top of page
Search

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 12, 2021



ree

Handa na ngang pakasalan ni Derek Ramsay ang nobyang si Ellen Adarna matapos ang kanyang biglaang pagpo-propose bago ang birthday ng sexy actress nu’ng April 2.


Pero ang labis na ipinagtataka ng mga netizens ay bakit puro mga kaibigan lang nina Ellen at Derek ang bumati sa kanila? Bakit parang wala man lang naging reaction ang mga kamag-anak ni Ellen nang mag-post sila sa social media tungkol sa kanilang relasyon na humantong nga sa engagement?


Naitanong tuloy ng mga showbiz observers kung alam ba ng pamilya ni Ellen ang nangyayari sa kanyang love life? Bakit dedma lang ang kanyang mga relatives sa balitang magpapakasal na sila ni Derek?


Si Ellen ang panganay sa 5 magkakapatid. Only girl siya at may apat na kapatid na lalaki. Hindi ba binalak ni Derek na pumunta ng Cebu para personal na makilala ang partidos ni Ellen Adarna?


‘Di ba’t noong si Andrea Torres ang nobya niya ay may “meet the parents” siyang ginawa at kasama pa niya ang kanyang pamilya?


Well, baka naman dahil sa ipinatutupad na ECQ ay hindi pa makabiyahe pa-Cebu sina Ellen at Derek kaya wala pang ganap na ‘meet the family’.


Abang-abang na lang tayo!




 
 

Julie Bonifacio - @Winner | April 12, 2021



ree

Tinamaan din ng COVID ang ina ng Your Face Sounds Familiar celebrity contestant na si Geneva Cruz.


Humiling ng panalangin si Geneva on her Instagram account para sa paggaling ng kanyang ina na si Mrs. Marilyn Cruz.


"My family and I are asking all of you to pray for our dear mama, she caught the virus a week ago and needs all the Prayer Warriors of the world to help pray for her. She has hypertension and diabetes that’s why she’s been hit a bit hard," lahad ni Geneva sa caption ng kanyang IG post last Saturday.


Pinasalamatan ni Geneva ang sister niyang si Vanessa na siyang nag-aalaga sa kanilang ina, gayundin ang mga nagpaabot ng tulong sa kanila.


"I’m grateful to my Sis Vanessa for being our hero, personally taking care of mama despite already having a family of her own. We love and appreciate you, Peks. Thanks to those who sent their love, help, and support.”


Sa hiwalay na IG post ni Vanessa na may account name na @nesscruzcarretas, ikinuwento niya ang pinagdaraanan ng kanilang Mommy Marilyn.


Binanggit ni Vanessa sa caption ng IG post niya last April 10 at in-update niya kahapon na kaka-recover lang din niya from COVID-19.


Aniya, "Now, 3 more people in our home are COVID positive. Two asymptomatic and one with symptoms, my Mama, Marilyn, Lynne Bunso. We are 10 people in the household.


"My Mama is on her 7th day since onset of symptoms kaya mas hirap siya today. I know the feeling kasi pinagdaanan ko rin ‘yun when I had COVID. Nagtaka ako kasi naging worse ang symptoms ko. Apparently, 5th-7th day pala ang pinakamahirap kasi peak ng infection but it gets a little better after the 7th day. Hopefully, ganu’n din sa kanya.


"Kaya lang, she has hypertension and borderline diabetes and senior citizen na. So I can imagine it’s way harder for her. My mama's oxygen saturation is low, hindi siya makakain and vomits when eating and drinking medicine. Marami pa naman siyang maintenance meds kaya lang hindi n’ya mainom kasi nasusuka siya.


"Thank God though kasi wala na siyang diarrhea since yesterday and she now has oxygen and IV fluids. I've given her IV antibiotics and plasil this evening."


Ipinost ni Vanessa sa IG account niya ang piktyur ng ina nu'ng pinalitan niya ang IV fluids nito.


