top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 20, 2023


Bumilib ang mga karerista sa ipinakitang tikas ng dehadong si Alta Mombis matapos manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado.


Hindi nasindak sa matutulin na katunggali si Alta Mombis, nakipagsabayan sa unahan paglabas sa aparato at papalapit sa far turn ay umagaw ng unahan ang liyamadong si Sky Lover.


Subalit hindi nagpabaya ang hineteng si Conrad Henson, itinutok nito si Alta Mombis kay Sky Lover at pagsapit ng rektahan ay inagaw na ng winning horse ang unahan para tawirin ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Tenacity.


Inilista ni Alta Mombis ang tiyempong 1:28 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner na si AF Coyco.


Tersero si Sky Lover habang pumang-apat si Marikit sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Isa pang hinangaan ng mga racing aficionados ay si Matukad Island na nagwagi sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.


Ginabayan ni JD Flores, inirehistro ni Matukad Island ang tiyempong 1:30.6 sa 1,400 meter race para ibulsa ang P10,000 added prize.


Dumating na segundo si Winsome Maxxine habang tumersero si Kissing Bandit.


Samantala sa darating na Sabado ilalarga ang 2023 PHILRACOM "Commissioner's Cup" kaya tiyak na aabangan ito ng mga karerista.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 19, 2023


Magtatambalan sina Attractive Force at Charm Campaign para masungkit ang panalo sa Condition Merged na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Paniguradong dodominahin nina Attractive Force at Charm Campaign ang bentahan sa takilya dahil pili sila ng mga karera tipsters sa programa na pang-primera.


Subalit tiyak na mapapalaban ang dalawang nabanggit na kabayo dahil kasali ang tigasing si Patong Patong sa distansiyang 1,400 meter race.


Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee, Patty Ramos Dilema si Attractive Force habang si Andreu Villegas ang gagabay kay Charm Campaign.


Maliban kay Patong Patong, makakatagisan ng bilis nina Attractive Force at Charm Campaign ay sina Main Event, Sari Baby, Runawayfromrosenot at Gomper Girl.


Nakalaan ang P10,000 added prize para sa winning horse owner, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng 10 tigasing kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Maglalaban ang mga kalahok na Silver Glow, High Quality, Lucky Lea, Aidan's Victory, Gold N Silver, Perfect Time, Sweet Spot, Montage, Steal Away at Hunky Dory.


May distansyang 1,400 meter race kung saan ikakalat ang P15,000 sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang ibubulsa ng winning horse owner ang P10,000 added prize.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race - 1 Patong Patong (2), Attractive Force/Charm Campaign (4/4A)

Race 2 - Lucky Lea (3), Gold N Silver (5), Sweet Spot (7)

Race 3 - Heroesdelninetysix/Piece Of Cake (1/1A)

Race 4 - Easy Landing (11), Crown In My Head (10), Barayong (2)

Race 5 - Early Bird (1), Hombre (4), El Mundo (5)

Race 6 - Electrify (4), Sir William (7)

Race 7 - Make Or Break (6), Erik The Viking (7)

Race 8 - Black Magic Woman (8), Red Hawk ( 12), Queensland (5)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 17, 2023


Magtatambalan sina jockey JoL Siego at Wishful Thinking para maangkin ang panalo sa Condition Race (23) ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Pakay masungkit ang added prize na P10,000 premyo para sa winning horse owner, makakaharap ni Wishful Thinking ang ibang tigasing kabayo na sina Gee's Song, Boss Nova, Riches Lumbangan, Blue Label at Premiere Danseur.


Magsisimula ang bakbakan sa Race 1, may distansiya itong 1,200 meter race kung saan ay suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon at ibang naka-iskedyul na karera ngayong Biyernes.


Ayon sa komento ng mga karerista, mahirap mamili sa nasabing line-up ng karera kaya inaasahang multiple ang kanilang pili para sa unang winner-take- all. "Mahirap na karera pa rin 'yan, mas maganda multiple ang pili mo para maka-isang puntos, tapos sa ibang races pili na lang ng matibay na pang single bet para makatipid sa puhunan," saad ni Robert Ladiana, veteran karerista.


Isa pang aabangan ng mga karerista ay ang labanan ng 14 na tigasing kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangatlong karera.


Ang mga kasali ay sina Cool Cat, Sierra Madre, Apollo, Advance Party, Super Cong, Heritage, Atomic Bomb, Maki Boi, Double Happiness, Haymaker, Laughing Tiger, Columbus, Riding The Tiger at Jambo.


Samantala, may 9 na karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), magpapatuloy ang kanilang pakarera hanggang Linggo.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Wishful Thinking (1), Princess Danseur (6)

Race 2 - Giaann Tsie (5), Monument (7), Kentucky Rain (1)

Race 3 - Atomic Bomb (7), Advance Party (4), Riding The Tiger (13)

Race 4 - Lucky Noh Noh (2), Freedom Lover (3), My Diamond (9)

Race 5 - Manang Biday (2), Barrio San Jose (8) Reesy Baby (11)

Race 6 - Elegant Lady (9), Stayinthemoment (3), My Jopay (7)

Race 7 - Galloping Ghost (11), Rise And Shine (1)

Race 8 - Empire Ruler (8), Keep Sailing (1),

Race 9 - Maaasahan (8), Es Oh Pee (2), Rockaway (13)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page