ni Lolet Abania | November 11, 2021
Nagbitiw na si Davao City Mayor Sara Duterte sa Hugpong Ng Pagbabago (HNP), ang regional party na kanyang itinatag.
“Why we are saddened by her resignation, we however wish her all the best in her future plans,” ani Anthony del Rosario, HNP secretary general, sa isang statement ngayong Huwebes.
Ginawa ito ni Mayor Sara, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilang araw matapos na mag-withdraw ng kanyang reelection bid para sa 2022 elections, kung saan nabuo ang mga ispekulasyon na tatakbo siya sa isang national post.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, kaalyado ni Mayor Sara, na tatakbo ito sa pagka-pangulo sa susunod na eleksyon.