At sa last part ng caption ni Vanessa, sinabi niya na nasa Perpetual Hospital na sila ng kanyang ina.

Sa sumunod na IG post ni Geneva, inanunsiyo niya ang gagawing live performance sa kanyang Facebook page at 10 AM to raise funds for her mom. But sad to say, naudlot ito kahapon nang umaga dahil nagkaroon ng aberya sa internet connection.


So, she decided na i-record na lang ang kanyang performance at ipapalabas sa kanyang YouTube channel.


 
 

MISS U


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 12, 2021



ree

Sa ikalawang pagkakataon ay kinuha ulit ang SkinCare & O Skin Med Spa ng CEO at founder na si Ms. Olivia Quido-Co (licensed aesthetician) bilang official skin care sa 69th Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Manila) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.


Nauna ang partnership nu’ng Miss Universe 2019 na pinanalunan ni Zozibini Tunzi mula sa South Africa.


Masayang ibinalita ni Ms. Olivia sa ginanap na virtual mediacon ang muling pagkuha sa kanyang serbisyo lalo’t nagdaratingan na sa Estados Unidos ang 80 kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo.


Sey ni Miss O, “Excited ako roon kasi meron tayong aalagaan na 80 delegates na beauty queens around the world. Tayong mga Filipinos ang mag-aalaga ng beauty queens all over the world.”


Ang Miss U representative ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay kasalukuyang nasa Los Angeles kung saan sila magkikita ni Ms. Olivia para sa pre-pageant activity kasama rin si Ms. El Salvador, Vanessa Velasquez.


Samantala, magkakaroon daw ng live audience sa grand coronation night pero limitado ito sa 25% lang ng capacity venue.


May ticket-selling para sa pageant, at ang mga miyembro ng audience ay iho-hold sa isang bubble sa hotel bago ang grand coronation night.


Kuwento ni Ms. Olivia ay sobrang istrikto ang health protocols na ipapatupad dahil araw-araw ang COVID-19 swab test para sure na safe ang lahat.


“Meron silang tinatawag na COVID-19 protocol na may hinire silang agency, ang Miss Universe, na ite-test kami, lahat kami, ang mga mag-aalaga sa mga delegates for I would say, every day daw ‘yung swab test namin.


"Du’n pa lang, mahigpit na mahigpit na sila because they will place us in a bubble sa hotel.”


Siyempre, natanong si Ms. O kung ano ang nakikita niyang tsansa ni Rabiya sa 79 kandidata at palarin kaya itong maging ika-limang Ms. U ng Pilipinas?


“Meron siyang something about her aura, and meron siyang charm na very relatable. You know, magaling siyang speaker, strong ‘yung story niya. I think those are her edge na malaki ang chance natin sa Miss Universe this year,” paliwanag nito.


Bukod kay Rabiya, ang nakikita raw ni Ms. O na strong contender sa Miss U ngayon ay si Amanda Obdam ng Thailand.


At siyempre, gusto ring makilala ni Miss O at muling makita si Miss Chile Daniela Nicolás dahil isa siya sa mga naging panel of judges sa Miss Chile.


“Excited din ako to meet Miss El Salvador, para siyang Barbie doll, as in literally parang Barbie doll, so I wanna see her in person at si Maria Thattil ng Australia,” dagdag pa ni Ms. O.


Inalala ng California-licensed aesthetician kung paano nagsimula ang partnership niya with Miss Universe nu’ng 2019 when she helped the pageant’s swimsuit competition and shared skin care tips for the candidates.


Ang isa sa mga tumulong kay Ms. Olivia para makilala nang husto ang kanyang SkinCare & O Skin Med Spa ay noong dalhin ni Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines pageant at kilalang beauty queen maker, ang dating beauty queen na si Venus Raj at dahil naging word of mouth ang magandang serbisyo ay dinagsa na ito ng mga kilalang celebrities ng bansa at mismong mga taga-America na rin.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page