top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 26, 2023


Naba-bash ngayon si Abegail Rait, ang flight attendant na naging karelasyon ng yumaong si Francis M.!


Kaya raw pala bigla siyang lumutang at umeksena at pumayag na ma-feature sa vlog na Pinoy Pawnstar ni Boss Toyo ay dahil kakandidato siyang kagawad sa Imus, Cavite.


Ngayon ay marami na ang nakakakilala sa kanya dahil sa kanyang pasabog na relasyon sa yumaong Master Rapper na si Francis M.. Teenager na rin ang anak nilang si Franchesca.


Depensa naman ng mga nakakakilala kay Abegail Rait, likas na matulungin ito sa kapwa kahit na wala itong posisyon sa kanilang barangay. Nararamdaman daw nila ang sinseridad nito at hindi pakitang-tao lamang ang pakikisama.


Samantala, balitang itinuloy na rin ng kanyang anak na si Cheska ang pagpasok sa showbiz. Pangarap niyang maging singer-recording artist. At ang latest na tsika, si Boss Toyo (Jayson Luzadas) ang tatayo niyang manager.


Si Boss Toyo naman ay ire-revive ang kanyang career bilang rap artist.

Ohhhh, well… good luck!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 26, 2023




And speaking of positive vibes, 'yun ang nakita namin sa aktor na younger brother ni Zoren Legaspi na si Kier Legaspi nang makapanayam namin ito sa birthday treat na ibinigay niya sa aming colleague-friend in showbiz na si Pilar Mateo kahapon sa Palm Grill.


Matagal na raw magkaibigan ang dalawa at thankful si Mareng Pilar sa late birthday treat ni Kier.


Four years din palang nagpahinga sa showbiz si Kier nang ma-burnout sa work, pero ngayon ay nagbabalik ito via Black Rider ni Ruru Madrid sa GMA-7.


Nang mawala sa showbiz, ang resto business nilang Taste of Joy ng kanyang misis na non-showbiz ang tinutukan ni Kier.


At mukha ngang walang stress ang aktor dahil looking young pa rin at parang 'di tumanda kahit 51 years old na pala siya.


Nakumusta namin kay Kier ang relasyon nila ng anak niya kay Marjorie Barretto na si Dani Barretto. Aniya, matagal na silang walang komunikasyon at hindi rin naman na nagpupunta o nagte-text man lang sa kanya si Dani.


Wala raw idea si Kier kung bakit bigla na lang naputol ang magandang samahan nila ng panganay na anak (may isa pa pala siyang younger daughter sa ibang babae). Basta bigla na lang daw na hindi nagparamdam sa kanya si Dani at kahit nag-reach out na siya rito ay wala ring nangyari kaya tumigil na rin daw siya sa pagkontak sa anak.


Pero tiniyak naman ni Kier na anytime na kailanganin siya ni Dani o gusto siyang makausap nito ay nandiyan lang siya.


Aniya pa, sa edad niyang 51, ayaw na niyang magpa-stress at ipilit ang sarili kay Dani kung ito na ang mismong lumalayo. Ang mahalaga raw, malinis ang kunsensiya niya, may peace of mind siya at ipinapasa-Diyos na lang niya ang lahat ng problema.


Hindi naman daw nahe-hurt si Kier kung dumistansiya sa kanya si Dani pero nanghihinayang lang siya sa mga pagkakataong puwede sana siyang magpaka-ama rito.


Nagbiro pa nga si Kier na lolo na siya ngayon, 'yun nga lang, mukhang 'di pa rin niya nakikita nang personal ang apo kay Dani.


Time heals all wounds naman. Wait and see na lang tayo kung sino kina Kier at Dennis Padilla ang unang magkakaroon ng reconciliation sa kani-kanilang anak kay Marjorie Barretto.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 26, 2023




“Sobrang panalo, napakasuwerte ko," ani John Lloyd Cruz sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, sabay tingin sa monitor kung saan nandu'n ang mga larawan nila ng anak na si Elias.


"Siya ‘yung (dahilan), ang lupit nu’ng role niya sa buhay ko nu’ng dumating na siya," dagdag pang chika ni Lloydie.


Abut-abot ang pasasalamat ni Kuya Boy kay Lloydie dahil finally ay nai-guest niya ito sa kanyang programa na dati’y puro sa cellphone lang sila nag-uusap.


Sa pagpapatuloy ng aktor, “Pinakasimpleng maipapaliwanag ko siya is, si Elias, parang iniligtas niya ang buhay ko. Hindi ko ma-imagine ang buhay ko kung paano tutuloy kung hindi dumating (si Elias). Ang daming ibinigay na bagong kahulugan, bagong duties. All of a sudden, iba na ang tingin mo sa lahat.”


Tinanong ng Fast Talk host kung paano ang co-parenting nila ni Ellen Adarna-Ramsay sa anak nilang si Elias.


“It’s a bit challenge, ayokong i-sugar coat kasi ayokong mag-pretend, you know. We’re co-parenting but depende sa definition mo ng co-parenting. Ako from my end, to make it simplify kung paano ko ba siya (Elias) pinapalaki, siguro to lead without imposing. Gusto ko siyang mag-develop ng capacity to decide certain things. Siyempre, ‘yung mga bagay na hindi niya kayang desisyunan, ‘yun ang role namin,” paliwanag ni JLC.


Nagkakatugma ba sila ni Ellen kung paano palakihin si Elias?


“Napakasuwerte ko, (dahil) marami siyang similar cases na kagaya sa akin, much-much lesser time with the child or halos no time at all. Napakasuwerte ko at ako’y nagpapasalamat kay Ellen, kay Derek (Ramsay) dahil iniisip nila ‘yung kapakanan ng bata,” pahayag ni Lloydie.


Okay bang pasukin ni Elias ang showbiz?


“Like I said without imposing, pero mas gusto kong kung ano ang hilig niya, kung mahilig siya sa sports, kung anuman ang kahilingan ng bata,” sambit ng papa ni Elias.


At sa unang pagkakataon ay inamin na ni John Lloyd kung sino si Isabel Santos sa buhay niya.


Natawa muna sabay sabing, “Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako, hahaha!"


Hirit ni Kuya Boy, “Tell me more. Tell me what you can.’


Napatingin ulit sa monitor si JLC, “What can I tell you? Hayan, wala! We’re boring people, wala kaming maikukuwento, ganyan lang kami (picture nila ni Isabel nang dumalo sa party)."


Pero dagdag niya, “Matagal na kaming magkakilala. Gallery nila ‘yung una kong pinasok na gallery (collector ang aktor). At that time, bago pa lang akong tumigil (umarte) with ABS (CBN), napadpad ako sa pag-e-explore ng (arts). Gallery nila ‘yung una kong napasok at sila ‘yung una kong nakilala, pamilya nila, sino ‘yung mga patrons ng gallery nila.


“We were talking before but hindi nag-evolve into something ideal for us at that time. Mula noon, present na siya sa buhay ko,” pagtatapat ng aktor.


Nakatulong ba si Isabel sa paniniwala na ngayon ni Lloydie sa usaping kasal?


“Yeah, malaki and she’s very elemental sa mga ganyang bagay kung paano namo-mold at kung anuman ang mga lumalabas sa bibig ko, kung anuman ‘yung nabubuo sa isip ko. 'Yung consideration for the two of us, especially para sa kanya, laging nandoon,” say ng aktor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page