top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | August 22, 2023




Hiniling ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na buwagin na ang National Food Authority (NFA) dahil hindi umano sinusunod ang mandato na tulungan ang mga magsasaka.


Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, mas pinili pa ng NFA na bumili ng bigas sa ibang bansa kaysa mula sa mga lokal na magsasaka.


Bagama't dinagdagan ang pondo ng NFA para ipambili sa produkto ng mga lokal na magsasaka, sinabi ni So na hindi ito nasunod dahil sa ibang bansa bibili ng bigas ang ahensya.


Taliwas aniya ito sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang domestic production sa sektor ng agrikultura.


Ibinunyag ni So na personal na pumunta umano sa India ang NFA administrator para makipagnegosasyon sa aangkating bigas ng ahensya.



 
 

ni BRT | April 20, 2023




Tumaas na naman ng P2 ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan pati sa Kadiwa Stores ng Department of Agriculture (DA).


Batay sa ulat, P40 na ang kada kilo ng bigas mula P30 sa Kadiwa stores.


Sa Commonwealth Market sa Quezon City, P2 ang itinaas ng pinakamurang bigas.


Ayon sa mga tindero, tumaas umano ang presyo ng mga supplier kaya wala silang magawa kundi magtaas din.


Halos lahat umano ng klase ng bigas ay nagtaas nang P2 kada kilo dahil sa kakulangan ng supply.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 14, 2023




Naglabas ng kabuuang P1.1 bilyong pondo ang Department of Budget and Management (DBM) sa National Food Authority (NFA) para sa one-time rice assistance sa lahat ng mga kwalipikadong empleyado at manggagawa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.


Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na inaprubahan ni Secretary Amenah Pangandaman ang P1,182,905,000 Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) noong Abril 12, 2023.


Inihayag ng Budget Department na makikinabang sa rice assistance ang 1,892,648 government workers, kabilang ang Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel.


Una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Administrative Order No. 2 na nagbibigay ng one-time assistance na uniform quantity na 25 kilo ng bigas para sa lahat ng kwalipikadong empleyado.


Nabatid na ibibigay ang rice assistance sa mga empleyado na nagbigay serbisyo hanggang noong Nobyembre 30, 2022.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page