top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | December 15, 2025



William Morrison III

Photo: Circulated

 

Nabansagang isa sa mga pinakamasamang karanasan ang ginaganap na 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand kasunod ng umano'y maraming iregularidad, kaguluhan at dayaan na nagaganap sa naturang regional multi-sports event.


Matapang na inilahad ni Filipino shot putter William Morrison III ang pagkadismasya sa umano’y mababang kalidad at pabagu-bagong desisyon ng mga opisyales na nakaapekto sa kanyang kabuuang performance sa athletics competitions ng 33rd biennial meet sa Suphachalasai National Stadium.


"Man, lots of issues, man. They're saying that my shot put didn't weigh in. This is the only place my shot put hasn't weighed in. I've used that shot put at Asian Games, Asian Championship, in the States, in Canada, Japan, everywhere I've used it. It's never been lightweight. And all of a sudden here, it's lightweight," pahayag ni Morrison, na nabigong mabawi ang korona na nakuha sa nagdaang Vietnam Games at makuntento sa tansong medalya. “And then I'm throwing, and they're going to stop me in the middle of my throw?


Like, why would they do that? Like, why would you stop me in the middle of my throw? Just to fix my bib. And then the shot puts that they provided were dog sh_t. They were not balanced."

Nahigitan ni Jonah Chang Rigan ng Malaysia ang 18.14 game record sa 2021 SEA Games sa bagong 18.78. Nagpahayag din ng matinding sama ng loob ang Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) sa patuloy na maruming tawagan sa boxing ng judges at officials kasunod ng pagkakatalsik nina Olympians Nesthy Petecio at Hergie Bacyadan sa semifinals.


Nanawagan si ABAP secretary general Marcus Manalo na kinakailangang magpakita ang pampalakasan ng integridad matapos ang itinuring niyang hindi patas na paghusga at pag-iskor na nagresulta sa kontrobersyal na 3-2 split decision na pagkatalo ni Petecio kay Hasanah Huswatan ng Indonesia.


The sport really has to be better in terms of integrity. Otherwise, baka we don't really deserve to be in the Olympics beyond 2028,” pahayag ni Manalo at nagsimula ring mabigo ang iba pang boksingero. “Hindi natin mapakita sa mundo na may integrity tayo when it comes to refereeing and judging.”


Malaki ang paniniwala ni Manalo na ang laban ni Petecio sa women’s 63-kg semifinals ay nararapat na magtapos sa 5-0 unanimous decision panalo.  “Iyong kay Nesthy, very surprising kasi I thought the last round was very clear sa atin. I wasn't even worried about the result. Nag-e-expect na lang ako na sa atin talaga, unanimous,” saad ni Manalo. “Pero naging 3-2 split pa for the Indonesian. Hindi naman bago ito sa boxing, unfortunately. But part of the things that you have to deal with.” 

 
 

ni Gerard Arce @Sports | December 15, 2025



Agatha Wong

Photo: Ibang klaseng performance ang ipinamalas ni Agatha Wong nang muling tumingkad ang kanyang galing para masungkit ang ika-6 na niyang  SEA Games gold sa 2025 Thailand edition kahapon. Dagdag medalya ito para sa Pilipinas sa Women’s Taijijian-Taijiquan categories, na umiskor sa kabuuang 19.556 points. (gmapix)


Nagpatuloy sa pagiging reyna sa  paboritong event si Agatha Wong upang madepensahan ang korona kahapon sa women’s taijiquan-taijijian wushu event sa  Bangkok  habang nabigong makabuhat ng medalya si 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa women’s 58kgs weightlifting sa Chonburi sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.


Nairehistro ni Wong ang ika-anim na gintong medalya sa iskor na 9.773 sa Taijiquan at 9.783 sa Taijijian para sa kabuuang 19.556 tungo sa unang ginto sa wushu national squad. Nahigitan ni Wong si Basma Lachkar ng Brunei Darussalam sa  19.546 mula sa 9.766 sa Taijiquan at 9.780 sa Taijijian, habang nakuha ni Sydney Sy Xuan Chin ng Malaysia ang bronze medal sa 19.523.


Pinaghugutan ng 27-anyos na taijiquan bronze medalists sa World Championships sa Brazil, ang 7th place finish sa 2025 World Games, upang sandalan ang mahusay na performance sa barehand form na ipinareha ang naiibang galaw sa sword routine.

Sa hindi inaasahan nabigo sa medalya ang 34-anyos na si Diaz-Naranjo na 2-time SEAG champion dahil sa  pagpalya sa pinal na buhat na 116kgs sa clean and jerk para sa kabuuang 200kgs na buhat mula sa 90 sa snatch at 110 sa clean and jerk.


Nakamit ni Yodsarin Suratwadee ng Thailand ang gintong medalya sa 224 galing sa 96 sa snatch at 133 sa clean and jerk, habang silver si Natasya Beteyob ng Indonesia sa 218 total (98 sa snatch, 120 clean and jerk) at bronze medal si Quang Thi Tam ng Vietnam sa 215 total.


Nag-ambag naman ng anim na medalya ang team watersports mula kina Lorenzo Pontino sa Ski 1500 at Anton Ignacio sa Runabour 1100 Stock para sa dalawang silver medals, habang may tanso sina Bam Manglicmot sa Endurance Open, Kristine Kate Mercado sa Runabout 1100 Stock, muli kay Pontino sa Ski GP at Angelo Inigo Ventus sa Runabout Limited. Bronze si Mark Jesus San Jose sa men's bowling singles event.


 
 

by Info @ Sports News | December 12, 2025



Gilas Women

Photo: POC Media Pool



ALAS PILIPINAS WOMEN TO THE SEMIFINALS


SPORTS UPDATE: Secured na ang spot ng Alas Pilipinas Women sa semifinals matapos ang bounce-back win kontra Singapore sa straight sets, 25-13, 25-8, 25-18, sa indoor volleyball competition ng 2025 SEA Games ngayong Biyernes, December 12.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page