top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 7, 2023


Ilang tulog na lang at magbabanatan na ang mga tigasing bagitong kabayo sa 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.


Posibleng pagtuunan ng pansin ng mga karerista at ibang trainers at hinete si Tell Bell na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez.


Ito'y dahil sa ipinakitang husay ni Tell Bell sa trial race na kanyang pinagwagian.


Magkakampihan sina Tell Bell at Chrome Bell sa distansiyang 1,400 meter race kung saan ay nakalaan ang garantisadong P1.2-M premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Makakatagisan ng bilis nina Tell Bell at Chrome Bell sina Prime Billing, Glamour Girle, Grand Moments, Cash On Hand, Melania, Runway Ten at Song Bird sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Sina Chrome Bell na gagabayan ni Pabs Cabalejo at Tell Bell ay mula sa Bell Racing Stable, puntirya nila na masilo ang P720,000 premyo.


Komento ng ibang karerista sa social media, tiyak na bantay sarado sina Tell Bell at Chrome Bell ng mga makakalaban nila kaya paniguradong mapapalaban ang dalawang magkakampi.


"Malaki ang premyo kaya todo ang paghahanda ng mga kalahok, malamang pinag-aaralan nila 'yung takbo ni Tell Bell," saad ni Rodrigo Calixto, veteran karerista na taga-Tramo.


Masusungkit ng second placer ang P240,00, iuuwi ng third ang P120,000 habang tig-P60,000, P36,000 at P24,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 6, 2023


Nasilayan ang mahusay na pagremate ni Gomper Girl nang manalo sa Condition Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, kahapon.


Lumabas na pang-anim na puwesto si Gomper Girl sa largahan habang nagtatagisan ng bilis sa unahan sina Goldsmith at Stayinthemoment.


Pero papasok sa huling kurbada ay nakalapit na si Gomper Girl kina Stayinthemoent at pagsapit ng huling 100 metro ng laban sa rektahan ay inagaw na ng winning horse ang unahan.


Tinawid ni Gomper Girl ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang Stayinthemoment sapat upang hamigin ang P10,000 added prize para sa winning horse owner na si GR Gaerlan.


Ginabayan ni jockey JD Flores, inirehistro ni Gomper Girl ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race, tumersero si Dragon Butterfly habang pumang-apat si Goldsmith.


May 10 races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagwagi si Grand Majesty noong Sabado sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa parehong pista.


Nakapanood ng magandang bakbakan ang mga karerista sa rektahan at sa huling isang daang metro ng laban ay umungos mula sa labas si Grand Majesty.


Isang kabayo ang lamang ni Grand Majesty sa pumangalawang si Distorted Julliane.


Nakapagtala ng tiyempong 1:29 minuto sa ,1400 meter race ang anak nina Brigand at Hard Hearted Lady na si Grand Majesty, tersero si Tenacity habang pumang-apat si Frizmatic.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 5, 2023


Napipisil ng mga karera tipsters sa programa si Stayinthemoment na sasabak sa Condition Race ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City,Batangas.


Paniguradong liyamado sa laban si Stayinthemoment na gagabayan ni jockey KE Malapira sa distansiyang 1,400 meter race na pakakawalan sa unang karera.


Ayon sa mga komento ng karerista sa social media na bahagyang nakakalamang sa laban ang Stayinthemoment pero naniniwala naman ang mga dehadista na malaki rin ang tsansang manalo ng ibang kabayo.


Makakatagisan ng bilis ni Stayinthemoment ay sina Eazacky, Gomper Girl, Dragon Butterfly, Pulang Lupa at Goldsmith


Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa winning horse owner sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Pagkatapos ng nasabing karera aarangkada naman sa race 2 ang PHILRACOM Rating Based Handicapping System na sasabakan ng 11 tigasing kabayo.


May distansyang 1,400 meter race, ang mga kasali ay sina Pendant, Rancheros, Wishful Thinking, My Dear Magnolia, Inter State, I'll Have Another, Plus, Happy Kid, Mount Pulag, Rise Up at Hang Loose.


Samantala, may 10 kareraa ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Linggo.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Stayinthemoment (6), Gomper Girl (1)

Race 2 - Rancheros (2), Wishful Thinking (3), Pendant (1)

Race 3 - La Republika (8), Yes Kitty/Barayong (5/5A), Bigmouthbernie (11)

Race 4 - Easy Landing (8), Pilya (7), Red Hawk (5)

Race 5 - Super Cong (4), Caraga Wonder (7)

Race 6 - Magnolia Yana (7), Caloocan Girl (8)

Race 7 - Gomezian (2), Patong Patong (8)

Race 8 - Electrify (2), Super Easy (7)

Race 9 - Main Event (2), Chrome Platter (6)

Race 10 - Top Posse (2), Munich (1)



 
 
RECOMMENDED
bottom of page