top of page
Search

ni Lolet Abania | June 10, 2022


ree

Pisikal na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng ika-124 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa Rizal Park, Manila.


Sa isang advisory na ipinadala ng Malacañang sa mga reporters, nakasaad na si Pangulong Duterte ay dadalo nang personal sa Independence Day commemoration rites na may temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas.”


Ang nasabing okasyon ay itinuturing na huling beses na pangungunahan ni Pangulong Duterte ang event bilang presidente ng bansa dahil ang kanyang termino ay magtatapos na sa Hunyo 30.


Noong nakaraang taon, dumalo ang Pangulo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Malolos City, Bulacan, ang tahanan ng unang Republika ng Pilipinas.


Matapos ng selebrasyon ng Independence Day sa Hunyo 12, dadalo rin ang Pangulo sa paglulunsad o naming and commissioning ng BRP Melchora Aquino sa Port Area, Manila.


Batay pa sa advisory, “[President] Duterte will then proceed to the lowering of the tunnel boring machine, as well as train demonstration and unveiling of the Philippine Railways Institute Interim Simulator Training Center of the Metro Manila Subway Project in Valenzuela City.”


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2022


ree

Maaaring magtapos na ang lingguhang late-night briefings ng administrasyon na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte ng Martes, sinabi nitong posibleng ang briefing ngayong linggo ang maging huli sa mga serye na sinimulan nila noong 2020 upang ibahagi ang mga impormasyon at guidelines kaugnay sa pandemic response ng gobyerno, kabilang na ang progreso ng COVID-19 vaccine procurement.


“Maybe this will be the last of the programs na we adopted to improve the communication between the people and government,” ani Pangulo.


Ang weekly briefings ay iniere na ng Malacañang sa gabi matapos na mai-record ito nang mas maaga. Binubuo ang presentasyon nito ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).


Ngayong Martes, nakasuot sila ng puting T-shirts na may nakaimprenta ng imahe ni Pangulong Duterte at may nakasulat na “Salamat PRRD.”


Binasa naman ni Pangulong Duterte ang isang pahayag, “I hope that everybody will come to terms with reality. You have with you a new government and I urge kayong mga Pilipino to rally behind and support the leaders… “You want the next administration to be successful.”


“Maraming, maraming salamat sa inyong pagbigay ng tiwala sa akin,” sabi pa ni Pangulong Duterte. Mahigit tatlong linggo na lamang ay tapos na ang termino ni Pangulong Duterte habang ang kanyang successor na si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay nakatakdang i-inaugurate bilang Ika-17th Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30.


 
 

ni Lolet Abania | May 31, 2022


ree

Naghanda si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang thanksgiving dinner sa Malacañang para sa mga miyembro ng kanyang gabinete nitong Lunes ng gabi, isang buwan bago siya bumaba sa puwesto.


Ayon kay Cabinet Secretary Melvin Matibag, ang dinner ay sponsored ng Pangulo katuwang ang mga asawa ng mga Cabinet members, habang ang kapulungan ay hinarana naman ng Philippine Philharmonic Orchestra.


“We had dinner. It was a light moment, the President rendered some songs, alongside Cabinet members,” pahayag ni Matibag sa mga reporters ngayong Martes, sa sidelines ng Day 2 ng Duterte Legacy Summit.


“It was a celebration. Nagpasalamat siya because for the last six years, a lot of sacrifices were made by Cabinet officials. The achievements of the administration were recognized, and the President also thanked the spouses for allowing the Cabinet members to serve the public,” saad pa ni Matibag.


Hindi naman masabi ni Matibag kung ito na ang huling pagkakataon na makikipagpulong si Pangulo Duterte sa kanyang mga Cabinet members. “There have been a lot of people requesting an audience with him,” sabi ni Matibag.


“We are also looking at [a gathering] with winning candidates of PDP-Laban, and we are hoping it would be accommodated,” dagdag ng opisyal.


Nai-share naman ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero “Popoy” de Vera III sa Facebook ang ilang larawan at isang video ni Pangulong Duterte na nagho-host sa thanksgiving dinner at kumanta pa ng awiting “Ikaw”.


Sa caption ni De Vera na nai-post, sa larawan ni Pangulong Duterte kasama ang mga Cabinet members ay, “One last fist pump for the Duterte administration.” Bukod sa miyembro ng mga gabinete, naroon din sa event si dating Special Assistant to the President at Senator Christopher “Bong” Go.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page