top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 01, 2023



Nakitaan ng husay noong Miyerkules si Giaann Tsie dahil nasikwat nito ang panalo sa 2023 National Women's Month Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Sinakyan ni jockey Ryan Base, isinunod lang nito ang Giaann Tsie sa nangungunang Alta Mombis sa largahan.


Pagdating ng far turn ay lumalapit na ng bahagya ang anak nina Smart Farda at My Aday na Giaann Tsie sa unahan at pagsungaw ng rektahan ay nasa pangalawang puwesto na ang winning horse. Isinigaw ng race caller ang Giaann Tsie dahil malakas ang dating nito sa rektahan kaya naagaw ang unahan at tinawid ang meta ng may isa't kalahating kabayong agwat sa pumangalawang Right Answer.


Inirehistro ng Giaann Tsie ang tiyempong 1:27 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AM De Ubago ang P10,000 karagdagang premyo.


Terserong dumating si One Of A Kind habang pumang-apat ang Oh Rotie na ginabayan ni JR. De Ocampo.


Samantala, bukas na ilalarga ang 2023 PHILRACOM Henry Cojuangco Cup na pakakawalan sa parehong lugar.


Inaasahang patok sa liyamadista ang kalahok na Righteous Ruby na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee, Jonathan Basco Hernandez.


Ang ibang kalahok na nagsaad ng pagsali sina Bombay Nights, Civics Class, Runway Dreamer, Shastaloo, Time For Glory at Treasure Hunting, nakalaan ang P1.5M premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa distansiyang 1,800 meter race.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 31, 2023



Magkakampihan sina Up Bell at Rocking Bell sa ilalargang 3-Year-Old & Above Maiden Race sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, ngayong araw.


Mula sa Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon, makakatagisan ng bilis nina Up Bell at Rocking Bell ang anim na batang tigsing kabayo sa distansiyang 1,200 meter race.


Ang ibang kalahok ay sina Bondi Beach, Mapagkalinga, Frizmatic, Burden Of Proof at maka-kuwadrang Magic Showtime at Petron.


Nakalaan ang added prize na P20,000 premyo para sa winning 3-year-old horse lamang sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa komento ng mga karerista sa facebook page ng karera, posibleng maging mahigpit na karibal nina Up Bell at Rocking Bell ay ang magkakampi ring sina Magic Showtime at Petron.


"Parehong magaling mga 'yan, kaya kahit sino puwedeng tayaan, dapat magaling sumilip para sa parada pa lang makikita mo na kung sino ang maganda ang kilos," saad ni Ferdinand Salvador, veteran karerista na taga- Sta. Ana, Manila.


Maliban sa nabanggit na karera ay paniguradong aabangan din ng mga karerista ang banatan ng 13 mahuhusay na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Mag-uunahan sa meta sina Classic Gee, Mabalor, Manlot Island, SpyGlass, Princess Belle, Determinado, Biktori, Solution, Aroma, Speedy Wego, Pagbabago, Big Girl at Empire Ruler.


Samantala, siyam na karera ang ikakasa ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Up Bell/Rocking Bell (1/1A), Magic Show Time/Petron (2/2A)

Race 2 - Aroma (8), Determinado (5), Solution (7)

Race 3 - Batang Cabrera (3), Club Havana (4)

Race 4 - Lucky Lea (7), Fortress (1), Sweet City (6)

Race 5 - Humidor (2), Happy Julliane (7), Stark (4)

Race 6 - Polloc Island (5), Stalag Seventeen (2), Action Rules (8)

Race 7 - Avalone Bandit (5), Rockaway (1), Namaskar (9)

Race 8 - Happy Maggie (9), Rancheros (10), Amazing Julliane (11)

Race 9 - Lucky Noh Noh (10), Jannanigans (8), Sun Dance (13)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 30, 2023



Paniguradong bigay todo sa paghahanda ang mga hinete at trainers sa kanilang ilalaban na kabayo sa 24th Araw ng Maynila Gran Copa De Manila Racing Festival na ilalarga sa Hunyo 24 sa pista ng Metro Turf sa Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Kahit wala nagdeklara at nagsaad ng pagsali na mga kabayo ay nagkaroon na ng MOA signing sa tradisyunal na isinasagawang stakes race tuwing Manila Day noong Martes, (Marso 28).


Punong-abala sa nasabing stakes race ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


Nagpirmahan si Manila Mayor Maria Sheilah "Honey" Lacuna-Pangan, Metro Manila Turf Club Racing Manager Rondy Prado at ang chairman ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Inaasahang magiging bongga ang pakarera ng MMTCI kaya muling masisiyahan ang bayang karerista sa tradisyunal na selebrasyon ng Araw ng Maynila.


Komento ng mga karerista sa social media na tiyak na masisiyahan sila sa kanilang paglilibang dahil tuwing Gran Copa De Manila ay maraming dehadong kabayo ang nananalo.


Tiyak malalaki ang mga guaranteed prizes bawat karera kaya posibleng sumali ang mga kabayong pang stakes races.


Samantala, pitong karera ang pinakawalan ng MMTCI kahapon ng Miyerkules, nagsimula ang bakbakan sa 5:30 p.m.


Habang sa Linggo ay may aabangan na malaking karera ang mga karerista.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page