top of page
Herlene Budol - IG.jpg
Search

ni Mai Ancheta @News | September 24, 2026



Strait of Hormuz - Reuters

Photo: Strait of Hormuz - Reuters / File



Apat na Filipino seafarers ang kumpirmadong patay sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Strait of Hormuz.


Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa harap ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East kung saan maraming Pinoy seafarers ang naapektuhan ng kaguluhan.


Ayon kay Cacdac, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng tatlo mula sa pag-atake nitong Agosto at isang nawawala noong Pebrero na ikinonsidera nang nasawi.


Sinabi ng kalihim na umabot na sa 35 barko ang inatake habang dumadaan sa Strait of Hormuz  kung saan sakay ang mga Filipino seafarers.


Ayon pa sa opisyal, nasa 70% na ng mga Pinoy seafarers ang ligtas ang kalagayan at nakauwi na sa bansa habang ang 30% ay inaasikaso na ang kanilang agarang repatriation.

 
 

ni Mylene Alfonso | June 27, 2023




Umapela kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholder na magtulungan upang palakasin ang industriya ng maritime ng bansa at magpatibay ng mga bagong teknolohiya at makakuha ng mga umuusbong na pagkakataon para sa ating mga marino.


Ginawa ng Pangulo ang panawagan kasabay ng pangakong patuloy na palalakasin ang mga patakarang may kinalaman sa maritime at protektahan ang kapakanan ng mga marino at kanilang pamilya.


Sa kanyang talumpati sa Seafarers Summit sa Pasay City, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng pribadong sektor at ng gobyerno sa pagbabago ng industriya ng transportasyon, kabilang ang pagpapadala, na minarkahan ng pagdating ng mga bago at sustainable fuels, at ang deployment ng digitalization at

automation.


Inulit ng Pangulo ang kanyang direktiba sa Maritime Industry Authority at Commission on Higher Education na makipagtulungan sa industriya ng pagpapadala sa upskilling at reskilling ng mga Filipino seafarers para ihanda sila sa paglilipat ng mga sasakyang pandagat mula sa paggamit ng conventional, pinagmumulan ng gasolina sa berdeng ammonia sa pagitan ng 2030-2040.


Dumalo ang Pangulo sa Seafarers Summit sa Pasay City noong Lunes na may temang

“Shaping the Future of Shipping-Seafarer 2050 Summit”.


Naroon din si Transportation Secretary Jimmy Bautista sa naturang event kasama sina Migrant Workers Secretary Susan Ople, Labor and Employment Secretary Benny Laguesma, iba pang miyembro ng gabinete, Diplomatic Corps at iba pang foreign ministers at policymakers.


Gayundin ang mga opisyal at miyembro ng International Chamber of Shipping sa pangunguna ni Chairman Emanuele Grimaldi kasama ang iba pang pinuno ng civil society at international organizations, at mga opisyal at miyembro ng Filipino Shipowners Association.


Ibinahagi ni Marcos na ipinagmamalaki ng gobyerno at ng mga mamamayang Pilipino ang pamana ng dagat ng Pilipinas at ang titulo ng bansa ay ang "Seafaring Capital of the World" kung saan mahigit kalahating milyong Pilipino ang "nagtatapang sa kalawakan ng karagatan, na binubuo ng isang-kapat ng pandaigdigang maritime workforce".


 
 

ni Mai Ancheta | June 24, 2023




Libre sa pamasahe ang lahat ng seaman sa Light Rail Transit 2 at Metro Rail Transit 3 sa June 25, 2023 bilang pagkilala sa Day of the Filipino Seafarers.


Batay sa anunsiyo ng Light Rail Transit Authority, may libreng sakay ang LRT 2 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.


Ang libreng sakay naman sa MRT 3 ay mula alas-5:30 ng madaling-araw hanggang sa last trip sa ng gabi. Hanggang alas-9:30 ng gabi ang operasyon ng North Avenue station ng MRT 3 habang ang operasyon ng Taft Avenue ay hanggang alas-10 ng gabi.


Ang Day of the Filipino Seafarer ay taunang ipinagdiriwang ng bansa bilang pagkilala sa mga masisipag at masigasig na Pinoy seamen at sa kontribusyon ng mga ito sa maritime industry.


Kinikilala rin ang mga Filipino seafarer dahil sa malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang dollar remittances.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page