top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 8, 2022



ree

Naudlot ang pagko-compete ng pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa 71st Miss Universe na sasalihan ng higit na 50 countries. Kinansela kasi ang beauty contest na gaganapin sana bago matapos ang 2022, na walang exact date and venue.


Tiyak na maraming na-sad na mga beki at pageant fans dahil wala silang mapapanood na Miss Universe ngayong taon.


Wala pang official announcement ang Miss Universe Organization para i-explain kung bakit nakansela ang Miss Universe sa taong ito.


Sa isang internal memo na ipinadala ng national directors ng MUO, nakasaad dito na, "We are going to hold the Miss Universe event in the first quarter of 2023, we will announce it soon."


Ang current Miss Universe ay si Miss India Harnaaz Sandhu na kinoronahan nu'ng December 2021 sa Eilat, Israel, kung saan isa nga si Marian Rivera-Dantes sa mga naging hurado.


Ang shortest reigning Miss Universe na si Andrea Meza of Mexico na kinoronahan noong May 2021 ay agad na nagpasa ng kanyang korona.


Ang longest-reigning Miss Universe naman ay si Zozibini Tunzi ng South Africa, na nanalo noong 2019, pero dahil sa pandemya, after two years na niya naipasa ang minimithing korona at titulo ng mga beauty contestants.


Samantala, suportado ni Miss U-PH Celeste ang Suicide Prevention Month na may hashtag na "Be The One".


Hawak-hawak niya ang isang papel na may nakalagay na "It's ok to not be ok."


At caption ng mindnation sa post, "Queen Celeste Cortesi (@celeste_cortesi) of MUPH (@themissuniverseph) has spoken. Let us #BeTheOne to create hope through words when someone is struggling.

"Talk to mental health professionals to learn how you can help a loved one better.

"Book sessions thru the MindNation app (LINK IN BIO TO DOWNLOAD) or thru https://bit.ly/mindnation-book."


At dahil nga sa pagka-postpone ng competition, mas maraming time ngayon si Celeste para makapaghanda.


Nairampa rin niya ang kanyang queenly figure sa pinag-usapang event ng Vogue.


Post nga ng MUPH, "Crowned Miss Universe Philippine continues to stun and impress the fashion world as she brings sultry and bold on last night's #VogueGala."


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 7, 2022



ree

Ang laki na pala ng kinita ng controversial historical family movie of the year na Maid In Malacañang ng Viva Films mula sa direksiyon ni Darryl Yap na pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Ella Cruz, Diego Loyzaga at Cristine Reyes at nasa ika-fifth week na sa mga sinehan.


Sa Facebook post ni Direk Darryl, dahil kumita na ito ng higit sa P650 million (total global gross and counting), nakuha na nila ang 3rd Highest-Grossing Filipino Movie of All Time.


Hindi pa rin natitinag sa unang puwesto ang Hello, Love Goodbye (2019) nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na humamig ng P880 million, samantalang ang The Hows of Us (2018) nina Kathryn at Daniel Padilla naman ang pumangalawa na nakapagtala ng P810 million.


Makikita sa naturang FB post ang official list ng Top 20 Highest-Grossing Films mula sa Philippine Box-Office kung saan nananatiling number one ang Hollywood movie na Avengers Endgame (2019) na kumita ng mahigit P1.7 billion, kasunod ang Avengers: Infinity Wars (2018) na naka-higit P1.2 billion naman sa box office.


Caption ng kontrobersiyal na direktor, "Sa ngayon, sa Philippine Box Office, ang #MAIDinMALACAÑANG po ay ang pangatlong (3rd) Pinakapatok na Pelikulang Pilipino; pang-walo (8th) naman kung kasama ang mga Foreign Films — at patuloy pa rin po tayong showing, umaasang baka may itataas pa.


"Ngunit ang tunay na ikinagagalak ng aking puso, kasama ng aking team ay ang record na nagawa nito para sa aking father studio.


"Maraming salamat po sa lahat ng nakapanood at patuloy na tumatangkilik sa aming munting pelikula; SALAMAT PO SA PAGBIBIGAY NG KARANGALAN SA MAID IN MALACAÑANG BILANG PINAKAPATOK NA PELIKULA NG VIVA Films SA ATING KASAYSAYAN.


"Ipinagmamalaki po namin ang lahat ng ito ay ating nakamit sa panahon ng pandemya; bitbit ang karangalang wala nang mas prestihiyoso sa suporta at pagtangkilik ng sambayanang Pilipino."


May nauna ring FB post si Direk Darryl, na ikinabuwisit ng mga bashers niya na 'yung iba, ang wild talaga ng mga naging comments...


"35 years old

13 Movies

2 Box Office Hits

11 Top Films on streaming

9 Million total social media followers

1 Billion Social media content views

0 reason to be bothered.


Sa kalaban, kayabangan.


Sa nangangarap, katuparan."


Kaya comment pa niya sa kanyang post, "Ang daming mapapait na nagko-comment, mga mukhang Kakampink na walang narating sa buhay maliban sa mga rally nila."

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 6, 2022



ree

Napa-wow si Sharon Cuneta sa IG post ng isang pop artist from Cebu na si @bastinuod kung saan nilagyan ng 'Darna' effect ang cover photo niya sa isang magazine, kaya nagmukha siyang 'queen' ng mga Darna sa ginawang pop art.


May caption ito na: "It's Darna season. And I'm Lazy. #DarnaSeries."


Ini-repost ni Mega ang pop art para magpasalamat, at nilagyan niya ito ng caption na: "Darn!


Darn, Darna! So honored you thought of still associating me with her. So grateful. Thank you so much!"


Super react naman ang mga followers, na dahil sa IG post na ito, nagka-idea tuloy sila at nagtanong kung puwedeng mag-cameo si Sharon sa Darna TV series ni Jane de Leon.


May naisip sila na puwedeng lumabas si Sharon sa back story bilang Queen sa Marte.


Oh well, lahat naman ay posible, lalo na sa fantaserye, kaya tulad ng paglabas niya sa FPJ's Ang Probinsyano, kalampagin na lang nila ang Dreamscape Entertainment. Malay natin, may makaisip na gawing guests ang mga dati nang nag-Darna, hindi lang si Sharon kundi pati ang tulad ni Lorna Tolentino na nag-Darna rin.


Comment ng isang fan, "Hope you’ll be part of Darna just like you were a part of FPJAP. I miss you watching on TV, Ma! Love you!"


May isa namang netizen ang nag-comment at nag-suggest, "Glamorosa beauty!


Requesting glam team of Ms. Shawie. Pls. dress her up in a dress for a change, no more loose pants. Pls. style her like a diva Megastar."


Samantala, kuwelang-kuwela naman ang pag-impersonate ni Turing Quinto kay Sharon sa pinag-uusapang Drag Race Philippines hosted by Paolo Ballesteros, na kahit si Regine Velasquez na guest judge ay aliw na aliw din.


'Yun nga lang, kahit gayang-gaya niya, nakulangan pa rin ang ibang hurado. Sana raw ay mas exaggerated pa ang ginawa niya para mas nakakatawa.


Bagama't maganda naman ang pearl gown na inirampa, nakatikim siya ng panlalait, dahil nagmukha raw itong pang-ninang sa kasal, hindi pang-Drag Queen, kaya ang ending, siya ang na-"sashay away" o natsugi sa competition.


Tanong ng netizen, nakapanood na kaya nito si Sharon? Ano kaya ang magiging reaction niya 'pag nakita niya ang impersonation sa kanya ni Turing na isang plus size diva?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page