig sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at lahi.


Susundan ng serye ang apat na kababaihang Pilipina ng magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pag-ibig, pamilya, at pagtuklas sa sarili. 


Kabilang sa cast sina Mari Fowler na ipapasilip ang kanyang journey tungo sa pagiging ina, Keylyn Trajano, ang kasalukuyang Miss Universal Woman at isang proud transgender Filipina, na patuloy ang pagbibigay-inspirasyon sa kanyang tapang at katapatan sa pag-ibig, Julia Chu, isang abogada at negosyante na magbabahagi kung paano niya binabalanse ang karera at buhay pag-ibig, at si Nathalie Hart na magkukuwento ng kanyang karanasan bilang single mother at kung paano muling magsisimula sa buhay matapos ang kanyang divorce.


Available na ang unang episode nito nang libre, kaya mag-subscribe na sa iWant para mapanood ang iba pa nitong episodes.



HINDI man super active ngayon sa showbiz, proud na online seller ang aktres-model na si Regine Angeles na nakatsikahan namin sa ginanap na media launch ng newest addition sa Insta360 X series na X4 Air last week.


Kinumusta namin si Regine na umaming kinakarir pala ang pagiging online seller ngayon dahil sa totoo lang daw, mas malaki ang kinikita niya rito kesa sa mga taping na pagod na ay puyat pa.


Nagpunta siya sa launch ng Insta360 X4 Air dahil excited daw siyang malaman ang bagong features ng product since Insta360 camera rin ang dala nila nang magbakasyon sa Japan recently.


Super easy to use raw ang Insta360 at pati nga ang anak niyang 8 yrs. old ay parang pang-professional na raw ang shots sa camera na puwede na ring ma-edit mismo roon kaya mabilis ding makapag-upload ng photos.


Anyway, bukod sa pagiging online seller, busy din si Regine sa business nila ng kanyang husband na si Van Victor Leano na may ilang branches pala ng restaurants.


Pero kung may magandang offer naman daw sa showbiz, willing pa rin siyang balikan dahil nami-miss din naman niya kahit paano ang umarte.


Why not, fresh and sexy pa rin si Regine at hindi mukhang mother na kaya kering-keri pa niyang magbalik-showbiz, ‘no!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page