top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 26, 2023



May date sa pista sina Big Lagoon at Boss Emong sa magaganap na 2023 PHILRACOM Classic Cup Division I na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Gagabayan ni jockey John Alvin Guce si Big Lagoon habang si star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang sasakay kay Boss Emong. Makakaharap nila Boss Emong at Big Lagoon sina Gomezian, Sky Shot, Don Julio at Robin Hood kung saan nakalaan ang P2.5-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Inaasahang mahigpit na karibal ni Big Lagoon si Boss Emong dahil makailang beses na silang naglaban.


Si Big Lagoon ang reigning Presidential Gold Cup Champion habang si Boss Emong ay nahirang na Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse of the Year awardee.

Posibleng magbigay din ng magandang laban ang magkakamping sina Sky Shot at Don Julio sa distansiyang 1,800 meter race.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.5M, mapupunta sa 2nd placer ang P562,500 habang sa third ang P312,500 at sa 4th ang P125,000. Ibubulsa ng breeder ng winning horse ang P125,000, habang tig-P75,000 at P50,000 ang 2nd at 4th sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.


Samantala, 12 races ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 25, 2023



Sasabak sa magkahiwalay na dibisyon sina Patong Patong at Mommy Caring sa magaganap na stakes races ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Nakatakdang makipagtagisan ng bilis sa pista si Patong Patong sa 2023 PHILRACOM Classic Cup Division II habang sa Division III naman sasalang si Mommy Caring.


May distansiyang 1,800 meter race ang dalawang nabanggit na karera na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nakalaan ang P750,000 guaranteed prize sa Division II, rerendahan ni jockey Jomer Estorque si Patong Patong na makakalaban sina BlackBurn, Fortissimo, La Vie D'Or, Magtotobetsky, Shining Vic at Work Bell.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P450,000, mapupunta sa second ang P150,000 habang tig- P75,000, P37,500, P22,500 at P15,000 ang third hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Para sa Division III na may garantisadong P500,000 premyo ay P300,000 naman ang susungkitin ng unang kabayong tatawid sa meta, P100,000 sa second, P50,000 sa third, P25,000 sa fourth, P15,000 sa fifth at P10,000 sa sixth.


Sina Moderne Cong, Hamlet, Sophisticated, Magna Cum Laude, Cupid Song, All To Easy at Shanghai Noon ang makakalaban ni Mommy Caring.


Samantala, siyam na karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado kaya tiyak na magsasaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Race 1 - I Under Oat (2), Distant Thunder/Ganbatte (4)

Race 2 - Moderne Cong/Hamlet (4//4A), Mommy Caring (7)

Race 3 - May Ten (6), Magnolia Yana (13), Saoirse (7),

Race 4 - Patong Patong (4), Magtotobetsky (7),

Race 5 - Easy Landing, (6), Crown In My Head (7), Our Secret (9)

Race 6 - American Dream (6), Electrify (7), Dambana (5)

Race 7 - Benjie's Player (5), Waray Na Mayda Pa/Super Cong (2/2A), My Dad Bogart (11)

Race 8 - Princess Isabelle (4), My Dear Magnolia (9), Laguna De Bay (8)

Race 9 - Walkin In Sunshine (4), Bishop Blue (3), Malibu Bell (7)

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 24, 2023



Paniguradong malaking suporta ang makukuha ni Goldsmith sa mga liyamadista sa pagsalang nito sa Condition Race (20) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Sapagkat ipinapatok ng mga karera tipsters sa programa si Goldsmith na rerendahan ni jockey JT Pabilic.


Makakalaban ni Goldsmith sa karerang may distansiyang 1,200 meter race ay sina Serafina, Hookbung Dagat, Tool Of Choice, Golden Sunrise at Biglang Buhos.


May karagdagang premyo na P10,000 ang nakalaan para sa winning horse owner sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa mga karerista sa social media, posibleng maging mahigpit na karibal ni Goldsmith ay sina Golden Sunrise at Biglang Buhos.


"Mahuhusay na kabayo sina Golden Sunrise at Biglang Buhos kaya tiyak na mapapalaban si Goldsmith dyan," saad ni Victor Fajarito, veteran karerista.


Isa pang aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng 10 tigasing kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera.


Ang mga magtatagisan ng bilis ay sina Frizmatic, Dreamsoftheworld, Runway Ten, Whamos, Pay D Lady, Arigato, Kamahalan, Kain Touchme, Macha Green at Bondi Beach.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya inaasahang magiging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Goldsmith (4), Golden Sunrise (4)

Race 2 - Kain Touchme/Macha Green (8/8A), Pay D Lady (5)

Race 3 - Manang Biday (2), Aroma (5), Chase The Gold (7)

Race 4 - Golden Eight (2), Shelltex Gold (7), Jambo (4)

Race 5 - Chrome Soft (2), Rancheros (3)

Race 6 - Great Dane (1), Daldalero (2)

Race 7 - Amelia (10), Pilya (1), Charm N Luck (3), Todo Pong (4)

Race 8 - Jubilum/Amor Mi Amor (7/7A), Coal Digger (13), Jannanigans (3), Since When (2)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page