top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 6, 2020




Sinagot ni Ruru Madrid ang tanong ng netizen na si @PaulaAdora1 na, "Ano nararamdaman mo kapag bina-bash ka ng ibang Army dahil ginagaya mo raw si V? #askruru."


Ang V na tinutukoy ng netizen ay ang member ng sikat na BTS Korean boy band na si Kim Taehyung.


Sagot ng aktor at singer, "Ayos lang po. Naiintindihan ko naman po sila, siguro, ganu'n lang po talaga nila kamahal ang BTS. Pero 'di naman po ako papaapekto, patuloy pa rin akong magiging fan at susuporta sa kanila. Borahae," kasama ang purple heart icon.


Ang Borahae pala ay Korean word for "I purple you" na ginawa mismo ni Kim Taehyung mula sa combination ng bora (violet) at saranghae (I love you).


Anyway, nag-tweet si Ruru ng kanyang bagong pasabog na, "Check out my Dynamite Dance Cover on my Tiktok account #DynamiteDanceChallenge. Keep on streaming Dynamite. Borahae."


Pagkaraan naman ng ilang oras ay nag-tweet ang @RurunaticsOFC ng, "Ruru Madrid's Dynamite dance cover on Tiktok has reached 1.1 M views in less than 24 hours. Let's share the great news, Rurunatics!"


Oh well, abangan natin kung may mamba-bash pa rin sa ginawa niyang dance cover ng newest song ng BTS.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 2, 2020




Sa pagpasok ng 'BER' months, isa noon si Megastar Sharon Cuneta sa sobrang abala sa pagbabalot ng gifts at pagsusulat sa kanyang personalized gift cards at kung minsan naman, imported Christmas greeting cards.


Isa kami sa masusuwerteng nakatatanggap ng yearly special Christmas gift na ito ni Mega na hanggang ngayon ay naitabi pa namin. Siya 'yung pinakaunang nagbibigay ng holiday gift at after Christmas, may Valentine's gift din siya na ipinadadala na personalized din, kaya labis mong ikatutuwa 'yun.


Pero isang Pasko, nagkasakit siya dahil sa stress, naospital at muntik na niyang ikamatay, kaya itinigil na niya 'yung kanyang Christmas tradition, na taun-taon niyang nami-miss.


Sa IG post niya nitong August 31, muli niya itong inalala. Caption niya, "This reminds me of the younger me (not looking like this lady at all obviously!) in jeans and a shirt (replace the butler with my late Yaya Luring), gift-wrapping ALL gifts myself overnight for days! Playing Alien, Aliens & Alien 3 over and over on the big TV in my Mom & Dad’s Music Room to keep me company (sometimes it was the whole Rocky series. Whatever was there that I liked!).


"I got sick one Christmas because of stress. They took my blood pressure because I was looking so pale. Turned out it was 200/190 or higher. Kiko and my cardiologist got so angry I went to St. Luke’s that night. After that, I couldn’t do my beloved Christmas routine anymore. Well, the list DID get longer every year and I always had much more to do. Even writing on the gift cards, I refused to delegate. I still have a hard time delegating personal stuff I’d rather do myself.


"Well, I realize now, better than nothing. Still... They STOLE CHRISTMAS FROM ME! And I was born a Christmas person. Even my initials are the same as Santa Claus’! Hahaha! My favorite season of the year."


Samantala, nag-post si Sharon ng collage photos ng favorite South Korean actors na sina Hyun Bin, Ji Chang Wook, Lee Min Ho at Kim Soo Hyun at may caption na, "May kulang..."


Nag-react naman ang mga fans, at nag-suggest pa ng ibang K-drama actors, pero ang kulang talaga sa list ay si Gong Yoo, na una niyang naging love.


Kaya ang sinunod niyang ipinost ay ang solo pic ni Gong Yoo, "Okay!" na tingin ng mga fans ay may special treatment.


Kaya nag-react si @gens_marlyn, "Ayan, kailangan talaga hiwalay. Hahahaha! Ok na po!"

Sagot naman ni Mega, "At 'di rin kasi nagkasya. Hahaha!"


Reply naman ni @gens_marlyn, "@reallysharoncuneta Oo nga, forgiven na 'yun! Hahaha!"


Kaso, may nag-react na naman sa pagpo-post ni Sharon ng mga kinababaliwan at hinahangaang K-actors.


Comment ni @jlagunsad, "Napaghahalata na tuloy, hindi pa naka-get over kay Gabby. Naku, Mrs. Sharon, walang masama kung mahilig ka sa guwapo kung single ka pa, mahabag ka naman sa asawa mo na si Kiko, sa tingin mo, hindi nagseselos 'yan? Piece of advice, delicadeza naman. Idol pa naman kayo ng nanay ko. Nakakaawa si Kiko."


Nag-agree si @ednaobligacion kay @jlagunsad, "I agree with you. Mas guwapo naman si Senator Kiko Pangilinan kaysa sa mga Koreano na 'yan. Tama! Respeto at delicadeza naman."


Kasunod naman niyang ipinost ang short video ni Lee Min Ho kasama ang heart emoticon.


Pero tinalbugan ng post niya kay Hyun Bin na may caption na, "Hi Honey. Uy #Binnie #hyunbin #hyunbinishappiness."


Hindi pa rin nagpaawat si Mega dahil may series of post din siya sa fave K-pop group niya na SHINee.


Sa YouTube channel nga ni Mega, ipinasilip niya ang iba pang K-pop boy and girl group na nagustuhan niya.


Marami man ang nagri-react sa kanyang pagkahumaling sa mga Korean stars, keber na lang niya dahil lahat naman tayo ay may karapatang maging fan kahit ano pa'ng edad natin.


Katwiran ni Sharon, "There's no age limit to being a fan of K-pop groups or K-drama. If they make you happy, hey, you only live once."


Tama nga naman, dahil may kakaiba itong hatid na saya, kaya sige lang, sabi nga, kani-kanyang trip lang at mapaglilibangan lalo na ngayong nahaharap tayo sa pandemya.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 1, 2020




Trending na naman ang #PhilippineSexiestWomen2020 dahil patuloy na ikinakampanya ng mga fans ang "I vote for #MaineMendoza" na sa huling tally ay nasa second place si Maine at nangunguna nga si Nadine Lustre.


Maingay na maingay ang mga fans nina Maine at Nadine, wala silang sawa at hindi nagpapatalo sa pagpo-post na iboto ang kanilang iniidolo sa Twitter, Instagram, YouTube at Facebook account. Hanggang kahapon lang (August 31) ang botohan kaya tiyak kaming nagpuyat ang mga tagahanga ng dalawang kampo at sinagad nang makapag-unli votes.


Kung papalarin, first time ito ni Maine na makuha ang titulo, samantalang si Nadine naman ay nag-e-aim na muling koronahan bilang Philippine Sexiest Women dahil siya rin ang nagwagi noong 2018.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page