top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 30, 2020




Nakakaaliw ang guesting ng mga bida ng Panti Sisters movie na sina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros na nag-effort na mag-Barbie gurl makeup sa #2NYTwithAllanD na umeere sa YouTube tuwing 9 PM ng Sabado.


Sa live streaming ng show ni Allan Diones, muling inamin ni Paolo na hanggang ngayon ay si Piolo Pascual pa rin ang kanyang biggest crush sa showbiz at tipong pinagnanasaan.


Esplika pa ni Pao kung bakit consistent siya sa pagsasabing number one crush niya si PJ, "Eh, kasi hindi niya ako pinapansin. Gusto ko kasi, 'yung may challenge."


Inamin din niyang gumawa naman siya ng effort para magpapansin kay Piolo pero no effect talaga.


Kuwento pa ni Paolo, "Dati, napapanaginipan ko pa 'yan, tapos ibinibigay niya sa akin ang phone number niya sa panaginip ko. Tapos gigising ako, tinatandaan ko 'yung number niya."


Choice naman ni Martin si Lovi Poe at si Maja Salvador kay Christian, na pareho nilang wini-wish na makatrabaho.


May revelation din si Paolo na parang gusto ring mag-artista ng 11 years old na anak niyang si Keira Claire at nag-go-see pa raw para maging young Darna. Ang problema, hindi ito magaling mag-Tagalog.


Mahilig din itong mag-make-up at bonding nila ang manood ng RuPaul's Drag Race.


Dahil sa husay ni Paolo sa pagta-transform bilang sikat na celebrity, natanong siya kung type ba niyang mag-host ng reality competition ng RuPaul's Drag Race kung sakaling magkaroon ng PH edition.


"Gusto ko na lang mag-judge," sagot niya at isama na rin daw sina Martin at Christian para buo ang Panti Sisters.


"Si Vice Ganda na ang mag-host," aniya pa.


Aminado rin siyang napapagod nang mag-make-up transformation. Pero inamin niyang gagayahin niya si Heart Evangelista para sa isang project na pinagpapraktisan daw niya nang husto para sa shoot nila in October.


'Yung pagiging Barbie Gurl niya sa Bawal Na Game Show kasama ni Wally Bayola na napapanood sa TV5 ay parang generic makeup na lang.


Marami pang nakababaliw na revelations sina Paolo, Martin at Christian kaya puwedeng balikan sa YouTube channel ni Allan.

 
 

ARJO AT MAINE, BUKING NA 'DI SUMUSUNOD SA SOCIAL DISTANCING

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 21, 2020




Gumawa na naman ng ingay ang nai-post na photo kung saan kasama ni Arjo Atayde ang GF na si Maine Mendoza at ang pamilya nito sa out of town trip noong isang linggo.


Dahil sa naturang photo, napatunayang hindi totoo ang mga tsismis na break na ang dalawa.


Pero hindi lang ang relasyon ng dalawa ang inintriga kundi pati ang pagsunod nila sa ipinatutupad na health protocols, lalo na ang social distancing.


Ang comment ng ilang netizens na ang ilan ay nang-aasar at may nagsabi pang may nilabag sila regarding social distancing...


"Puwede na pala mag-outing nang ganyan? Aba, ano pa inaantay natin? Tara, sugod na tayo sa Tagaytay!"


"Walang social distancing, pasyal pa more!"


"Hala, outing pa more despite the government’s warning. While others are hinuhuli, eto proud pang ipinost. Good job kayo d'yan."


Comment pa ng isang netizen na nagsabing magsumbong na lang daw sa otoridad, "Sa yaman ba naman nila, hindi sila makakapag-test kung may covid? Hello, 'and'yan pa si Maine. Sila-sila lang din 'and'yan. Tsaka kung sasabihin n'yo kasi hindi sila ordinaryong tao, aba, eh di dapat, i-bash n'yo ang gobyerno kasi hindi sila hinuhuli. Saka, alam din nila ginagawa nila, lalabag ba naman sila kung bawal? Jusko, magsumbong kayo now na lumabag sila, tingnan natin kung may papansin sa inyo."


Pagtatanggol naman kina Maine at Arjo ng isang netizen, "Bitter spotted. Ang magkakapatid ay sa iisang bahay lang nakatira at ang ArMaine ay magjowa. Kayo ba ng pamilya at jowa mo, nagso-social distancing? Ay, baka wala ka palang jowa."


Sinusugan din ito ng isa pa, "Excuse me, 'di sina Arjo ang nag-post, private post 'yan, eh, and hello, family trip 'yan sa resort nina Arjo, less than 10 silang pumunta. Naka-face mask at face shield sila. Maka-hanash lang kayo. Ang sabi ng DOT, puwede na mag-out or mag-vacay with 40 percent capacity."


Paliwanag naman ng isang netizen, "My gosh, you take "social distancing" way too literally! Dumistansiya ka sa 'di mo kakilala, 'yung mga taong 'di mo alam saan nakatira, kung may travel history, sa'n nanggaling, sino kasama, kung may exposure, high risk, etc.. 'Pag pamilya mo, lalo jowa mo, pamilyang kasama mo sa bahay, hindi applicable 'yun. Jusme, na-covid na rin utak ng mga tao. Kaya kalokohan 'yung seat apart sa restaurant para sa mga mag-asawa/partners.


Korek!

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 14, 2020




May bagong pag-amin naman si Megastar Sharon Cuneta, dahil sa IG post niya, mababasa ang... "Ahem. I have a confession. I’ve been watching nothing but Ji Chang Wook @jichangwook series lately. No Hyun Bin or Gong Yoo. So, confirmed! He is now my #1!


"Too old to be his honey, so maybe I can adopt him and be his Mama. Whatever - such a great actor. And dang goodlookin’!!! #iwasborntoosoon #hewasborntoolate."


For sure, napanood na ni Mega ang Smile Again (2010–2011), Warrior Baek Dong Soo (2011), Empress Ki (2013–2014), Healer (2014–2015), The K2 (2016), Suspicious Partner (2017) at ang crime-action film na Fabricated City (2017).


This year, nagbida uli si JCW sa Backstreet Rookie at Mr. Right, and soon sa City Couple’s Way of Love. Next year naman, nakatakda uli siyang mapanood sa City of Stars.


Samantala, sobra talagang nakakabagets at nakaka-happy sa tuwing magpo-post si Sharon ng video ni Taemin. Huling post niya ay may caption na: "Shawol’s baby Taemin in action! #taemin #shinee #shineeworld @shineeworld @notice.shinee

 
 
RECOMMENDED
bottom of page