top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 4, 2023


Nakipagharurutan sa unahan si Kingwash Kho upang sungkitin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Nakipagtagisan ng bilis si Kingwash Kho sa unahan laban kina Jewel Of The Nile at Queen Of The South hanggang sa far turn.


Papalapit sa home turn ay dalawa na lang ang naglulutsahan sa unahan at ito'y sina Jewel Of The Nile at Kingwash Kho pero sa huling 100 metro sa rektahan ay umungos na ang winning horse.


Nirendahan ni jockey Conrad Henson, itinawid ni Kingwash Kho ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Jewel Of The Nile habang tersero si Srinagar.


Inilista ni Kingwsh Kho ang tiyempong 1:13.2 minuto sa 1,200 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Hindi naman nagpadaig si Joyful Princess sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangatlong karera.


Nirendahan ni JT Pabilic si Joyfull Princess na nagtala ng tiyempong 1:26.8 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P10,000 added prize para sa winning horse owner.


Nagwaging dehado si Joyfull Princess kaya nagsaya ng todo ang mga dehadista.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 3, 2023


Masusubukan ang husay ni Domsat Seven pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Aarangkada si Domsat Seven sa distansiyang 1,200 meter race kontra anim na tigasing kalahok at ayon sa mga komento ng karerista sa facebook page ng karera ay posibleng dominahin nito ang laban.


Sasakyan ni jockey Ryan Roy Garcia, makakatagisan ng bilis ni Domsat Seven sina Top Of The Line, Be Thoughtful, Wild Eagle, Lady Liberty, Buena Bell at Lucky Lucy.


Nakalaan ang P20,000 added prize para sa mananalong 3-year-old horse lang sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Tingin ko horse-to-beat si Domsat Seven kaya malamang super liyamado 'yan mamaya sa Race 1." saad ni Bernardo Vicente Salvador, veteran karerista.


Tiyak na magandang labanan din ang masisilayan ng mga karerista sa bakbakan ng pitong mahuhusay na kabayo sa Condition race na ilalarga sa pangalawang karera.


Ang mga kasali ay sina Tool Of Choice, A. P. Factor, Hookbung Dagat, Senyorita, Landslide, Batang Cabrera at Under Pressure sa distansiyang 1,200 mere race.


Samantala, may siyam na races ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Biyernes kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Race 1 - Domsat Seven (1), Buena Bell (6), Lucky Lucy (7)

Race 2 - Batang Cabrera (6), Hookbung Dagat (4)

Race 3 - Apollo (3), Sayaw Kikay (12), Big Girl (6)

Race 4 - Open Billing (13), King Hanz (2), Lucky Noh Noh (3)

Race 5 - Signature Whisky (3), Lucky Julliane (11), Little Ms. Saturday (4)

Race 6 - Chloespirit (3), She Is Sizzling (11), Hunky Dory (4)

Race 7 Galloping Ghost (6), Batas Kamao (5), Bucasgrande Island (12)

Race 8 - My Jopay (1), Elegant Lady (4)

Race 9 - Speak Easy (1), Golden Eight (5), Chase The Gold (6)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 2, 2023


Inaabangan ng mga karerista ang magaganap na 2023 PHILRACOM Commissioner's Cup na ilalarga sa Pebrero 26 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Kahit wala pang opisyal na line up ay tiyak na marami ang sasali dahi sa nakalaan na premyong P2.5-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.


Nakaraang taon ay ang Boss Emong ang nagkampeon sa nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno nii chairman Reli De Leon.


Kabilang sa mga inungusan ni Boss Emong ay ang Super Swerte at Sky Shot na kapwa niya tigasing kabayo.


Paniguradong marami ang magsasaad ng paglahok upang puntiryahin ang tumataginting na premyo, ang mga makakasali ay 4-year-old & Above Locally born, may distansiya itong 1,600 meter race,


May hahamigin din na premyo ang breeder ng winning horse kasama ang second at third placers.


"Masarap manaya riyan sa karerang 'yan kasi sigurado sasalihan 'yan ng mga mahuhusay na kabayo at dahil malaki ang premyo ay paghahandaan ng mga trainers at hinete ang event na'yan," saad ni Paolo Manansala, veteran karerista.


Sa Pebrero 6 ang declaration at nomination ng mga sasali habang sa Pebrero 24 ang bolahan para malaman kung anong numero ang kanilang bibitbitin sa aktuwal na karera.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page