top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 22, 2025



Vice at Ion Beautederm

Photo: File / Carla Abellana



Parang may sariling film festival ang Regal Entertainment sa dami ng mga artistang dumalo kahapon sa ginanap na grand mediacon ng Shake, Rattle and Roll: Evil Origins na isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival 2025.


Dahil trilogy lagi ang SRR, sangkatutak ang mga artistang tampok sa bawat episode.

Sa 1775 na episode 1, bida sina Carla Abellana, Janice de Belen, Arlene Muhlach, Loisa Andalio, Ysabel Ortega at Ashley Ortega.


Tampok naman sa 2025 na episode 2 sina Seth Fedelin at Francine Diaz, JM Ibarra at Fyang Smith, Kaila Estrada, Karina Bautista, Sassa Gurl, Alex Calleja at marami pang iba.

Bida sa 2050 na episode 3 sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi, Manilyn Reynes, Dustin Yu among others.


First Shake, Rattle and Roll pala ito ni Richard kaya super happy siya at wala talagang dahilan para mag-no sa mag-inang Ma'm Roselle Monteverde (Regal Entertainment president) at Atty. Keith Monteverde (Regal's executive producer).


Si Carla naman, nakagawa na ng SRR: Punerarya episode dati at happy na part uli siya ng pinakasikat na horror film sa ‘Pinas.


Pang-anim na SRR episode naman ito ni Manilyn Reynes. Ang last daw niya ay sa SRR 8: LRT episode 19 yrs. ago, kaya super happy siyang nagbabalik sa horror film.


Dahil SRR: Evil Origins ang title ng movie, tinanong namin ang tatlo sa cast na sina Manilyn, Richard at Carla kung kanino sila mas takot – sa evil spirits o sa evil na tao? At nabiktima na rin ba sila ng evil na tao? Paano nila ito na-handle?


Unang sumagot si Mane na siyempre raw, mas takot siya sa tao dahil kaya nitong makapanakit kesa sa mga evil spirits and so far naman daw, wala pa siyang na-encounter na evil person na nanakit sa kanya o gumawa ng masama.

Sumunod na sumagot si Carla na umani ng sigawan dahil tipong may patutsada ito sa mga korup na opisyal ng bansa ngayon. 


Aniya, “Mas takot ako sa tao, evil na mga tao kasi ang dami po nila sa paligid, saka ‘di po sila nakukuha sa dasal. Medyo mahaba po ang buhay. Parang masasamang damo. Kung sino pa ‘yung mababait, sila pa ang nauuna.”


Dagdag pa nito, “Honestly, evil is everywhere. Sa totoo lang po, sa dami ng nangyayari ngayon sa mundo, sa mga taong walang integrity, sa mga magnanakaw, sa mga korup, napakarami pong entities around us, thankfully, wala naman po (nambiktima sa akin).”

Sabi naman ni Richard, “Ang hirap sundan ng sagot ni Carla.”


Pero paliwanag nito, mas nakakatakot daw ang evil spirits dahil kaya nitong sumanib sa isang tao para maging evil at makaimpluwensiya pa ng ibang tao para maghasik ng kasamaan.


Tinanong namin si Chard kung posible ba siyang maengganyong pumasok sa pulitika para makapag-contribute sa pagbabago at napangiting sagot nito, hindi para sa kanya ang pulitika pero willing siyang mag-endorse ng pulitikong sa tingin niya ay karapat-dapat mamuno.


Anyway, abangan at panoorin ang SRR: Evil Origins sa Dec. 25 kung saan tatlong direktor ang nagdirek nito – sina Shugo Praico (1775), Joey de Guzman (2025) at Ian Lorenos (2050).




Ex na si Derek, durog sa mga banat…

ELLEN, BAGONG KRIS AQUINO





SI Ellen Adarna na raw ang bagong Kris Aquino dahil sa mga pasabog at galawan nito ngayon laban sa nakahiwalay na mister na si Derek Ramsay.


Palaban at walang paki ang dating sexy star kesehodang durog na durog ngayon ang ama ng kanyang bunsong anak dahil sa mga rebelasyon niyang may sidechick umano si Derek at verbally abused siya rito kapag nag-aaway sila.


Proud din si Ellen sa pagiging spokesperson ng mga ex-GFs daw ni Derek na nakaranas din ng kung ano'ng naranasan niya dahil siya lang daw ang may tapang na magsalita laban sa aktor.


