top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 7, 2020



Nagbitiw na ang aktor na si Johnny Depp sa "Fantastic Beasts" movie franchise matapos matalo sa libel case sa Britanya laban sa isang tabloid na tumawag sa kanyang "wife beater."


Ayon kay Depp, pinagbitiw siya ng Warner Bros movie studio sa kanyang role bilang villain na si Gellert Grindelwald.


Aniya, "I wished to let you know that I have been asked to resign by Warner Bros from my role as Grindelwald in Fantastic Beasts and I have respected and agreed to that request.”


Saad pa ni Depp, “The surreal judgement of court in the UK will not change my fight to tell the truth and I confirm that I plan to appeal.


“My resolve remains strong and I intend to prove that the allegation against me are false. My life and career will not be defined by this moment in time.”


Ayon naman sa Warner Bros, magkakaroon ng recasting para sa role na Grindelwald.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 6, 2020




Matapos kumalat ang sakit na COVID-19, nagkaroon naman ng bacterial disease outbreak na tinawag na brucellosis kung saan mahigit 6,000 katao sa Lanzhou, capital ng Gansu province, northwest China ang nagpositibo, ayon sa lokal na pamahalaan.

Tinatayang nasa 55,725 katao sa siyudad ang na-test at 6,620 sa mga ito ang nagpositibo sa brucellosis.


Ayon sa World Health Organization (WHO), makararanas ng flu-like symptoms ang taong tinamaan ng brucellosis. Ito ay nakukuha sa pagkakaroon ng direct contact sa infected animals, pagkain o pag-inom ng kontaminadong animal product at paglanghap ng airborne agents.


May posibilidad din umanong maging malala o chronic ang sintomas ng brucellosis o hindi na mawala pa.


Ayon sa pahayag ng Lanzhou's health commission noong Setyembre, nagsimula umano ang outbreak sa biopharmaceutical factory na pagmamay-ari ng China Animal Husbandry Industry Co.. Gumagamit umano ang nasabing factory ng mga expired na disinfectants simula pa noong July hanggang Agosto 2019 upang gumawa ng brucellosis vaccines.


Dahil dito, naiiwan umano ang mga bacteria sa waste gas hanggang sa naging kontaminado na. Ang mga aerosols na nabuo mula rito ay tinatangay ng hangin papunta sa Lanzhou Veterinary Research Institute kung saan unang naitala ang outbreak noong November, 2019.


Samantala, ipinatigil ang produksiyon ng brucellosis vaccine noong December 2019, ayon sa Global Times.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 4, 2020



Nasagip ang 3-anyos na batang babae sa gumuhong gusali noong Martes matapos ang 91-oras nang tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa Aegean Sea na yumanig sa Turkey na ikinasawi ng 116 katao.


Sugatan ang 1,035 katao sa Izmir sa insidente at 137 sa mga ito ang ginagamot pa rin, ayon sa Turkey's Disaster and Emergency Management Authority (AFAD).


Tinaguriang “Miracle girl” si Ayda Gezgin dahil sa milagrosong pagkakaligtas nito ngunit isang oras matapos nito ay narekober ang katawan ng ina ng bata na si Fidan, 38-anyos.


Bukod sa Bayrakli kung saan nasagip ang bata, wala nang iba pang lugar sa Turkey na nagtamo ng malubhang kalagayan dahil sa naturang lindol.


Pahayag ni Izmir Mayor Tunc Soyer, "We have witnessed a miracle in the 91st hour.”


Saad naman ni President Recep Tayyip Erdogan, "The miracle's name is Ayda.


"With your smiling eyes, you have inspired new hope for us. Thank God. Get well soon, my lovely little one."


Ayon sa Rescue worker na si Ibrahim Topal, natagpuan nila ang bata sa kusina kasama ng oven at iba pang appliances.


Aniya, "From the moment we heard her sound, it didn't matter how tired we were. It gave us energy again. We were so happy."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page