top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 14, 2023



ree

Pabor si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kamakailan na may mga pang-aabusong nagawa sa ilalim ng nakaraang administrasyon dahil sa pagtutok sa pagpapatupad ng batas.


Tiniyak ni Duterte na walang intensyon si Pangulong Marcos na punahin siya dahil batid umano ni Marcos kung gaano kahirap na maging isang presidente lalo na umano sa mabibigat na problema ng bansa sa kasalukuyan.


"Yes, that was attributed allegedly made by the President. I am not sure if he was quoted in the complete context of the statement. I am sure that it was not intended to criticize me because he knows how hard it is to be President, especially with the serious problem right now," reaksyon ni Duterte sa panayam ng SMNI News nang hingan ng komento kaugnay sa sagot ni Marcos sa isang tanong tungkol sa human rights situation sa Pilipinas sa isang forum sa Washington.


"You know what am I supposed to do. I cannot be libertarian, I can only be a stoic human being dedicated to enforce the law because you are the implementors, you are the enforcers," saad ni Dutere.


Inamin din ng dating Pangulo na hindi lamang pang-aabuso kundi minsan ay maging ang pamamaslang.


"Tama siya na along the way in the enforcement of the law, a rigid attitude towards the enforcement of the law, abuses will be committed. Ngayon sabihin ko, I’ll go further. Not only abuses, sometimes killing unnecessarily," hirit pa ng dating pangulo.


"Along the way collateral damage marami 'yan, those never intended I am sure by the law enforcement agency. Meron 'yang collateral damage in a shootout, inside the house of the," dagdag pa niya.


 
 

ni BRT | March 21, 2023



ree

Naniniwala ang mga mambabatas na posible ring isyuhan ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Una nang ipinaaaresto ng ICC si Russian President Vladimir Putin dahil sa war crimes sa Ukraine.

“Hindi miyembro ng ICC ang Russia pero nagawa ng ICC na maglabas ng desisyon laban sa war crimes in Russian President Vladimir Putin. Ibig sabihin, puwedeng-pwede talaga na imbestigahan din ng ICC ang mga krimen ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit na inalis niya ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC para makatakas sa pananagutan.


Kawawa naman ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga at iba pang krimen sa ilalim ng administrasyong Rodrigo Duterte kung hindi siya maipapaharap sa anumang korte sa loob o labas ng bansa,” pahayag ni Kabataan Rep. Raoul Manuel.

Ito rin ang apela ng mga biktima at pamilya, ang imbestigahan at arestuhin si Duterte dahil sa hindi naman umano seryoso ang ginagawang imbestigasyon sa war on drugs sa bansa.


 
 

ni Mylene Alfonso | January 29, 2023



ree

Wala umanong pakialam si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte kung muling magbubukas ang imbestigasyon sa kanyang war on drugs, kasabay ng paggiit na walang

hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC).


Ayon kay dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, tinanong niya si Duterte kaugnay sa reaksyon nito sa gitna ng pagsusulong ng imbestigasyon matapos bigyan ng

awtorisasyon ang ICC sa muling pagbubukas ng naturang imbestigasyon.


“Sabi niya, I don’t care what they do. As far as I’m concerned they have no jurisdiction. They have to show me their jurisdiction,” ani Panelo sa naging tugon ni Duterte.


“Sabi niya, if I’m guilty of anything, there would be a Filipino judge hearing my case. If I’m convicted, I will serve my term in a Filipino prison,” wika niya. “Sabi niya, they can do their worst, I don’t care,” ayon pa kay Panelo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page