Kaya naman, may mga komento kaming naririnig ngayon na si Ellen na ang bagong Kris Aquino, dahil kung matatandaan, ang Queen of All Media ang noon ay nagrereyna sa mga ganitong drama at pag-iingay sa showbiz, na sa tuwing nauuwi sa hiwalayan ang relasyon ay updated ang buong Pilipinas sa kanyang love life.


Samantala, maraming nag-aabang kung magbibigay pa ng pahayag si Derek para pabulaanan ang mga ibinulgar ni Ellen laban sa kanya, lalo na ang inilabas na audio recording ng estranged wife kung saan maririnig ang pagsigaw at pagmumura raw ni Derek ‘pag nag-aaway sila.


Marami namang kalalakihan ang nagsasabi ngayon na nakakatakot daw palang maging karelasyon si Ellen Adarna dahil ‘pag naghiwalay sila, malalaman din ng buong bansa ang naging problema nila.


Pero in fairness kay Ellen, hindi naman siya naging ganito noon kay John Lloyd Cruz nang maghiwalay sila. 


Ano nga kaya ang naka-trigger sa kanya para durugin ngayon sa social media ang ama ng kanyang bunso?


May kasunod pa kaya ang mga pasabog niya laban kay Derek Ramsay? Hmmm….


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 21, 2025



SPECIAL - RHIAN AT SAM, HIWALAY NA NU’NG SEPTEMBER PA_FB Rhian Ramos

Photo: File / FB Rhian Ramos



Last week of September, 2025 pa pala hiwalay sina Rhian Ramos at Sam Verzosa.

Actually, nadulas lang ang aming source nang mabanggit na hiwalay na ang showbiz couple na inakala ng marami na sa kasalan na mauuwi.


Itinanong namin ang dahilan ng hiwalayan pero ayaw pa raw umamin ni Sam. Basta ang nasabi lang daw nito, malabo na silang magkaayos ni Rhian dahil hinakot na ng Kapuso actress ang mga gamit sa bahay niya.


Sinubukan naming hingin ang reaksiyon ng long-time BFF at business partner ni SV sa Frontrow na si Raymond “RS” Francisco, at ito lang ang naging sagot sa amin ng aktor-director-businessman sa FB Messenger, “I'm busy, nakatutok sa mga event and projs.. No time na even think hahahaha!”


For sure ay maraming nalungkot sa balitang ito, lalo na ang mga fans nina Rhian at Sam na umasang sila na nga ang endgame.


Pero sa ngayon, tahimik pa ang parehong kampo, at abangan natin kung sino ang unang magbibigay ng statement, kung meron man.


‘Wag lang sanang maging kasing-ingay ng hiwalayang Derek Ramsay-Ellen Adarna, na kung gaano kalantaran ang halos antikin (‘di lang basta langgam, haha!) nang lambingan nila noon sa social media ay ganito rin kalantaran ang paglabas ngayon ng mga ‘baho’ sa kanilang naging pagsasama.

Ouch! 




Ayaw iwan ang R2K Band…

AILA SANTOS, INALOK NI OGIE, ‘DI UMUBRA





PERSONAL naming nasaksihan kung gaano kagaling kumanta ang Davao-based singer na si Aila Santos na minsan na rin palang naging finalist ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.


Naging talent na rin sana si Aila ng ABS-CBN at maraming plano sa kanyang career, kaso nga, dahil nawalan ng franchise ang network, napurnada ang pagsikat ni Aila at pagpasok sa mainstream music industry.


Ganunpaman, hindi naman tuluyang nagpahinga si Aila dahil kasama ang kanyang R2K Band, itinuloy nila ang paggi-gig sa mga bars sa Davao at nagtayo na rin ng sarili niyang bar ang singer kung saan twice a week daw siyang nagpe-perform kasama ang kanyang banda.


At bukod sa mga gigs, million views din ang inaani ni Aila at ng R2K Band sa kanilang YouTube Channel, kaya kahit wala siyang TV exposure, nagkaroon ng maraming followers si Aila at in fact, pinagsasabong pa nga sila ng kapwa niya produkto sa TNT na si Gigi de Lana.


Pero nilinaw ni Aila na hindi man sila super friends ni Gigi, wala raw silang issue kahit pa nga pinagtatapat at pinagkukumpara sila ng mga fans.


Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez daw ang ultimate idol ni Aila Santos at gustong maka-collaborate sa isang song. Although, naka-duet na raw niya si Regine sa isang singing competition na sinalihan noon sa kanilang probinsiya, kung saan nag-judge yata ang Asia’s Songbird.


