top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 9, 2023




Old photo naman pala nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang pinagsimulan ng balitang engaged na ang dalawa.


Kuwento ng aktres sa 24-Oras, kuha pa sa bakasyon nila sa Amanpulo ang picture at inakalang engaged na sila dahil sa pa-‘candlelit dinner’ at finger heart emoji ni Dom.


“Akala ng mga tao, engaged na kami. Hindi, hindi pa po,” natatawang sabi ni Bea at natatandaan naming nangako sila ni Dominic na hindi nila itatago kapag nag-propose na ang aktor dahil alam naman ng dalawa na hinihintay ito ng kanilang mga fans.


Saka, sa dami ng naka-line-up na projects para kay Bea ngayon, parang wrong timing na maging engaged sila ni Dominic.


Na-interview nga siya sa taping nila ni Dennis Trillo para sa seryeng Love Before Sunrise na malapit-lapit na rin ang airing.


Kasabay ng taping ng teleserye nila ni Dennis ang taping ni Bea para sa talent competition na Battle of the Judges, kung saan isa siya sa mga judges.


Happy and excited ang aktres na napasama siya sa naturang talent show dahil ito raw ang unang beses na magiging judge siya.


“I am humbled to be part of the panel. Amazing judges ang mga makakasama ko. I’m very, very excited. Ready to go na rin ang Team Bea,” ani Bea.


Bukod sa first time na magiging judge sa isang contest, tiyak na aabangan din ang magiging interaction nina Bea at Alden Richards na host ng Battle of the Judges.


May tsika kasing nagkaroon ng ‘slight conflict’ ang dalawa sa taping ng Start-Up.


Patutunayan nga ng mga ito sa nasabing talent search na okay ang pakikitungo nila sa isa’t isa.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 8, 2023




Ini-reveal ng boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou na nagkaroon siya ng cancer three years ago.


Panimula ni Christophe sa kanyang Instagram post, “This was something I never thought I’d share at all on social media. Maybe I never did because I preferred not to be seen as the victim or to use this illness to appeal for pity.


“And while I was successfully overcoming it, I saw many around me losing their lives trying to, so it didn’t feel right to talk about myself.


“But around 3 years ago, I was diagnosed with cancer and I was told I only had a few weeks left to live. I experienced the darkest sensation of fear, which is something I thought I had already known because it wasn’t the first time I was in a life-threatening situation.


“But this was different. The enemy was invisible and deep inside my own body — a body that I never doubted before, at the age of 27.”



Nu'ng una raw ay natakot siya, “I was scared but I was also angry and frustrated at life. I thought, I’ll never have kids, my own family, or finish what I started in Siargao. I will never get my first barrel surfing.”


Natanong din daw niya ang sarili, “Why is this happening to me? Why me?! I felt so full of life and suddenly finding out I had a couple weeks left to live was devastating… to say the least."


Pero imbes na magmukmok, ginawa niya ang lahat ng makakapagpasaya sa kanya.


“Live the best I could out of my last days and not even bother trying to cure myself since I thought there was not much hope left.”


Pero nang malaman daw niya sa ibang doktor na may chance pa siyang magamot, "I had to drop everything, leave immediately, and go back to France to a specialized hospital.”


Nadiskubre raw ng mga doktor na may rare type of lymphoma siya (isang uri ng kanser na nagmumula sa mga selulang puting dugo na tinatawag na mga lymphocyte).


Nabanggit din ni Christophe na sa sobrang bihira ng case niya, wala raw lumalabas na mga statistics na nagpapakita na may chance of survival ang taong tatamaan nito.


Pero kahit na ganu’n ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Christophe at sinimulan na nga nito ang anim na buwang pagpapagamot niya.


“Not only was I lucky enough to benefit from the best treatments available from the leading cancer research center in Europe, but all of this was completely free of charge. Thanks to the rights the French fought for. It just makes me think how unfair it can be in other countries

when something as bad as this hit.”


Pagkatapos daw ng kanyang dalawang buwan na pag-undergo ng chemotherapy at immunotherapy, "I was full remission. Live and let live.”


Nagpasalamat siya sa mga taong sumuporta sa kanya, “I can never thank enough everyone who supported me during these tough times — my partner at the time, my family and my friends.”


Komento ng ilang netizens sa inilahad ng boyfriend ni Nadine…


“Thank you for sharing from the heart and for embodying the light for all sentient beings.”


“Bakit sobrang nalungkot ako kahit ‘di ko naman siya kilala personally? Maybe because para talaga siyang mabait.”


“He's already well! That was 3 years ago. Hopefully, ‘wag nang bumalik ang cancer. Alam mo naman ang sakit na ‘yan, traydor.”


“Full remission na siya pero hindi pa cancer-free. Usually, 5 years or more pa bago masasabi ng doctor na cancer-free na. Regularly pa rin siya nagpapa-check-up. Ka-age lang pala siya ni Nadine? Sana nga ay silang dalawa na ang magkatuluyan.”


“Wow in two months only? Tapos rare pa?! It's a miracle!”


“OMG! I'm really surprised by this. Praying that he recovers and will be healed soon. He seems like a good fit for Nadine.”


May isa namang nakaalala sa dating panayam ni Nadine kung saan sinabi nitong ayaw niyang magbuntis at magkaanak at mag-aampon na lang kung saka-sakali.


“Mukhang he’s a family man and wants to have his own sa future. ‘Wag sana siyang paasahin ni Nadine na very vocal na ayaw magkaanak,” sey ng netizen.

Komento naman ng iba pa, “Sana tuluy-tuloy na. ‘Wag mo nang iwan si Nadine, please?”


“So he has a partner pala during his treatments before Nadine?”


“Happy to know that you’re in remission! Nadine is truly God sent to you, she stayed by your side and took care of you. GODSPEED!”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 6, 2023



Maiintriga nito si Alexa Ilacad at baka ma-bash pa ng ilang Kapamilya fans dahil sa pagsabi niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pinakamagandang babae para sa kanya.


Hindi na nga nakapagpigil pa ang Kapamilya young actress sa pagpapahayag ng paghanga niya sa angking kagandahan ng Kapuso Primetime Queen.


Nag-iwan ng komentong, “The most beautiful woman,” si Alexa sa isang Instagram post ni Marian, kung saan ay ine-endorse nito ang isang shampoo brand at true naman na super-ganda ng Kapuso Primetime Queen sa mga naturang litrato.


Maging si Sofia Andres, napa-comment ng emoji. Hindi lang naman ang Kapamilya young actress ang gandang-ganda kay Marian, pati na rin ang kanyang mga followers sa social media.


Speaking of Marian, marami ang natuwa na makitang kasama nila ng kanyang pamilya si Boobay nang mag-shopping sila sa branch ng Uniqlo sa Glorietta 5.


Kasama noon ni Marian ang mga anak na sina Zia at Sixto, asawang si Dingdong Dantes at ang kapatid na babae ng aktor na hindi lang nahagip ng camera, at si Boobay nga.


Nakakatuwa raw na hindi lang financially tinutulungan ni Marian si Boobay na pinagpapahinga muna ng GMA Network sa The Boobay and Tekla Show para gumaling sa kanyang sakit.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page