top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 14, 2023



Binulaga ng dehadong Save My Savings ang mga karerista matapos manalo sa 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Pumuwesto sa pang-apat si Save My Saving sa kalagitnaan ng karera kung saan ay nakapanabayan nito ang liyamadong si Runway Ten habang nasa unahan sina Barrowed Heaven at Pay D Lady.


Pagdating ng home turn ay nagkapanabayan na sa unahan sina Save My Savings na nasa bandang labas, Runway Ten na dumaan sa tabing balya at Barrowed Heaven na nasa gitna.


Nakitaan ng husay ang winning horse sa huling 150 metro ng laban sa rektahan, naagaw ng anak nina Bite My Dust at Tagapagmana na si Save My Savings ang unahan at nabigyan pa siya ng magandang laban dahil malakas ang dating ni Chrome Bell.


Pero nanatili ang tikas ni Save My Savings, nauna pa rin itong tumawid sa meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Chrome Bell sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Ginabayan ni class A rider O'Neal Cortez, inirehistro ni Save My Savings ang tiyempong 1:25.4 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si RL Abacan ang P720,000 premyo.


Nakopo ni Chrome Bell ang P240,000, habang tig- P120,000 at P60,000 ang 3rd at 4th placers na sina Barrowed Heaven at Destin Guest ayon sa pagkakasunod.


Nagbulsa rin ang fifth at sixth ng tig-P36,000 at P24,000 habang nasikwat ng breeder ng winning horse ang P60,000.


Samantala, tuloy ang ensayo ni Save My Savings upang paghandaan ang susunod na stakes race na sasalihan.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 13, 2023



Ipinakita agad ni Tazama ang kanyang tikas matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas, kahapon.


Sinakyan ni jockey JE Apellido, inilista ng anak nina Ultimate Goal at Love You By heart na si Tazama ang tiyempong 1:25.4 minuto sa 1,400 meter race upang angkinin ng winning horse owner na si VE Go Bon ang P10,000 karagdagang premyo.


Segundo si Euroclydon habang tersero at pang-apat sina Bisyo Mag Serbisyo at El Mundo ayon sa pagkakasunod sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


May siyam na karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Linggo kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Samantala, napanood ng mga karerista ang husay ni Princess Mavee nang manalo sa Condition Race (17) noong Sabado ng hapon sa parehong lugar.


Makapigil-hininga ang naging labanan sa rektahan lalo na noong tumawid sa meta dahil halos dikit-dikit sina Princess Mavee, Sir William at Matikas.


Papasok ng huling kurbada ay nasa unahan si Stayinthemoment pero sa rektahan ay biglang nagdatingan sina Princess Mavee, Sir William at Matikas.


Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA), Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, inirehistro ni Princess Mavee ang 1:26.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si LA Decena ang P10,000 added prize.


Dumating na segundo si Sir William, tersero si Matikas habang pumang-apat si Sari Baby.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 12, 2023



Magbabakbakan sina Runway Ten, Chrome Bell at Petron pagsalang nila sa 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race, ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Paniguradong magandang laban ang masisilayan ng mga karerista dahil may 14 na kabayo ang kalahok sa distansyang 1,400 meter race.


Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Chrome Bell, si class A rider Jeffril Tagulao Zarate ang sasakay kay Petron habang rerendahan ni Conrad Henson si Runway Ten.


Nakalaan ang garantisadong P1.2-M premyo na ikakalat sa unang kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Ang ibang naghayag ng pagsali ay ang Barrowed Heaven, Destin Guest, Easy Way, I Under Oath, Kanyon For Freedom, Pay D Lady, Save My Savings, The Alpha Male, Uncle Vhines, Whamos at WolfGang. "Malaki ang premyo kaya magandang laban ang mapapanood natin diyan, kahit sino puwedeng manalo kaya pahirapan din sa pagpili ng tatayaan," saad ni Hidalgo Baltazar, veteran karerista.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P240,000 habang tig-P120,000, P60,000, P36,000 at P24,000 ang sa third hanggang sixth ayon sa pagkakahilera. Ibubulsa naman ng breeder ng winning horse ang P60,000 habang may ibubulsa na tig-P36,000 at P24,000 ang second at third placers.


Samantala, may siyam na karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Euroclydon (1), Tazama (8), Bisyo Mag Serbisyo (2)

Race 2 - Spaghetting Pababa (7), Forbidden City (5), Cool Cat (2)

Race 3 - Runway Ten (9), Petron (2), Chrome Bell (3)

Race 4 - High Honours (2), May Ten (7), Sweet City (11)

Race 5 - Lucky Noh Noh/Atomic Bomb (3/3A)

Race 6 - Easy Landing (11), Heavenly Star (2), Crown In My Head (7)

Race 7 - Fredie Wong (13), Light And Shade (11), Daldalero (9)

Race 8 - Batang Madrid (2), Humidor (9), Hi Jack (8)

Race 9 - Mommy Zen (8), Early Bird (7), Snow White (3)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page