At dahil nagba-viral at sumisikat nga ngayon si Aila dahil sa million views ng kanyang mga song covers sa YouTube, naging interesado raw si Ogie Alcasid na alukin siya ng singing career under ATeam (Alcasid Total Entertainment & Artist Management).


Ang siste, hindi naman daw sa tumanggi si Aila sa magandang offer sana ni Ogie na kunin siyang talent at i-develop as a solo singer, kaya lang, may mga natanguan na raw kasi silang singing engagement abroad ng kanyang banda at hindi naman daw puwedeng basta na lang niya iwan ang mga kagrupo lalo’t ang guitarist pala ng R2K na si Lucky Sunday ang tatay ng kanyang dalawang anak (isang 20-yr-old at isang 13-yr.-old).


Nilinaw din ni Aila na hindi pa naman siya nagsasara ng pinto sa offer ni Ogie da Pogi at sana raw, ganu’n din ang singer-composer, para kung sakaling tapos na ang mga commitments ni Aila at ng kanyang banda, baka sakaling ma-consider na niyang tuluyang pasukin ang mainstream music industry.


Sa ngayon, dahil ang daming fans ni Aila Santos ang nagre-request na mapanood siya nang live na mag-perform, ipinag-produce siya ng It’s My Turn concert sa Teatrino Promenade sa Greenhills ng concert producer na si Carnie Banares ng Stargaze Productions na gaganapin sa December 13.


Kami na ang magsasabi, sulit na sulit ang mga manonood nang live kay Aila Santos dahil napakagaling niyang kumanta at in fact, parang minamani-mani niya lang ‘yung Against All Odds na version pa ni Mariah Carey nang iparinig niya ito sa entertainment media sa ginanap na mediacon niya sa Music Box last Monday.


So, guys, buy na kayo ng ticket ng It’s My Turn ni Aila Santos at for sure, kahit kayo, bibilib sa kanya.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 20, 2025



Vice at Ion Beautederm

Photo: File / VIce at Ion / Beautederm



First time na magkasamang ipinakilala bilang brand ambassadors ng isang produkto ang mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez sa ginanap na Beautederm’s Belle Dolls media launch last Monday sa Solaire Resort North sa QC.


Paliwanag ni Vice, ngayon lang talaga sila nagkasama ni Ion sa endorsement dahil mahiyain ang kanyang mister at napapayag lang itong maging endorser ng Belle Dolls dahil nalaman ni Ion na Kapampangan din ang CEO at president ng Beautederm na si Ma’m Rhea Anicoche-Tan.


In short, naging komportable agad si Ion kay Ma’m Rei lalo’t kilala rin niya ang iba pang brand ambassadors ng Beautederm na sina Darla Sauler at DJ Jhai Ho.


Masayang kuwento nga ni Vice tungkol sa mister, “Over time, over the years, nakikita ko na lang talaga na nade-develop ‘yung confidence niya especially after niyang nag-dance class.”


Nagsabi raw sa kanya si Ion na gustong mag-aral sumayaw at sinuportahan naman ni Vice.


Dagdag pang kuwento ni Meme Vice na obyus na proud sa mister, “Na-boost ‘yung confidence niya. Tumatanggap na siya ng raket. Dati kasi, kahit anong raket, ayaw niya talaga. Hindi siya raraket kahit maganda ‘yung bayad, ayaw niya. Hiyang-hiya siya.”

Natatawa pang hirit ng Unkabogable Star, “Ang saya ko kasi kumapal na talaga ‘yung

mukha niya.” 


Hindi man direktang tinukoy ni Vice pero obviously, base sa kuwento niya, may mga insecurities si Ion kaya hindi ito komportable kapag hindi kilala ang mga taong kasama.

Pero ‘pag may familiar faces daw sa paligid nito, “Lumalakas ‘yung loob niya kasi alam niya ‘Ay, hindi ako hinuhusgahan ng mga taong ‘to.’ Hindi man siya perfect, pero kung may magawa, masabi o maipakita siyang imperfections today, alam niyang safe siya.”


Kaya naman, biniro ni TV Patrol reporter MJ Felipe si Vice na dapat pala ay package deal sila sa endorsement para lagi siyang nasa tabi ni Ion at um-agree naman si Vice.

