top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 08, 2021



Kung may ipinagmamalaking "Lola’s Menudo" si Marian Rivera-Dantes na punumpuno ng sahog at sobrang nakakatakam na sarsa, may pantapat naman si Bea Alonzo.


Sa latest vlog niya sa kanyang YouTube channel na in-upload noong September 4, ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang recipe ng kanyang "Lola’s Osso Buco Caldereta".


Caption ni Bea, “I’m sharing with you another cooking video on my channel!! MY LOLA’S OSSO BUCO CALDERETA recipe!! This is one dish that my friends always request for me to do, so sana, magawa n'yo rin sa inyong bahay. Share your thoughts and suggestions in the comments section. #BeaAlonzo #ByBea #LifeIsBEAutiful #cooking.”


Puring-puri nga ng mga netizens si Bea habang nagluluto ng caldereta na ipinamana ng kanyang lola. Talaga namang katakam-takam ito at palagi raw kasama tuwing may okasyon sa pamilya. Lalo na 'pag Pasko at Bagong Taon, hinahanap-hanap daw ng mga kaibigan niya ang napakasarap at masarsang caldereta.


At may nag-comment na bagay talaga na magkaroon siya ng talk show sa GMA-7 dahil para siyang si Kris Aquino na ang sosyal magsalita, na hopefully i-consider talaga ng network.


May isa namang nag-comment ng, “Grabe, ang tat*nga ng mga lalaking pinakawalan si Bea. At ang suwerte ni Dominic, hays, sana sila naaaa… I will be the happiest.”


Anyway, looking forward talaga sina Bea at Dominic Roque na makabisita sa bahay nina Marian at Dingdong Dantes, na matatandaan na personal ngang inimbita ni Kapuso Primetime Queen ang premyado at bagong Kapuso actress sa isang online chikahan.


Kuwento naman ni Bea nang mag-guest sa GMA Pinoy TV Fun Con, “Doon lang talaga kami nagkaroon ng time na mag-chikahan. Because before, nakatrabaho ko rin si Dingdong sa She’s the One, pero hindi ko talaga nakasama si Marian, during our premiere night lang.”


Pahayag pa ni Bea sa mag-asawa na nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng video greeting, “I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends.”


Instagram friends na nga ngayon sina Bea at Marian, at panay na ang palitan nila ng mga private messages.


Anyway, excited na talaga si Bea na matikman nila ni Dominic ang ipinagmamalaking menudo ni Marian at dahil request nga ng huli na magdala rin siya ng kanyang iniluluto.


“Gusto ko ring magluto ng caldereta ng lola ko at iba pang putahe para sa bahay nila,” ani Bea.


Imagine, 'pag pinagsama ang masasarap na menudo at caldereta nina Yan at Bea na sabi nga ay sarsa pa lang, ulam na, for sure ay mabubundat sina Dong at Dom.


Matuloy na sana ito ngayong September, para sa birthday naman ni Bea sa October 17, sina Dong at Yan naman ang dadayo sa bahay ng labs ni Dom.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 06, 2021




Ngayon pa lang ay nagbubunyi na ang mga Sharonians dahil mukhang tuloy na tuloy na ang pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa longest-running action-drama series sa bansa, ang FPJ's Ang Probinsyano.


At dahil nga sa bali-balita, nangako ang mga Sharonians na ngayon pa lang ay sisimulan na uli nilang manood ng serye ni Coco Martin, kung saan kasama na niya bilang leading lady ang rumored girlfriend na si Julia Montes.


May nabasa kami na naghahanap daw ang Dreamscape ng gaganap na nanay ni Julia at may humula na baka si Sharon 'yun.


May naalala tuloy kami a year ago, na noon pa gustong makasama ni Sharon si Coco sa movie. Si Coco naman, nagkaroon ng concept sa movie na puwede nilang gawin ni Mega. Nabubuhay pa noon si Direk Wenn Deramas na siya sanang magdidirek, pero bigla naman itong pumanaw, at nawala na ang project nina Sharon at Coco.


Aba, mukhang mauunahan pa siya ni Julia kung 'yun nga ang character na ibibigay kay Sharon.


Anyway, may iba namang Sharonians ang humuhula na baka maging First Lady siya ni Rowell Santiago na gumaganap na president sa serye.


Well, kung matutuloy talaga si Sharon, sisiguraduhin naman nina Coco na pasabog talaga at magmamarka ang kanyang role para naman 'di sayang ang pagkakasama niya sa Ang Probinsyano na namamayagpag pa rin sa ika-anim na taon.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 04, 2021



Anyway, going back to Sharon, nakita namin na may ini-repost siyang still photo na kuha sa FPJ’s Ang Probinsyano last Monday (August 30), na isa nga si Rosanna Roces sa mga bagong characters na pumasok sa pagsisimula ng ika-anim na taon ng longest action-drama series sa 'Pinas.


Caption ni Mega, “'Lam n'yo na - si Lablab kong si Ms. O, magiging part na ng Ang Probinsyano! Kaya lalong gaganda ang show! Lalo na at nando'n din ang ate kong maganda si @lornatolentinofernandez!!! @therealrosannaroces “Mamayang 8 PM na po @kowalerts #channel22 #iwant #youtube #fpjap.”


Agad namang nag-reply si Osang ng pasasalamat, "Lab Lab Thank You.. I love you.”


Bigla tuloy natuwa ang mga Sharonians at nagkakagulo ngayon, ano raw kaya kung kunin ding special guest si Sharon, since nandu'n naman ang friend niyang si Direk Rowell Santiago at Ate Lorna niya, plus si Osang nga na kapapasok lang? Riot sigurado ang pagsasama-sama nila sa isang serye, ha-ha-ha!


Posible nga kaya na si Sharon ang isa pa sa malalaking pasabog sa ika-6 na taon ng teleserye ni Coco Martin?


Well, abang-abang na lang tayo at sa pangangalampag ng mga Sharonians sa Kapamilya channel at Dreamscape Entertainment, hopefully ay tanggapin ni Sharon sakaling alukin siya na mag-guest sa FPJAP.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page