top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | April 2, 2023



Another hiwalayan issue ng isa pang kilalang celebrity couple ang nakarating sa amin this week.


May nagtsika sa amin na hiwalay na raw ang aktor na si Jericho Rosales sa misis niyang si Kim Jones.


'Yan daw ang naging usap-usapan ng mga um-attend sa isang event ni Echo. May mga naghanap daw kasi kay Kim sa naturang event ng aktor.


Hanggang sa may nagsabi na hiwalay na nga raw ang dalawa. Matagal na raw naka-based sa US si Kim, habang si Echo naman ay nag-stay sa 'Pinas.


Matagal na ngang nababalita ang isyung hiwalayan ng mag-asawang Echo at Kim. Pero, ilang ulit na rin nilang napatunayan na 'di true ang tsika.


Sa Instagram account ni Echo ay makikita na magkasama pa silang nag-celebrate ni Kim ng Valentine’s Day this year.


Although, mukhang nag-lie-low na muna si Kim sa kanyang mga social media accounts dahil ang last post na makikita sa kanyang Instagram ay noong May, 2022 pa.


Sad lang siguro ang mga fans ni Echo na hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak ni Kim.


Although, mayroon naman nang binatang anak si Echo with his past relationship during his younger years.


Pero, gusto pa rin daw sana ng mga supporters ni Echo na magkaanak siya sa asawa (or ex-wife?!) na si Kim.


Sayang naman ang magandang lahi!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | April 2, 2023



Kitang-kita ang lungkot sa mga mata ni former 2004 Miss Earth Priscilla Meirelles sa kanyang larawan na ipinost sa Instagram Story two days ago.


Parang nakatulala, walang glow at matamlay ang kanyang mga mata kahit nasa tabi niya ang anak nila ng mister niyang si John Estrada na si Anechka sa loob ng kotse.


Kahapon naman ay muling nag-post si Priscilla ng larawan kasama ang anak habang sila ay magkatabi sa loob ng sasakyan.


Pero, mapapansin agad ang isang kamay ni Priscilla na may suot na singsing na tila ito ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni John.


Sa mga posts na 'yun ay mage-gets agad na may mga ipinahihiwatig si Priscilla hinggil sa kumakalat na kontrobersiya at isyu sa pagsasama nila ni John.


Wala na ang wedding ring sa daliri ni Priscilla at engagement ring (kung 'di kami nagkakamali) na lang ang kanyang suot.


Ibig sabihin kaya nito ay tuluyan na ngang nakipaghiwalay si Priscilla kay John?


At ang engagement ring na suot pa rin niya ay paalala na lamang sa isang matamis na pangako na pinaniwalaan niya noon.


May mga kuda rin si Priscilla sa social media na sila na lang ng kanyang anak ang magsasama sa buhay.


Caption ni Priscilla: "Sometimes you just have to throw on your crown and remind them who they're dealing with."


Sa ibaba ng caption niya ay may pa-hashtag pa siya para sa kanila ni Anechka na: "I got your back" at "Women empowering women."


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 2, 2023



Sunud-sunod na naglabasan sa social media ang mga cryptic posts ng Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles. Kinokondena nito ang isang vlogger-influencer from Cebu na diumano ay nakaka-chat ng asawang si John Estrada.


Tinawag pa niya ng kung anu-anong pangalan ang nasabing vlogger-influencer na may kinalaman sa pag-entertain ng isang babae sa lalaking may asawa na.


Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanilang 12th wedding anniversary sina Priscilla at John sa isang beach resort sa La Union.


Sa loob ng 12 yrs. nila bilang mag-asawa ay biniyayaan naman sila ng isang anak na babae, si Anechka.


Ayon sa isang post ni Priscilla, napuno na umano siya sa kanyang mister kaya't inilantad na niya sa publiko ang ginagawang pambababae ni John. Siya mismo ang nakahuli sa pagtataksil ng kanyang mister at sa babae nito.


Well, sey naman ng mga netizens ay hindi na dapat magulat at magtaka pa si Priscilla dahil kilala naman si John sa reputasyon nito bilang babaero.


Likas na habulin ng chicks ang aktor kaya dapat na tanggapin na lang ito ni Priscilla.


Hindi rin guaranteed na 12 years na silang kasal para hindi na mangaliwa ang kanyang mister.


Si Janice de Belen nga, nagkaroon pa ng apat na anak kay John, pero naakit pa rin sa ibang babae kaya nauwi ang kanilang pagsasama sa hiwalayan.


Mahihirapan na si Priscilla na baguhin pa ang pagiging playboy ni John.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page