top of page
Search

ni Madel Moratillo | July 1, 2023




Isang kilo ng regular-milled na bigas lang umano ang kayang bilhin ng 40 pesos na dagdag-sahod na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region.


Sa isang pahayag, sinabi ng Federation of Free Workers na ang 40 pesos na dagdag-sahod sa mga minimum wage workers sa NCR ay hindi sapat sa gitna ng mataas na cost of living sa rehiyon.


Bagama't isa anila itong maliit na panalo sa hanay ng mga manggagawa, dismayado pa rin ang maraming manggagawa sa karampot na dagdag-sahod.


Ang inaasahan sana umano nila ay 100 pesos man lang para makaagapay sa pang-araw-araw.


Dismayado ang grupo dahil mga negosyante umano ang mas kinilingan ng wage board at hindi mga manggagawa.


"Ang tingin ho namin dito ay mumo insulto sa hanay ng mga manggagawa kasi ang usapin ay overdue na ito. Alam naman natin ang pinagdaanan ng kalagayan ng ating mga manggagawa, dumaan tayo sa pandemya. Dumaan 'yung napakataas na inflation rate hanggang ngayon," pahayag naman ni Jerome Adonis, secretary-general ng Kilusang Mayo Uno, sa isang panayam.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 30, 2023




Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng asahan ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region (NCR) sa darating na buwan.


Ito ay makaraang maglabas ng kautusan ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Wage Order No. NCR-24 noong Hunyo 26, 2023.


Nabatid na magiging P610 na ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa NCR mula sa kasalukuyang P570 para sa non-agriculture sector workers.


Para naman sa agriculture sector, service, at sa mga retail establishments na may 15 o mas kaunting manggagawa gayundin ang mga manufacturer na may mas mababa sa regular na 10 manggagawa ang kanilang daily minimum wage ay magiging P573 mula sa P533.


Matatandaang ang huling wage order para sa mga manggagawa sa pribadong establisimyento sa NCR ay inilabas noong Mayo 13, 2022, na naging epektibo noong Hunyo 4, 2022.


Sinabi ng DOLE na kanilang isinumite ang wage order para sa pagpapatibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Hunyo 26, 2023.


Inaprubahan naman ng NWPC ang wage order noong Hunyo 27, 2023 at nakatakdang ilathala sa mga pahayagan ngayong Hunyo 30, ayon sa DOLE.


"With its official publication set on June 30, the new daily minimum wage rate for private sector workers in NCR shall take effect 15 days after or on July 16, 2023."


Binanggit din ng DOLE na nasa 1.1 milyong minimum wage earners sa NCR ang inaasahang direktang makikinabang sa kautusan.


Dagdag ng DOLE, “About 1.5 million full-time wage and salary workers earning above the minimum wage may also indirectly benefit as a result of upward adjustments at the enterprise level arising from the correction of wage distortion.”


 
 

ni Madel Moratillo | March 30, 2023




Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer hinggil sa tamang pasahod para sa kanilang mga empleyado sa mga holidays sa susunod na linggo.


Ayon sa DOLE, ang April 6, 7 at 10 ay deklaradong regular holiday. Kaya naman, kung ang isang empleyado ay hindi pumasok sa trabaho dapat pa rin nIyang matanggap ang 100 percent ng kanyang suweldo sa mga nasabing araw.


Kung pumasok naman ito sa mga nasabing araw, dapat siyang tumanggap ng 200 percent ng kanyang suweldo sa unang 8 oras, at dagdag na 30 percent sa sobrang oras ng trabaho.


Kung natapat sa dayoff pero pumasok pa rin, may dagdag pa siyang 30 percent na dapat matanggap at 30 percent pa kung sobra na sa 8 oras ang trabaho.


Para naman sa April 8 na deklaradong special non-working day, paiiralin ang no work, no pay policy malibang may colective baragaining agreement sa kumpanya.


Kung papasok ang empleyado dapat siyang tumanggap ng dagdag na 30% ng kanyang arawang suweldo sa unang 8 oras at dagdag pang 30 percent kapag sumobra rito.


Kung natapat naman sa dayoff, dapat siyang tumanggap ng dagdag na 50% sa unang 8 oras at dagdag na 30 percent kung sosobra rito.


Ayon sa DOLE, ang April 9 na Araw ng Kagitingan ay isang ordinary working day.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page