top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 25, 2023



Proud na ipinost ng It's Showtime host na si Kim Chiu ang bago niyang bahay. This time, three-storey house sa Baguio ang bagong property ng girlfriend ni Xian Lim.


Dream come true ito para kay Kim, since mahilig mag-bonding ang kanilang pamilya.


Magandang vacation house ang deserve nila sa malamig na lugar ng Baguio City.


Walang ibinigay na location si Kim kung nasaan ito. Pero, obvious naman sa ipinost niya na sa Baguio nakatayo ang new house ng actress-TV host dahil sa mga pine trees na nakapalibot dito.


May overlooking view ang house ni Kim, malawak na bakuran at infinity pool.

Caption ni Kim sa kanyang Instagram post: "Fruit of labor. #ForeverGrateful."


Kung hindi kami nagkakamali, ang bagong rest house ni Kim sa Baguio ang ikatlong bahay ng It's Showtime host.


Una, ang bahay niya sa Quezon City at pangalawa naman ay sa Cebu.


Hindi lang ang pamilya ni Kim ang tiyak na mag-e-enjoy sa bago niyang vacation house, kundi pati na rin ang mga kasama niyang hosts sa It's Showtime since mahilig silang mag-bonding.


Walang duda na worth more than P50 M ang bagong bahay ni Kim sa Baguio.

Tanong, next project na kaya ni Kim ay ang bahay na titirhan ng pamilya nila ni Xian

when they finally decide na magpakasal?


Oh, baka naman may ipinapatayo na si Xian at balak na lang niyang sorpresahin ang kanyang long-time girlfriend na si Kim?


Well, sana all na lang talaga.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 25, 2023



Payag na ang mga fans ni Kris Aquino na magkaroon siya ulit ng love life at kung si Batangas Vice-Gov. Marc Leviste man ang nagpapasaya sa kanya ngayon ay hindi na sila tututol at kokontra.


Nakikita naman ng mga fans ng Queen of All Media na todo-effort si VG Marc na alalayan, tulungan, suportahan at pasayahin ang kanilang idolo habang ito ay may sakit na pinagdaraanan.


Bumibiyahe pa papuntang Amerika si VG Marc upang bigyan ng moral support at samahan si Kris sa panahong kailangan niya ng karamay at masasandalan.


At kahit may ilan pa rin ang nagdududa sa sinseridad at intensiyon ni VG Marc ay unti-unti nang nakukumbinse ang mga supporters ng Queen of All Media na karapat-dapat nga itong mahalin ng kanilang idolo.


Marami rin ang nakakapansin at nagsasabing tila sumisigla at lumalakas si Kris kapag nasa tabi niya si VG Marc.


Mistulang gamot nga ang epektong idinudulot ni VG Marc sa buhay ngayon ng Queen of All Media at maging sa mga anak niyang sina Bimby at Joshua. Botong-boto rin ang dalawa kay VG Marc para sa kanilang ina.


Hopefully ay natagpuan na nga ni Kris ang tunay na pag-ibig sa katauhan ni VG Marc.


 
 

ni Maricon Nolasco @Special Article | May 25, 2023



Pansamantalang magpapahinga sa paggamit ng social media si Jake Zyrus dahil gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang mental health.


Ang panimulang mensahe ni Jake sa kanyang Facebook post, "Hi all! I know I don't post a lot, but I just wanted to let you guys know that I'll be taking a break from social media for a few weeks to focus more on my mental health."


Dagdag pa niya, "It's been a rough ride. A lot of people have tried to break me, so this is me fighting back, by healing."


Pagtatapos niya sa kanyang post, "I know it's not gonna be easy, but I also know it will help me a lot. If you're looking for a sign to also take a break because it's been a lot for you, this is it. Let's do this together."


Dahil sa ipinost na ito ni Jake, hindi naiwasan ng mga netizens na magbigay ng kani-kanilang reaksiyon tungkol dito.


Hinala ng isang netizen na iniwan na si Jake ng mga taong nakasama niya noong sikat na sikat pa siya bilang si Charice dahil sa pag-amin niya sa kanyang tunay na pagkatao.


"People will celebrate your strength para umamin, pero hanggang du'n lang sila. Iiwan ka rin nila sa ere after that. 'Yan kasi, nagpadala ka sa udyok ng ibang tao na mag-out."


Ang hirit naman ng isang commenter ay baka nagsisisi na si Jake sa kanyang desisyon.


"Mukhang nagsisisi na si Jake?!?! Oooops!"


Habang ang comment naman ng isa pa ay sana, nag-isip daw muna nang ilang beses si Jake bago sumailalim sa procedure para maging isang ganap na lalaki.


Ang dami rin daw oportunidad na nawala sa kanya dahil sa desisyon niyang ito, "This is the consequence of the choice Charice/Jake made... Sana nag-isip muna siya nang isang milyong beses. Ang daming opportunity ang nawala sa kanya. Although naging masaya naman talaga siya sa pinili niya, pero hindi niya siguro naisip na ganito ang kalalabasan."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page