ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 10, 2023
Nakatakdang magtagisan ng bilis sina Namayan at Sir William sa magaganap na Condition Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, ngayong araw.
Paborito ng karera tipsters, inaasahang sina Namayan at Sir William ang magdodomina sa bentahan sa paglarga ng nasabing event na pakakawalan sa unang karera.
Gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Namayan habang si Conrad Henson ang rerenda kay Sir William.
Ang ibang kalahok sa distansiyang 1200m race ay sina Tool Of Choice, Eazacky, Sudden Impact at Goldsmith, suportado ang nasabing event ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Nakalaan ang P10,000 karagdagang premyo para sa winning horse owner kaya paniguradong maghahanda ng todo ang trainers at hinete.
Maliban sa nabanggit na karera, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng 14 na kabayo sa ikakasang PHILRACOM Rating Based Handicapping System sa Race 3.
Magbabakbakan sina Maaasahan, Queen Louise, ColdPlay, Malibu Bell, Moves Like Jagger, Don Albertini, Advance Party, Flying Eagle, Copy Cat, Cool Cat, Arrogante, Rockaway at Hunky Dory.
May P25,000 guaranteed prize ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang P10,000 ang added prize na masisikwat ng horse owner ng mananalo.
Samantala, siyam na races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Biyernes.
Mga Pili ni Green Lantern
Race 1 - Namayan (6), Sir William (4)
Race 2 - The Accountant (5), Asiong (6)
Race 3 - Queen Louise (2), Copy Cat/Cool Cat (9/9A), Flying Eagle (8)
Race 4 - The Price Is Rigt (2), Eyeshot (8), Ace Up (9)
Race 5 - Golden Eight (5), Keep Sailing (6), Bonifacio (4)
Race 6 - Speeding Hero (1), Shelltex Magic (4)
Race 7 - King Hanz (4), Big Bertha (14), Lucky Noh Noh (5)
Race 8 - Lake Balinsasayao (1), My Jopay (4)
Race 9 - Med - Bays (6), Atomic Bomb (14), Quick Buck (13)