Anyway, super happy ang Beautederm CEO na si Ma’m Rei Tan dahil dream come true at pinakinggan ni Lord ang birthday wish (Nov. 25 ang exact birthday niya) niyang finally ay makuha nang endorser si Vice Ganda. 


Matagal nang alam ni Ma’m Rei na may mga scholars at tinutulungan si Vice, at tulad niyang president ng Rotary Club Balibago na marami ring scholars na pinag-aaral, nagkakasundo nga naman sila sa kanilang advocacy at mas magkakatulungan pa ngayong nasa Beautederm family na sina Vice at Ion.


Naniniwala rin si Ma’m Rei na dahil isa pa rin si Vice sa mga top celebrity endorsers, malaking tulong ito para mas maipakilala ang Belle Dolls drinks na Collagen Juice Drink Avocado and Kiwi Flavored, Stem Cell Juice Drink na Strawberry Lychee Flavored, Caramel Macchiato Healthy Coffee, at Black Coffee Decaf sa masang Pilipino.




World Vision PH

Photo: World Vision PH Team, World Vision PH Volunteers Joyce Pring-Triviño, at Juancho Triviño, Elizabeth “Betchay” Alviar-Vidanes. VCM The Celebrity Source


TWENTY-FIVE years na sa industriya ang VCM The Celebrity Source at bilang pagdiriwang ng kanilang anniversary, nakipag-ugnayan sila sa World Vision para sa isang outreach activity na nakatuon sa pagtulong sa mga batang nangangailangan at sa kanilang mga komunidad. 


Mahigit 13 taon nang katuwang ng VCM ang World Vision sa pagsuporta sa mga bata at sa paglikha ng positibong pagbabago — labas sa mundo ng entertainment at marketing. 


Pinatunayan ng VCM na ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasusukat sa kinang ng mga bituin, kundi sa kabutihang naibabahagi sa iba. 


Sa loob ng 25 yrs., nagsilbing matibay na daan ang VCM The Celebrity Source sa pinakamakabuluhang kolaborasyon sa pagitan ng mga trusted brand at brightest artists sa bansa. Buong-pusong nagpapasalamat ang VCM sa mga tao at kumpanyang naging bahagi ng kanilang makulay na paglalakbay, at sabik nilang haharapin ang panibagong yugto ng pakikipag-ugnayan. 


“As we celebrate 25 years, we’re grateful not just for the success in business, but for the opportunity to be a blessing to others,” ani Elizabeth “Betchay” Alviar-Vidanes, founder ng VCM The Celebrity Source. 


Sa kanilang mahigit na dalawang dekadang karanasan sa brand strategy, celebrity management, at influencer marketing, naging mahalagang tulay ang VCM sa pag-uugnay ng mga brand at bituin. 


Bunga ng kanilang malalim na pag-unawa sa mundo ng showbiz at marketing, nakalikha ito ng mga kampanyang hindi lang nagbebenta ng produkto kundi naghatid ng tunay na kuwento at inspirasyon. 


Kabilang sa mga tumatak at matagumpay na VCM projects ay mga kampanyang kinatampukan nina Robin Padilla para sa Kawasaki at Talk & Text, Anne Curtis para sa Lay’s, Kathryn Bernardo para sa TLC at Zion, Daniel Padilla para sa Pepsi, Alden Richards para sa Sting, Marian Rivera para sa NUWhite, at Luis Manzano para sa Ajinomoto, Regasco, at Rebisco. 


Nakatrabaho rin ng VCM sina Piolo Pascual, Maris Racal, Belle Mariano, at iba pang bituin—patunay sa kakayahan nitong pagtagpuin ang mga brand at personalidad. 


Ang ika-25 anibersaryo ng VCM ay nagbibigay-pugay din sa mga celebrity brand ambassadors na naging bahagi ng kanilang paglalakbay— mga artistang ang talento at integridad ay kaayon ng mga pinahahalagahan ng kumpanya. 

Kabilang dito sina Robin at Mariel Padilla, Jasmine Curtis-Smith, Mikael Daez at Megan Young, Emilio Daez, Joyce Pring-Triviño, at Juancho Triviño, at marami pang iba. 


Nakisaya sa 25th anniversary program ang mag-asawang Joyce at Juancho Triviño, na nagbahagi ng kuwento tungkol sa tiwala sa sarili at paniniwala sa sariling kakayahan. Nakipaglaro rin sila at nakipag-bonding sa mga bata — isang hapong puno ng tawanan, inspirasyon, at pag-asa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page