ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 1, 2026

Photo: IG _claubarretto
Nagulantang na naman ang mga fans at followers ni Claudine Barretto sa kanyang sunud-sunod na Facebook posts nu'ng Biyernes nang gabi.
Matapos kasing mag-post ng open letter sa Instagram para sa kanyang tatay-tatayang si Comedy King Dolphy (RIP) kung saan tila nagsusumbong at humihingi ito ng payo sa usaping pag-ibig, na tulungan daw siya sa kanyang mga desisyon sa buhay, bigla na lang nag-warla mode si Claudine sa kanyang series of post sa Facebook.
Una sa apat na magkakasunod na posts nito (as is): “this is the first and last time im going to say this. Bastusin nyo anak kong si Yami hahabulin ko kayo at mananagot kayo sakin at sa Daddy nya! Wag nyo antayin magalit Daddy nya. NANAY AKO! TUMIGIL KAYO LAHAT! Claudinians pagtanggol nyo si Yami barretto.At Ana at minions mo tumigil ka at mag kampihan pa kayo ni Milano!!! YES IKAW ANA AT MILANO! Leave me & my people & MY CHILDREN ALONE!”
Ilang minuto pa lang, ito na ang kasunod na post ni Claudine na obyus na nagpupuyos sa galit (as is): “Milano& ANA MALTO LEAVE MY CHILDREN ALONE! You both are delusional.going behind my back! Ana ano sabi mo about Milano? recorded and screenshots na nasa lawyers ko.gusto nyo demandahan tayo? DO NOT TOUCH MY CHILDREN!!! especially Yami! Birds of the same feather! Put*** ina tumigil kayo sa mga plano nyo.stop going behind my back & wag babaliktarin si Amy. Pinasasakay nya lang ikaw Amy! LEAVE US ALONE! mga walang bay**! I AM A MOTHER!!!”
Sa kanyang third post, humihingi ito ng tulong sa kanyang mga Claudinians (as is), “My palanggas & Claudinians pls protect my daughter Yami & my children from these people who wont stop harassing my children.Sab,Saint,& Yami & Marisol. i am Grieving & gusto nila demandahin si Sol.d maka antay na magbabang luksa muna kami ng mga bata.if something happens to my daughter Yami you guys better hide!!! pls im begging u my claudinians stop them and allow my family & i to grieve.lahat ng nag betray sakin including sol may araw.at least si Sol marunong mag sorry at mahal na mahal mga anak ko.misunderstanding yun!”
Pang-apat at huling post ni Claudine, “You broke me & now u want me back? wala akong binabalikan! di po asawa ko.”
Takang-taka at litung-lito ang mga netizens na nakabasa sa mga posts ni Claudine kung ano ang problema nito at bakit galit na galit sa mga taong nabanggit niya.
Isa na nga rito ay ang kanyang boyfriend na si Milano Sanchez, ang younger brother ni Korina Sanchez.
Kung matatandaan kasi, nagpunta at nakiramay pa sina Milano at Ateng Korina sa lamay ng Mommy Inday Barretto ni Claudine last month lang, pero bakit ngayon, may mga babala pa siya sa kanyang boyfriend?
Ang siste, hindi na makikita ngayon sa FB account ni Claudine ang naunang dalawang posts dahil burado na ito. Pero na-screenshot namin ang mga naturang posts kaya nailabas pa namin nang buo.
Marami tuloy ang nag-aalala ngayon sa pinagdaraanan ni Claudine Barretto. Meron kayang lawyers na nag-advise sa kanya na burahin ang naturang posts?
Mukhang maraming gumugulo ngayon sa isip ni Claudine, ha?
Pero in fairness, ang bilis din niyang mag-move on dahil kinabukasan lang, good vibes na naman siya at nag-bonding pa sila ng kanyang mga anak.
Naku, teka, na-migraine yata ako. Charot!!!
Nakipagbeso-beso at selfie pa sa mga fans…
ICE, BUMIRIT NA ALA-WHITNEY HOUSTON, HUMATAW NA MALA-SEXBOMB
HINDI binigo ni Ice Seguerra ang kanyang mga fans and supporters na nanood sa katatapos lang niyang Being Ice Live! concert sa New Frontier Theater sa Cubao.
Grabe, from start to finish, talaga namang walang gustong tumayo sa kinauupuan dahil ayaw ma-miss ng mga nanonood ang bawat song number at mga spiels ni Ice.
At bongga, punumpuno ang New Frontier mula sa harap ng stage hanggang sa balcony, to think na mas mahal ang concert ticket kesa sa movie ticket, ha?
Sa mga guests ni Ice, hindi nakarating sina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon na inatake raw ng vertigo kaya si Vic Sotto lang ang nakasama ng singer sa kanyang song number.
Maagang sumalang sina Concert Queen Pops Fernandez, Nyoy Volante at Kyla, at ‘yung duet na lang nina Ice at Frenchie Dy ang naabutan namin sa tagal ng paghahanap namin ng parking space sa Cubao. Hahahaha!
Pero napanood namin sa reels ni Mareng Liza Endaya ‘yung duet nina Ice at Kyla ng I Will Always Love You ni Whitney Houston at talaga namang nakakabilib si Ice na kayang-kaya rin palang bumirit na parang diva, ha?!
Marami rin ang aliw na aliw sa kanya habang sing and dance siya na mala-Sexbomb Girls du’n sa isang production number niya.
Tuwang-tuwa naman ang mga fans sa portion na bumaba ng stage si Ice at nilibot ang buong New Frontier Theater para kantahan, makipagbeso-beso at makipag-selfie sa mga nanood ng concert.
Grabe, halos malapirot na si Ice sa yakap at halik ng mga fans at may portion pa ngang nag-dialogue ito ng “Ate, dodo ko na ‘yan!” dahil nahawakan na yata ang kanyang dibdib, kaya nagkatawanan na lang, pero tuloy pa rin siya sa pagkanta.
At nu’ng kumanta siya ng Pagdating ng Panahon, naku, isa kami sa mga naging emosyonal at napaiyak ni Ice.]
Iba talaga ang boses ng isang Ice Seguerra, tagos sa puso at kaluluwa!
Congrats sa napaka-successful na Being Ice Live! na siyempre, produced ng kanilang Fire & Ice Entertainment ni dating FDCP Chair Liza Dino-Seguerra!
























