top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 17, 2023


Inilampaso ni top favorite Civics Class ang mga nakatunggali matapos angkinin ang panalo sa NPJAI - Mr. Vincent Eric Go Bon Special Race na pinakawalan noong Sabado ng hapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Pinaarangkada ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Civics Class paglabas ng aparato upang hawakan agad ang apat na kabayong agwat sa sumusunod na Patong Patong.


Papalapit ng far turn ay kumapit sa unahan ang Patong Patong pero hindi hinayaan ni Hernandez na makaporma ng husto ang kalaban kaya naman inalagwahan nito ang Civics Class upang umunat muli sa rektahan at makalamang ng pitong kabayo.


Dahil hindi nahirapan sa laban ay umabot sa walong kabayo ang agwat ng Civics Class sa nauupos na Patong Patong pagtawid nito sa meta.


Inilista ng anak nina Street Sense at Birds Secret na si Civics Class ang tiyempong 1:37.6 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si F.R. Sevilla ang P10,000 karagdagang premyo.


Dumating na tersero si Marilag habang pumang-apat si Electrify sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nasiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang kahapon ng Linggo, nagpakawala ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ng 10 races.


Inaasahang mas masisiyahan ang mga karerista sa mga darating na Linggo daahil sa mga stakes races na ilalarga sa karerahan.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 16, 2023


Ngayong araw na masusubukan ang husay ni Jaguar sa paglarga ng 2023 PHILRACOM Road to Triple Crown Stakes race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Tiyak na mapapalaban si Jaguar sa siyam na katunggali sa karerang nakalaan ang P1-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Posibleng magbigay ng magandang laban kay Jaguar ay sina La Trouppei at Sartorial Elegance sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Gagabayan ni veteran jockey Fernando Raquel Jr., ang ibang makakatagisan ng bilis ni Jaguar ay sina Going East, Earli Boating, Easy Way, Port Kennedy, Secretary, Sweetie Giselle at Winner Parade sa distansiyang 1,600 meter race.


Kukubrahin ng mananalong kalahok ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000, habang P100,000 sa tersero.


Sisikwatin ng fourth hanggang sixth ang tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ayon sa pagkakahilera.

Mag-uuwi rin ng P50,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Samantala, komento ng mga karerista na magandang laban din ang masisilayan sa NPJAI - Silver Bullet Special Race na pakakawalan sa unang karera.


Ang mga maglalaban ay sina Petron, Magic Show Time, Mill Run, Perect Love, Moderne Verde, Cluster, Sunrider at Mount Piapayungan.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Petron/Magic Show Time (1/1A), Cluster (5)

Race 2 - Jubilum (12), Monument (7), Alta Mombis (2)

Race 3 - Jaguar (10), La Trouppei (3)

Race 4 - Caraga Wonder (2), Crown In My Head (2), Katuparan (8)

Race 5 - Gentle Giant (3), Columbus (2), Lucky Lea (5)

Race 6 - Eutychus (5), Bisyo Mag Serbisyo (4), Red Sole/Super Master (3/3A)

Race 7 - Sun Dance (2), Super Shelltex (4), LaGuardia (10)

Race 8 - Can You Giub (6), Signature Move (3), Sky Plus (1)

Race 9 - Chesapeake Bay (9), Run Yumi Run (7), Great Dane (1)

Race 10 - Enigmatic Linden (10), Atomic Bomb (7), Sonic Clay (3)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 15, 2023


Aarangkada si Patong Patong sa magaganap na NPJAI - Mr. Vincent Eric Go Bon Special Race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Inaasahang isa si Patong Patong sa anim na kalahok ang bebenta sa takilya dahil sa kanyang husay sa karerahan.


Gagabayan ni rising star jockey Jomer Estorque, makakalaban ni Patong Patong sina Electrify, Golden Sunrise, Marilag, Cat Bell at Civics Class sa distansiyang 1,600 meter race.


Posibleng magbigay ng magandang laban sina Civics Class at Cat Bell sa event na nakalaan ang garantisadong premyo na P35,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Kukubrahin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P10,000 sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Mahirap na karera 'yan, lahat magagaling kaya mas maganda kung multiple ang pipiliin na kabayong tatayaan sa winner take all para malaki ang tsansa makapuntos," saad ni Emilio Aguilar, veteran karerist.


Paniguradong aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng walong kabayo sa NPJAI - PHILTOBO Special Race na pakakawalan sa unang race.


Magtatagisan ng bilis sa nabanggit na karera sina Bantay Sarado, Galactus, Mendel Bell, Douglas Fir, Take A Chance, Great Angie at magka-kuwadrang Flamenco Dust at Mr. Old Rich.


Samantala, siyam na karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Mendel Bell (3), Bantay Sarado (1)

Race 2 - Patong Patong (3), Civics Class (6)

Race 3 - Lucky Julliane (14), My Dad Bogart (11), Barayong (4)

Race 4 - Concepcion (4), Bada Ding (8),

Race 5 - Es Em Bee (7), Hamlet (9), Stardust (2)

Race 6 - Love Radio (7), Sunny Side (8)

Race 7 - Digital (14), Mettle Strength (5), Dollarama (8)

Race 8 - Krugerrand (9), Ambisioso (1), Main Event (4)

Race 9 - My Sweet Lord (1), Commodora (11), Phenom (12)



 
 
RECOMMENDED
bottom of page