top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 5, 2023



May post si Joey De Leon sa social media na “Kanta ni Dolly Parton na 9 to 5.”


Aniya sa account niyang @angpoetnyo, "Sabi ko noon, we are not signing off, we are taking a day-off. In other words, pahinga muna. In English, TAKE5."


Dahil sa post ni Joey, agad na naalarma ang mga followers ng programang It' Showtime.


Pagbibigay umano ito ng hint ni Joey na sa TV5 na sila mapapanood.


Komento ng netizen, "Nag-umpisa sila sa Channel 9 and now, Channel 5 na."


"It’s Showtime ang noontime show sa TV5."


"TVJ before It’s Showtime?! GOLDEN HOUR!"


"Mas bet ko if It’s Showtime muna, then TVJ. Para katapat ng It’s Showtime ‘yung show ni Kuya Kim (Atienza) and katapat naman ng TVJ ‘yung Eat…Bulaga!"


"It’s Showtime might go back to their original time slot, 10:30 AM at ligwakin or i-move na lang ang Face-2-Face."


"Downfall na ito ng EB!. Ang daming area sa ‘Pinas na nawawala ang signal ng TV5. Well, good luck na lang. Hype lang ‘yan ng 1 month, tapos ‘di na uli sila pansin."


"Pero, wala rin namang manonood du’n sa mga new hosts ng EB!. For sure, mahina na rin ang mga sponsors nila. So, sabay-sabay ang downfall nila."


"Nasa social media era na tayo, local televisions are no longer powerful. Kaya nga nowadays, it really doesn’t matter kung wala kang TV station, mas importante ay may producer ka na makakapag-finance ng show or content mo. And then, you stream it or post it on social media. EB! was already doing it, if hindi mo napansin. They have a separate YouTube account na nagla-live stream ng show nila.”


"Sinong producer n’yo? Millions ang suweldo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey. The producer needs to shed billions."


Balita namin ay ang mismong TV5 na ang hahawak sa EB! at hindi na ang unang napabalitang si Mayor Albee Benitez. Hindi na rin nila gagamitin ang titulong Eat… Bulaga! para sa kanilang bagong show kundi Dabarkads na.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 5, 2023



Ipinost ni Michael V. sa kanyang Facebook account ang balitang hindi niya tinanggap ang offer ng TAPE, Inc. na maging isa sa mga main hosts ng Eat… Bulaga!.


Hindi na ito nakakagulat dahil may respeto si Bitoy kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, maging sa iba pang mga co-hosts ng show na kaibigan din ng komedyante.


Kung tama ang bilang namin, 14 years ding naging host sa EB! si Bitoy at para sa kanya, hindi magandang tingnan na siya ang isa sa mga papalit sa TVJ na itinuring niya bilang kanyang mga mentors.


In fact, suportado ni Bitoy ang pakikipaglaban nina Tito Sen, Vic, Joey at ng mga Dabarkads sa TAPE, Inc.. Ipinahayag ito ng komedyante sa pamamagitan ng isang Instagram post.


“Panibagong laban. Mas malaman kesa sa Bulagaan Olympics, Juan for All, All for Juan, pang-malakasan. Not a “goodbye” but a “see you soon” lang naman. Salamat, Eat… Bulaga!... Dabarkads, magpakailanman,” post ni Bitoy.


Nakatanggap ng papuri si Bitoy mula sa mga netizens dahil sa pagtanggi nito sa offer ng TAPE, Inc.. May delicadeza at respeto raw ang komedynate na talagang dapat tularan ng iba.


Ang iba naman ay sumaludo pa kay Bitoy at good decision daw ang ginawa nito.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 26, 2023



Talagang pinaninindigan na ni Nadine Lustre ang pagiging vegetarian o vegan. Pati nga ang pagbili sa mga leather bags at shoes ay hindi na rin niya ginagawa dahil galing ang mga materials nito sa balat ng mga hayop.


Sa YouTube vlog ni Dr. Aivee Teo, naikuwento ng aktres na walong buwan na siyang hindi bumibili ng anumang gamit na gawa sa leather dahil galing ito sa balat ng hayop.


Hindi na rin kumakain si Nadine ng mga karne at mga dairy products. Sa tuwing kumakain naman siya sa labas, mas pinipili niya ang mga vegan options.


Maging sa mga alak at mga tinapay ay mapili na rin si Nadine. Mabuti na lang, may mga vegan restaurants na sa Metro Manila kaya napapanindigan na niya ang pagiging isang vegan.


Also, kering-keri ni Nadine na maging vegan dahil marami naman siyang pera. Ang mahal kayang magkaroon ng vegan diet.


Sabi pa ni Dr. Aivee, nakikita na raw sa aura ngayon ni Nadine ang mabuting epekto ng pagiging vegan nito.


Samantala, nami-miss na ng kanyang mga fans si Nadine, sandali na lang at mapapanood na uli siya sa big screen at may ginagawa rin siyang TV series na may titulong Road Killers sa direction ni Rae Red.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page