ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 17, 2023
Magpapasiklaban sina Goldsmith at Ipolitika sa pagsalang nila sa Condition Race (20) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo si Ipolitika habang si Jomer Estorque ang sasakay kay Goldsmith sa distansyang 1,200 meter race,
Paglalabanan ang P10,000 guaranteed prize, ang ibang tigasing kalahok ay sina Biglang Buhos, Golden Sunrise, Tool Of Choice, Serafina, Truth Maker at Noon Bell na gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.
Komento ng mga karerista sa social medi, posibleng magbigay ng magandang laban sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De leon, ay sina Biglang Buhos at Golden Sunrise.
"Pag-aralan ang mga kabayo na tatakbo para makasilip ng maganda, kahit sino kasi puwede manalo magagaling din kasi mga kasali," ani Bonnie ledesma, veteran karerista.
Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na magiging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Isa sa aabangan din ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race.
Ang mga kalahok ay sina Tulak Ng Bibig, Perfect Love, Fast And Easy, Rocking Bell, Earli Boating, Lucky Strike, Impressive Victory at Frizmatic.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Ipolitika (3), Goldsmith (6)
Race 2 - Earli Boating (5), Rocking bell (4)
Race 3 - Sapin Sapin (10), Sound Barrier (7), Etnaad (3)
Race 4 - Top Grosser/Caloocan Girl (7/7A), She Is Sizzling (1), My Dad Bogart (8)
Race 5 - Sakalam (7), Sky Story (1), Freedom Lover (5)
Race 6 - Double Rock (5), Pendant/Humidor (1/1A)
Race 7 - Big Girl (13), Shining Angel (14), Nevada Scout (9)
Race 8 - Super Cong (10, Walking On Sunshine (11), You Never Know (8)

